Malay mo pantasya ang simula ng kalayaan mo

Standard

Sa isang simpleng tulad ko, wag kang umasang magbibitiw ako ng mga salitang kasing lalim ng balon, mga salitang puno ng angas at mga salitang hahanapin mo sa diksyonaryo ni balagtas. Ang magagawa ko lang ay paliparin ka sa alapaap ng pangarap…tuturuan kitang maglakad sa ibabaw ng dagat, dahil itong lahat ng sinasabi ko ay likha lang ng pantasya ng simpleng manggugubat.

Kung sisimulan lahat sa pantasya malamang sa malamang kasing saya na tayo ng lugar ni peter pan, hahayaan kung turuan kang lumipad dahil ako bilang aninipot ay lumilipad sa paraan ng kaganapan ng hinanahaing ng puso ko. Simple lang naman ang buhay, simulan mo sa sarili mo, di kailangan ng mabibigat na salita para itatak sa balon-balonan ng utak mo, kundi simpleng pag-buhay ng pag-asa para matuto tayong tumayo.

Walang magagawa ang lahat, pwede kang mabuhay sa mundo ng pantasya pero hahayaan mo bang hanggang dyan ka nalang at ang lahat ay umusad?..gamitin mo ang pakpak mo para magkaroon ng kalayaan, pero kalayaang magagamit sa pagsayaw saliw ng tik-tak ni orasan, ang punto ko lang naman, sa tamang panahon, kung sa tingin mong panahon na para matuto ka, humayo na…mas madali ang lahat pag bukal sa loob ang pag-usad.

Walang pilat ang puso ko, walang bumabagabag sa loob ko, pero ang utak ko ay sobrang gulo, magulo dahil normal na magulo ako, di magiging normal ang lahat pag babaguhin ko ang pananaw ng utak na ito, naiintindihan mo pa kaya ako?

Wag hayaang ikulong ang damdamin, tayo lang ang gumagawa ng rehas nito, minsan kahit gawa sa bulaklak pwedeng maging rehas sa paglaya, sa pamumuhay na gusto natin, andyan ang takot makasakit at lalo ang takot na iwanan ang buhay na nakasanayan. Pero lahat ng ito ay naka-depende sa atin, wala akong magagawa kong ayaw mo, at lalong wala silang magagawa kung ikukulong mo ang sarili mo.

“ang sekreto ng pagmamahal ay ipakita ito, ang sekreto ng sarili ay ikaw mismo,
At ang sekreto ng buhay ay palayain ang sarili sa pagsikil ng sariling damdamin”.

-aninipot

—————————————-
para sa mahal kung kuya, ayan na…tsaraaaan!…hahaha, kahit di manalo no probs, wala na akong utang ha…mwuah!

Advertisements

105 responses »

  1. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  2. “Wag hayaang ikulong ang damdamin, tayo lang ang gumagawa ng rehas nito,” – Aninipot

    Sa isang ideya lamang nagsisimula ang lahat ng bagay…

    Sa ideya nagsimula ang mga Pyramid sa Egypt…

    Ang mga matataas na gusali sa Makati… nagsimula sa ideya…

    Maging ang paglikha sa buong sangkatauhan… ay nagsimula sa isang ideya ng Maylikha…

    At kung ikukulong natin ang mga ideya na yun…

    Walang Pyramid na mabubuo…

    Walang mga gusali na mabubuo…

    Walang kuwenta ang buhay… kung wala ang isang MALAYANG ideya…

    tama… magandang araw Aninipot…

  3. “At ang sekreto ng buhay ay palayain ang sarili sa pagsikil ng sariling damdamin.”

    Ilabas mo, anini… ilabas mo! Hehehe.

    Hati sa premyo!

  4. kuhra, hati sa premyo?…haha, asa pa ako…ako nalang ang makikishare sayo..galing ng ginawa mo…

    hahaha, natawa ako sa palayain ang damdamin, parang naiba ang meaning nung ikaw ang nagsabi…hehe

      • oo, ba! share and share alike!! 😀

        natakam ulit ako sa mangosteen at marang…. dagdag na natin ang durian, lalo na yung nagme-melt sa dila kapag kinain, sarrappp!!!

      • layo pa po eh, kabertdey ko ang tatay ng bagong halal na pangulo ng bansa hehehehe, malapit sa bertdey ni Andres Bonifacio… gusto mo i-advance natin sa bertdey ng aking blog waahahahaha 😀

        mas malapit ang july 24! 😉

      • hahaha, alam ko yang july 24… gift ko….

        aw! november, naku baka kasabay ang kapanganakan mo sa wedding anniversary ng parents ko…di kita mababati nyan, ay!..

        haha, sa november narin ang mangosteen mo.

