looking through your eyes

Standard

oo na, aaminin ko ang mundo ko ay puno ng pantasya….pantasyang gawa ng tao, uto-uto ako eh!
madalas mas kinikilig pa ako sa mga cartoon movies kesa sa tao, ewan! pero ganun talaga, magulo ako diba?
kaya eto, isa sa pinaka-paborito kung disney movie…elementary pa lang ako ng una ko tong mapanood, at una akong na-inlove kay Garett, pero sige ipapa-ubaya ko sya sa mahal nya…haha

at baliktarin man ang mundo memorize ko ang kantang to, sinubukan kong pag-praktisang tugtugin sa gitara pero ayon! alam nyo na sigoro ang nangyari, di ko natutunan, tae kasi ako, pinagarap agad matutunan ang “looking through your eyes”, syempre gusto sanang magpa-impress na alam ko to pero olat’s, asa pa ako.

kung paano akong tumugtog ng gitara nung grade six, parang ganun parin sigoro ang performance ko…haha
kung naghahanap ka ng matinong entry, wag kang maghanap dito…dahil malamang sa malamang mawawala ka muna sa munting kagubatan ko bago mo mahanap ang hinahanap mo, kaya habang wala ako, tulog ka nalang…mwuah!

Advertisements

65 responses »

  1. hakhak! mas okay ang anime at cartoons. hakhak!
    trip na trip ko nga noon eh yung UP na movie. walastek ang ganda ng music doon. hakhak!
    natawa ako sa video. hakhak! kasi yung ano ba yun dinosaur na ewan. hindi ko maidentify… basta yun. hakhak!

    bigla akong may naalala sa garett… hakhak!

    • wahaha! alam ko na, si Garett yong kumalabit sayo?..ayiiiiiiiiii!
      kaya nman pala affected sa post kung prince leonard, kasi may pangalan ding weakness ang isang eloiski…

      dinosour yon, na magkadikit kasi sinumpa sila, dinosour na di kayang lumipad….hehehe

      • adik! si garett! si garett! di mo kilala si garett! si birtuso yun! si birtuso! sino si birtuso. ah basta si birtuso. anakngtokwa!
        hindi siya yung kumalabit. santo ba ang garett? hindi naman ah!

        anong kartowns yan? di ko pa ata napapanood…

  2. Waaahhh, hindi na ako base! Lecheng trabaho ito! Hmmp!
    Mas gusto ko naman ang totoong tao kesa anime, pero kinilig ako Mulan. 😉 Mulan ang CD sa bahay na pinapanood namin ng paulit ulit na walang kahit isang nagrereklamo.

  3. like ko yung kanta pero di ko pa napanood yung cartoons, sa lansangan ako lumaki eh noon.. minsan lang makapanood =)..

    sa mga hindi nagsasalitang cartoons.. paborito ko yung “Spirit: Stallion of the Cimarron”..

  4. i dunno the movie pero familiar saken un song. noong bata ako, mga 18years ago (hehehe, tagal na pala!) fave ko ang the little mermaid. napapanaginipan ko pa un dati. ako tsaka un crush ko ang bida. oha. bata pa lang, malandi na. tingnan mo naman.

    ngayon, i still watch animation films. pero pili na. not heavy on the love thingy pero touching story like wall-e at up. ciempre pa, umiyak ako while watching them.

    .

    • hmm, favorite ko rin ang wall-e, maganda naman kasi halos lahat ng gawa ng pixar.

      actually nagustuhan ko lang yata ang mga cartoon movies ng disney dahil sa mga gamit nilang kanta…hahaha

  5. Kung kakikiligan na cartoons lang eh.. wala akong maisip. Ang anime crush ko eh si Gohan lang ng dragon ball. Tanda na siguro non ngayon. Haha.

    Aninimaster, yung assignment naten. Nahihirapan ako. Haha.

    PS. Di ko alam yang kantang yan.

  6. wahahahah mana pala ko sayo ate ani ko….

    maniwala ka sa hinde,,

    sa simpsons the movie, muntik na kong maiyak…

    teka… kinilig ka din ba kela pechay at pepino?

    • hmmmm, si pechay at pepino sa post mo?

      teka! iisipin ko pa ang story nila, sa dami ng binabasa ko kelangan kung halunkatin ulit ang ulo ko…hehehe

      hello my little hamster!

  7. “Wow, awesome blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look easy. The overall look of your website is wonderful, as well as the content!. Thanks For Your article about Quen Somos ? | grupo de consumo responsable .”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s