malay mo, at malay nating lahat.

Standard

minsan gumagawa tayo ng desisyong sa tingin ng iba ay katangahan, susundan ng pangaral at paghihinayang, hindi sasang-ayon dahil lihis sa tingin nilang tuwid na paniniwala. gusto kong isigaw na bawat desisyon ay may malaking rason, sandaang beses man tinimbang o isang segundong pinag-isipan lahat yan may mabigat na dahilan. may emosyong nakataya , may emosyong itinanim na pwedeng mabalewala at maglaho, pwede ring anihin pagdating ng panahon.

kung pwede nga lang ang mundo ay para lang alkansya, kung ayaw mo na sisirain na, kung naghihinayang susungkitin ang piso ng paisa-isa.

o kaya parang gumagawa ng maliit na bahay-bahayan, sabihin lang, panget! ayoko na!, ayon pwede ng gibain, palitan ang ayaw, isa-isahing ayusin, pag nagustuhan, viola! may bahay-bahayan nang swak sa panlasa.

pero hindi eh! iba ang buhay ng tao, komplikado ang lahat, pero bakit ko nga ba pinapakomplikado?, gawin na nga lang simple…. bow!… wala ng problema.

it’s just a matter on how we accept things that happened to us.

Advertisements

46 responses »

    • Akala ko para sa kamalayang malaya ni J.Kulisap. Sasang-ayunan kita ng sangkatutak Aninipot! Pero ngunit saubalit datapwat mahirap ang mundong ating ginagalawan, hinuhusgahan pa din tayo sa kung anong desisyon natin dahil sa simpleng rason na hindi angkop yun para sa nakakarami. Hindi ko maipaliwanag ng lubusan, yun na yun. 🙂

      Kaya Vajee (alam ko naman na babasahin mo ito), anong masama sa pagsuot ng pekpek shorts??? Aber??? 😆

  1. Ito na ba ang entry mo? O patikim pa lamang?

    Aba, aba tinatakot kayo ni Aning.

    Matigas ang ulo, alin ang hindi malambot?

    Nangyayari ang kaganapan minsan dahil may aral na dapat matutunan.

  2. ito na ba ang entry para sa pakontes ni ginoong jkul?

    minsan masayang gawing kumplikadoa ang isang bagay para may thrill.. wahahaha! iyon eh para lang naman sa akin. hakhak! mas challenging kasi. kumbaga sa math. ginagawa nilang kumplikado… andami nilang pinaglalagay-lagay na simbolo pero kung tutuusin isa lang naman ang patutunguhan eh… pinakulit lang nila ng kunti. pero cool naman. hakhak!

    anyway high way, wala na namang punto ang pinagsasabi ko dito…

    hakhak!

    • hindi eloi, sa 28 ko pa isusulat ang entry ko, if ever makagawa ako…hehe

      hmmm, sabagay mas masaya ang minsang magulong buhay, mas kumplikado mas masaya…hahaha

  3. magaleng magaleng magaleng! at dito ka pala dumadatkom aninipot. hindi ka naman kasi nag-iiwan ng lingkis sa datkom eh. di tuloy ako nakakatambay dito. hehe.

    tungkol sa buhay…ahm…ganto kasi yan…ahm…wala akong masabi. nasabi mo na kasi lahat eh. ano ‘to, entry mo sa pautot ni g. jakuli?

    • hehe, pasensya, nahiya akong mag-iwan ng bakas.
      masyado kang magaling lio.

      eto?…hindi ko to entry para sa kontest ni kuya kulisap, hehe, pero kasalanan nya bakit ganyan ang title ng posteng ito..

  4. yap its a matter of accepting. Pero huwag mong kalimutan magpasalamat sa lahat ngtinantanggap mo. ..

    saka lahat ng ginagawang tao para sa kanya tamayun.o need to explain db?:D

  5. ang pinakagusto ko dito waling anini ay yung sinabi mong lahat may dahilan, mabibigat na dahilan kahit simpleng dahilan yan, kai ito ang naging daaan sa desisyong ginawa/gagawin natin.

    magandnag gabi.

      • yehey, nagtagpo din ang mga oras natin umaga na dito diyan naman tanghali na, 7:06 palang dito.

        tama ka no questions asked na dapat lalo na kung ang desisyong ginawa ay pinagisipan at nilimlim ng maayos.

        Be blessed!

  6. Pinakamahirap talaga na parte sa buhay ng pagiging isang tao ang pagdedesisyon sa isang bagay.

    Kung ganun lamang sana kadali, gaya nang mga nabanggit sa itaas. Disin sana’y mayroon na akong dangal. Na ihaharap sa’yo at ipagyayabang. Wala sanang nawasak na tahanan, wala sanang matang napaluha, wala sanang pusong nasugatan.

    Nagdesisyon kasi akong magkomento, yan tuloy. hehehe

    Magandang Madaling Araw Ate Ani!

    Ito na ba yun?

  7. Kala ko entry mo ke Jakul.

    Anyways, kurekness ka dyan. Hindi mo kelangan magsimula palagi sa una pag namata ka ng nagmamagaling. Except nalang kung ganon ka mag cope. Ako kase, ang lagi kong sinasabe

    KEBER BA NILA.

    Haha.

  8. tama ka simple lang ang buhay tayo lang mismo nagpapakumplikado rito… minsan tayo lang mismo ang nagpapasakip sa mundong ginagalawan natin… lahat ng nangyayari sa atin may dahilan yan, kahit simpleng tapilok lang.

    • hmmmm, nag-iisip ako sa simpleng tapilok na yan…hehe

      walang madali sa mundong ito, pero pwede nating pasimplehin ang lahat ng bagay at pangyayari sa paligid natin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s