      • yahoo!!!!! maraming salamat may mangosteen ako hehehe at alam ko kung ilan ang laman (na buto?) sa loob ng mangosteen maski hindi pa siya nabubuksan heheheheh 😀

        hmmm…. darating din ang nobyembre…. (kailangan lang maghintay hehhehehehe) 😀 heksayted na talaga ako, maraming salamat!!! 😀

        sige, mag-iisip ako para sa july 24…..abangan…. 😀

  5. Gusto ko yung sarili mong kowt Ate, mai-dagdag lang. “at ang sikreto ng pag-ngiti ng bawat blogista ay ang makabasa ng poste mo” Naka naman! Nyahaha..

    Ako man ay may sarili ring pinagpapantasyahan este pantasya pala. Hahaha. Pero akin na lamang iyon. 😉

    Ingat lage at Godbless!

      • dito ako sasampay sa koment ni Bok.. sira yata cp ko.. walang koment box sa dulo?? sarado na ba ang koment o sira talaga upload ng haus mo sa lowtek phone ko??..hehe

        normal na salita.. hindi mahirap basahin..pero dahil magulo ako mag isip..ayan nagulo ang patas ng magulo kong utak..=)

        tama Anini.. nagsisimula lahat sa sarili.. at bakit biglang serious mode ako??
        .. absent ang panghaharot ko ngayon..=)

      • ahahah.. oo nga.. marami na kami.. parang virus kase yun.. madaling kumalat..
        pero sa paguluhan ng isip.. ang bumigay talo. kikita ang psychiatrist..

      • Hehe. Ganun ba. Siempre sa siempre naman. Ikaw ata ang reyna ng iyong kagubatan! Naka naman!

        Ahhmm, pantasya ba Ate? kasi ano eh, ahmmm. basta. ehe!

      • Hello sa’yo Bok! hehehe. Nawala ba yung comment box? hmmmnn, nakikipag laro lang sa’yo yun ng taguan pong. hehehe.

        Ingat lage at Godbless.

        Belated Happy Father’s Day pala ke Erpats Ate Ani at Bok!

  6. grabe! grabe talaga. napatumbling ako sa entry mo.
    binasa ko pero wala akong maikomento.
    hindi na ata kelangan pa ng komento nito eh.

    agree na lang ako.

    pero parang medyo salungat ang opinyon natin sa kalayaan. asa tingin ko lang naman. hakhak! di ko sure. waaah!

    pero maganda ang pagkakagawa. parang tula. waaaah!

    ang galing eh!

    • ang galing at na-appreciate ng isang eloiski…hahaha

      hmmm, bakit nman magkasalungat?…sabagay kanya-kanya tayo kung paano natin tingnan ang konsepto ng kalayaan.

  7. sasabihin ko na lang na napaka swerte kong tao.

    hindi dahil malaya ako o alipin kundi dahil nabigyan ako ng pagkakataong pasilipin sa pananaw ng iba.natutuwa akong makita kang malaya sa kagubatan ng buhay,aninipot.hindi man kita tuwirang nakasabay sa paglalakbay,isa ka namang munting liwanag na pumupukaw sa aking kaisipan.

    maraming salamat sa napakagandang entry.sa dami ng magagaling dito,sasabihin kong isa ka sa aking mga hinahangaan.

    • wow! totoo kapitan hook? napahanga ang isang duking?..weeeh!..hahahaha

      ayoko yatang maniwala, ikaw ang walang kupas…basta! magaling at pwedeng drawing mo na si aninipot?…haha, di talaga tumigil..

  8. tamang tama pala ang post ko sa post mo, wag ikulong ang damdamin sa pait na nangyari, o kaya naman sa hindi magandang nangyari, pede itung pakwalan kung handa kana, peru sana wag kainin ng galit o kahit anu paman ang iyung pagkatao. Peru hindi lahat pantasya.. sana may katotohonan din.

    • tama! pakawalan ang pagpapatawad kung handa ka na.

      hmm, yan ang punto dito, di pwedeng iwala ang pantasya ng buhay pero dapat alam na alam natin ang kaibahan nito sa reyalidad.

    • naku jason, kung pinagpuyatan yan malamang wala akong isusulat nito..

      isang upuan lang ang pag-gawa nito, at diretso..hehe, may isa akong ginawa kaso ang bigat, haha, paano pa kaya kung yon ang ipinost ko… aysus! ang galing nga ng wakwak paniki mo..

  9. siyang tunay! minsan tayo lang nagpapasikip sa buhay natin, tayo lang nagpapahirap sa sarili natin… pilit nating hinihila ang nakaraan na pwede namang bitiwan na… pilit nating sinisiksik ang sarili natin sa isang sulok… pilit nating sinasarado ang pinto…

    kaya nating lagpasan lahat ng bundok, hawiin lahat ng ulap at pitasin lahat ng bituin… kung maniniwala tayong kaya natin.

