paghahanda

Standard

may pinaghahandaan ako ngayong laban, tapos wala ng review-review, susugod ako ng walang ibang dala kundi kunting laman ng magulong utak na to, pero naman kasi hindi pa opisyal na isa ako sa magdadala ng pangalang ng sector na kinabibilangan ko kaya hayon, pabandying-bandying lang, natulog sa pansitan. kahapon lang opisyal na sinabi na isa ako sa sasali, o ha! wala ng choice, gusto ko naman kaya go, di uso ang pakipot pag ang laban ay nagpapabuhay ng katawang lupa ni ai-ai…hahaha

simula ng malaman ko ang balita, di ako makatulog, di rin ako nagtaka kasi normal na reaction ko yon, di ako sanay na di naghahanda, pero sanay akong sumabak sa laban na walang dala kundi lakas lang ng loob.. parang magkapareho lang pero magkaiba yan, kasi po ganito yan, ako ang taong gustong lahat organisado, lahat nakaplano pero madalas din na ang mga nangyayari ay wala sa plano.

pero kinasasabikan ko ang buwan ng hunyo at hulyo, bakit?..dahil madalas dito nangyayari lahat ng sorpresa sa buhay ko, lahat ng mga pangyayaring tumatatak kung sino ako ngayon… pero ang di ko makalimutan ay nung isang taon, dun ko napatunayan sobrang disiplinado pala ako sa sarili, kahit di man nakuha ang minimithing pangarap, naks! napatunayan ko namang kaya kung gumawa ng sa tingin ko ay dating imposible.

last year, pinagarap kung tumuntong sa Top ten para sa mga kumuha ng linsensya bilang linsensyadong mangugubat, ayon! di ko nakuha..haha, sa lahat ng pagpupuyat, sa apat ng buwan na pakikipag-away sa sarili para lang gumising ng maaga at mag-aral, wala parin… ngayon ko lang napansin, di na ko bitter sa nangyari, dati naiiyak ako tuwing naiisip ko yon, kasi naman isa din yata yon sa dahilan bakit ako ang nilaglag dun sa pangarap kung pagtuturo…well, masaya na ako ngayon.

hmmm, ang haba na tapos di ko pa nasabi ang gusto kung sabihin, kaya lang naman ako gumawa ng bagong poste ay dahil po makiki-usap akong tulungan nyo ko sa pag-rereview, hehe, wala na akong oras mag-research, lahat ng alam nyong related sa environmental issues, information kahit mga simpleng trivia malaking tulong na yon…. mapa earthquake magnitude sa haiti o kaya lahat ng nangyayari sa buong mundo.

tatlong araw na lang, tapos tambak pa ang trabaho ko, mas madaling humingi ng tulong sa blog kasi malimutan na ang lahat, makikisilip parin ako dito at may oras na mag-basa…sheng! sheng! sheng!,hahahaha

matalo manalo, may kwento ako pagkatapos ng Environmental Quizbowl na yan..haha, pag nanalo syempre ikukwento ko kung pano namin nilampaso ng partner ko ang kalaban, tapos talo, ikukwento ko parin pano ko hinila sa pagkalugmok ang partner ko,hahahaha, magrereview ako kasi may natira pa akong hiya sa katawan, saka kahit walang cash prized basta may medalya, o ha!…

bye bye muna…mwuah!

Advertisements

47 responses »

    • hala.. environment ba?..

      wala yata ako contribution kundi mas mainit dito ngayon sa disyerto kesa noong nakaraang taon at nung nakaraang taon bago ang nakaraang taon, mas ramdam mo ang pagkakaiba na parang malalapnos ang balat at makukulot lang agad ulet ang bangs na pinarebond. mAy reason naman behind pero dahil laging mababaw ang aking pagpuna sa kalikasan.. ayan.. siguro dun ka na start review kung bakit.. hehe.. hindi ko alam kung tama ba pinagsasabi ko or related sa magiging quiz mo .. 🙂

      Goodluck Baby Anini..
      Aja!!

    • wala akong kwenta, anini, di kita matutulungan. nature lover ako pero pag ganyang mga trivia, boplaks na ko. teka. ihahanap kita ng website na pwde mong basahin. jan ka lang.

