lampara

Standard

sa ilaw na dala ng lampara,
ang paghangang nadarama ay lilimutin ko na.
hindi dahil napaso ako ng paglaruan ko ang apoy nito,
kundi mas mabuting pagmasdan sa malayuan ang gandang
hatid ng apoy na sumasayaw sa ritmong may laya ang galaw.

ayokong masunog tulad ng pagkatupok ng isang gamu-gamo
dahil sa pagkahalinang dala ng liwanag nito.
mas mabuting hangaan ang liwanag,
sa pag-asang dala nito sa dilim upang
ang sinag nito’y marami ang makapiling.

lampara ng buhay
may tatlong ilaw na taglay,
pula para sa alab ng pagdurusa,
bughaw bilang mahika ng uhaw na natighaw,at
dilaw para sa kapayapaan ng pusong nasisilaw at naliligaw.

lampara, ikaw man ay may dalang pighati
ngunit sa kadiliman ikaw ay minimithi,
at kailanman walang damdamin ang di
mapupuyo sa saliw ng lamparang di mahinto.

Advertisements

54 responses »

    • huwag sanang ang lampara ay pumanglaw
      sa dinaraanan ay mananatiling tanglaw
      dapat gaas ay sapat at hindi mauubos
      dahil magdidilim at ang liwanag ay kapos
      liban na lang kung naririyan ang Diwatang Aninipot…..

  1. Sa bolang kristal aking nasilip
    Babaeng manlulupig
    sa gitna ng espada at mga kabayo

    Ngayo’y poeta ang panlaban sa aba
    Nasisinagan ng araw yaring kaniyang pluma
    Sa sulo ng lampara, aling kulay ang dadambana?

    Nasisilayan, nadarama, pakiramdam ito nga ba?
    Naaliw, umiibig, nahahalin sa ilaw mong dala
    Umaasa, babalik para hangaan ka.

    • bolang kristal na mahiwaga
      ano nga ba ang totoo mong nakita?
      may misteryo sa bawat salita at gusto kong makita.

      nawa’y iba ang sapantaha sa bawat
      bitiw ng iyong salita
      at umaasang iba nga.

      magandang hapon kuya kulisap.

  2. teka. ang ganda nito ah.
    ayos! i want! i like! i love!
    wala akong masabi.
    basta nagustuhan ko.
    hindi ko lang masabi in words pero ayos eh.
    solido. hakhak!

    clap clap clap

  3. Ate Ani, masakit ulo ko, pero gusto kong magkomento, pero din wala akong ma i-komentong matino. haist. lampara… hmmmm

    lampara…
    ang siyang nagbibigay ng ilaw
    sa madilim na paligid
    ang siyang nagbibigay init
    sa maginaw mong silid

    masarap pagmasdan
    ang nakasinding lampara
    ang liwanag nito’y kahali-halina

    maakit ka’t susubakang
    makipaglaro
    subalit kapag nagkamali’
    sa apoy ikaw ay mapapaso

    lampara ng buhay
    ay sadyang mapanlinlang
    ang liwanag nito
    minsa’y nababalot ng kadiliman

    kaya ang paggamit
    nito’y dapat pinag iisipan
    ingatan ng mabuti
    at gamitin sa tamang paraan

    ang lampara ay buhay
    ang buhay ay parang lampara
    may mga pagkakataong
    magliliwanag ka
    subalit darating ang panahong
    mauubusan ka’t
    mauupos na parang kandila

    Magandang Madaling Araw Ate Ani!

      • wow! chevybo..mas mahaba pa ang comment mo kesa post ko…haha

        lampara ko man ay mauubusan ng gaas
        darating ang panahon may pupuno din ito
        ang lampara ng buhay ko
        ay di tulad ng kandialng nauupos
        bagkos ito ‘y liliwanag hangga may handang
        makita ang liwanag nito.

      • wala siyang maikomento niyan, at hiyang hiya pa si Chevy ng lagay na yan at sumasakit pa ang ulo niyan.

        paano na pag normal siya? pakakainin tayo ng alikabok at agiw ni Chevy.

      • @BT, hahaha. Magandang Gabi naman sa’yo BeefTapa! ehe.

        @Ate Ani, hehehe. Ganun ba Ate, dal’wang oras ko ring tinitigan yan. hehehe. Nainggit ako dun sa mga gumawa ng tula eh. gaya gaya puto maya ako eh. Magandang Gabi Ate Ani!

        @Baby este Kuya Jkul, hindi naman, gaya nga nang nabanggit sa itaas. dal’wang oras ko ring tinitigan yan bago ko tuluyang molestyahin yung “Submit Comment” hehehe.

        Magandang Gabi Kuya, nabasa ako ng ulan. huhuhu. nilalamig na ako dito sa opis.

  4. ang ganda ng poet nyo!!..
    ako makikigaya din.. =)

    -saksi ang sinag ng lamparang aandap andap
    na dinadalaw kita sa gabing walang liwanag
    bumabalik ako kahit di mo tanggap
    na katauhan ko’y sexybeast., Jacob Black!

  5. liwanag ng lampara ika’y naakit
    ika’y nasunog ngunit di masakit.
    tukso ng dilim na nagbalat kayo
    sa liwanag nagtago at sayo sumamo.

    grabe napatula ako don ah

  6. pinapagod ang mata ko ng mga ilaw dagitab
    ngunit kung ipipikit ko ang aking paningin,
    naroroon ako.
    namamaybay sa mga landas ng pilapil
    hinahabol ang kapayakan ng buhay
    pilit pinupuno ang dibdib ng amihan

    at ang gabi,oh ang gabi…
    kung katawa’y hingalay at gapok na sa pagod
    na ni hindi na makuhang makipagniig
    tinatangay na lamang sa antok at panaginip
    sa aandap-andap na sayaw ng iyong lampara.

    nahuli ako.patawad,tinkerbell!

  7. ilaw sa loob ng lampara
    huwag naman itago sana
    ibahagi sa iba
    magbigay sulo sa daang tahak twina

    alab ng apoy nito
    paroo’t parito
    init na walang patid
    buhay kanyang hatid

    ilaw mo’y pakislapin
    pighati ma’y kakaharapin
    dahil ilaw mo’y salamin
    hawakan at damhin

  8. Palagi ako naiinsecure sa mga magagaling gumawa ng tula. Never ako nakagawa kahit isa. Haha. Pasuin kita dyan ng lampara sige. Aninimaster! šŸ˜€

  9. wag mo nang piliting lumapit pa sa lampara alitaptap…

    may sarili ka nang liwanag…

    sapat na yun, para magdala ng ilaw,
    kung sakaling ikaw ay nadidiliman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s