    • tama ms. dhyoy, lahat ng nangyayari depende sa desisyong gagawin natin..walang pwedeng sisihin kasi hawak natin ang puso at isip natin.. pero lahat ng yan, dapat ginagawa ng bukal sa loob, may mabibigat mang desisyon kelangang gawin, yon ay ginagawa natin para sa ikabubuti ng nasa paligid natin at mismong sa sarili.

      kaya natin…aja!

  10. alam mo na siguro kung ano ang pantasya ko aninipot. ang makantot, este…makasama si sarah geronimo habambuhay.

    p.s. binalinguyngoy ako sa post mo. lols!

  11. Malawak ang imahinasyon ko kaya kaya kong mag emote sa kwarto ng ilang oras dahil sa kakapantasya. Enjoy naman ako, keber ba nila sa mga iniisip ko. Alam mo bang marami sa oras ko ang nasasayang sa kakaisip ng what if’s? Lalo na pag iniisip ko na pano pag may superpowers akong ganto saka ganyan. Nakooo. Mahabang kwentuhan sa isip yan! As in andami kong naiisip. Hahaha.

    Kaya siguro sobrang animated ng mga panaginip ko.

    Teka Aninimaster, sabi mo di ka malalim managalog. Yung mga huling paragraphs mo di ko kinaya eh. Hahaha.

    • haha, naku vajee, ganyan din ako minsan kaso narealized kung lahat ng pantasya ko ay hanggang pantasya lang talaga kaya itinigil ko na..hehehe, dinadaan ko nalang sa tulog.

      pero yon nga lang paminsan-minsan ginagawa ko parin, sino bang ayaw managinip ng gising?..

      hahaha, hindi malalim yan, mas madami pa ang kasing lalim ng balon ang ginawa…

  12. waaaaa galing nman kainis! ahahah..
    “Wag hayaang ikulong ang damdamin, tayo lang ang gumagawa ng rehas nito” korak! prehong mgnda ang gawa nyo ni tapa ^_*

  13. Yes! Nakagala na din ako! Hahaha. Una ka sa blogroll ko kaya dito ko una napadpad sa muling pag-bloghop ko, although nabasa ko kagabi yung entry ni Len. Ano ba balak ni Kuli, magtayo ng Kilusan?? Hekhek. At nga pala, yung post, the Anini trademark. *klap-klap.

  14. Pingback: pssssst..papansin lang. « Siamea

  15. ha, ha, ani, anlalim mong mag-isip, ang husay mong magsulat. :]

    sabi nila, bata ka pa at bunso nga ang tawag sa ‘yo pero ba’t naiisip at naisusulat mo na ang mga ganyan? di ka lang magulo, creative ka pa, he,he..

    btw, kaninong entry ang nanalo sa pa-contest? :s

  16. hindi ka nag-grow an inch taller sa boladas ko? hihi…

    grade five? ambagsik. hindi, mukhang sophomore, ha? grade five, ha,ha…

    nasilip ko na ang kelalim na prosa ni duking tungkol sa malayang kamalayan. may bonus pang angel w/ boobs. nalaman kong may dalaga palang angel? he,he..

    :]

    • grade five daw po talaga sabi ng mga officemate ko. masaklap nga eh! sana man lang year kase pwede na as college student o kaya kahit man lang highschool..hehehe

      advantage nga lang kase hanggang ngayon pagbuo ang pera ko na nagbabayad sa jeep, ang kukunin lang yong rate sa student..hahahaha

  17. ha, ha, anini… heard about small but terrible people, eh? ayon lagi ang isipin mo. saka, may fan ka dito as in, bilib na bilib… :]

    talking of daya, until 23 ako, may student discount ako sa bus, napapagkamalan din dating bagets, hi, hi.. pinandidilatan ako ng mga kapatid ko dati dahil dyan. tapos, isa pa mga 22 ata ako no’n, nasa inuman kami ng colege friends ko, tinanong ng waitress kung pwede na raw akong mag-beer. ang galit ng isang barkada kong lalaki, parang sobrang na-insulto sa maling akala ng kawawang waitress. so, enjoy the privilege habang marami ka pang nalalansi, he,he…

    btw, context lang – mukhang senior citizen na ako ngayon, bwahaha…

    basta, ang friends kong maliliit ay mga achievers, kaya mabuhay ang malilinggit.

    • hahaha, alam nyo po, painapataba nyo talaga ang atay ko, sobrang haba naman yata ang bilib nyo sa bubuwit na ito.. piso gusto nyo? pambayad man lang…hahahaha

      sabi nga ng housemate ko, pabayaan ko nalang daw ang maganda raw sa maliit matagal maging matanda, tama po ba yon?..hahahaha

  18. hah, ayoko ng piso. isandaan, pwede na, he,he…

    tama ‘yon. este, may tama ka pala if you think na mabibili mo’ng papuri ko ng piso. priceless ‘yon, anini. naks… :]

    magba-back read pa ako sa site mo sa isang araw, ha?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s