      • ok lang yan kuhra, kulang lang naman ako sa current events, sana di man lang ako mangulelat, hahaha, anyway, ako naman ang pinakabata na sasali kaya ok lang sigoro di manalo, pero syempre gusto kung ring manalo.. kaya nagpapatulong ako..hehe

  1. everythimg is not meant to be but its worth trying namen,,ahehe diba diba ..basic lang alam ko sa environmental issues eh try mo seacrh ang philippine agenda 21,,who knows makatulong yun ahehe….the key elements to sustainable development..

    • hehe, salamat AJ, alam ko na yan, actually yong hinahanap ko ay yong mga basic trivia, mga simple pero madalas makaligtaan..kasi kung totally sa mga ganyang questions lang iikot lahat malamang sa malamang kaya kung manalo…hahaha, ang yabang noh?, normal lang kasi na yan ang pag-aralan ko kasi nasa Environment ang profession na pinili ko..

      • ou tma ka nga ,un nga madalas na makalimutan…ahehe future environmentalist ka nga pala….o environmentalist na!!??,uhm mukhang alam mo na man na yata ang laman nang munting kukote ko eh.,…

        che-cheer kita gogogo…yan nalang cguro ma shashare ko ahehehe..

      • ahaha great great! may savior na ang earth ahehe
        okidoki papanalangin ko na manguna kayo sa labana

        teka teka sang kagubatan ba ang lukasyon na pag darausan …

        meet you soon tapanipot ahehehe anu bayun combi!! ahahaha

  2. @mam kuhrach
    wow second base lang kami ni mam kuhrach not bad
    pasenysa ka na mam hindi pa kita napagbase sa araw na ito

    @waling anini
    wow kaya mo yan
    wala lang kasi nakaelate lang ako kasi kahit papano ay nakakasama din ako sa mga ganyan noong bata pa ako
    sige hanap hanap tayo.

    yipppeeee

  3. ganun sila kabilib sa kakayahan mo kaya ikaw ang pinili.. Godbless ate ani..
    di man ako makapagshare ng research.. eto ang ipapabaon ko sayo.. panalangin na bigyan ka ng ating Panginoon ng wisdom, knowledge at understanding sa darating na Environmental quizbowl..
    Godbless ate ani..

    • actually ito ang unang contest na sasalihan ko after grymadwyt..kaya gusto kung i-karer kaso wala nang oras…guts lang ang meron ako kasi kadalasan naman, stock knowledge ang nagpapanalo sa ganitong competition…ang probs ko, stock lang ang meron wala na yata ang knowledge…hehe

  4. Kala ko pa naman sasali ka sa PGT Ate Ani! Hehehe. Godbless sa darating na bakbakan! Hehehe. Naka naman! anung mga imposibleng bagay na ang iyong mga nagawa Ate?

    Hindi ko alam kung makakapagbigay ako ng kontribusyon para makatulong sa nalalapit mong pakikipagtunggali. Pag novena nalang kita sa chapel na malapit sa’men teh no? hehehe

    Godbless ulit! Aja!

  5. Forestry ang kinuha mo ng college tama ba?

    Nako, kung ako ang nasa kalagayan mo, uber panic mode ako. Hindi ako mahilig sa mga paliksahan, dahil siguro malaki ang takot kong mapahiya sa maraming tao. Or mapahiya sa sarili ko na natalo ako. Oo mataas pride ko kuno. Haha.

    Pero sige, pag natalo ka, ako bahala dyan sa partner mo. Papabaril ko sa pwet ng bubuyog.

    Pero wala. Wala akong alam na environment trivia. Maliban nalang sa hindi naman talaga mas healthy ang organic foods kesa sa non organic.

    • ako naman vajee sanay na sa ganito, minsan panalo minsan naman talo, pero madalas panalo…hahaha

      oo, forestry..at ang usual na sinasalihan ko ay mga environmentally related quizbowl…imagine! unang punta ko ng maynila ay dahil sa mga kontest na ganito….wala lang, kwento ko lang..haha

      naku! baka ako ang ipabaril ng partner ko, magaling sya at hasa na sa ganitong mga contest, ako naman during nag-aaral lang sumasabak, first time after kung grumadwyt ang contest na to..kaya susubukan kung pagbutihin..pag talo…tatawanan ko nalang…hehe

    • hindi salbe…dito lang..pero pag nanalo, pwede, kasi ang sabi nila ang mananalo daw ang syang magrerepresent ng region sa national statistics quiz..pero di ako umaasang manalo..wag lang mangulelat..haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s