ako nga ba ang nakita mo o produkto lang ng imahinasyon mo?

Standard

ang pananatili sa kwadradong mundong ito ay desisyon ko, ginawa kong kagubatan ng pantasya dahil parte ito ng kagustuhan kung magkaroon ng kakaibang pagkatao. wag lang malinlang sa mga mababasa mo, dahil pwede kong baliktarin ang nasa isip ko, ilabas ang kabaliktaran ng nararamdaman at lalong pwede kong itago ang sarili ko gamit lamang ang mga salitang lumulutang sa kagubatang ito.

oo, lahat ng mababasa mo ay isang parte ng katauhan ko ngunit parte lang yan, hindi mo pa nakikita ang buo…wag akong husgahan sa isang simpleng nabasa mo lang o sa isang simpleng sagot ko.Alam nating pareho na may kalayaan nga dito ngunit lahat tayo ay may kanya-kanyang katauhan sa totoong mundo, ayokong paniwalaan mo na kakaiba ako tulad ng ayokong sagiin ang pakpak sa imahinasyon ko, dahil sa totoo lang ang pagiging diwata o prinsesa ay ikaw lang mismo ang gumawa, wala akong sinabing ako yon, at di ko rin inangkin ang katauhang yon…. lahat ng yan ay produkto lang ng iyong imahinasyon, ikaw ang humubog kung sino ako… depende ko pano mo ako nakita sa mga nababasa mo… oo minsan sinusuot ko ang maskara nila para pansamantalang kalimutan ang mundo sa labas ng kwadradong mundo, pero panandalian lang, sa oras na lumabas ako, tanggal na ang mahika at pakpak..balik sa suot na tsinelas, t-shirt at kupas na maong..balik sa pagiging isang ordinaryong mangugubat.

di ko nakaklimutan kung sino ako, tulad ng nasasaktan din ako sa mga nababasa ko, magkaiba man ang mundo, isa ang sigurado, may ibinigay ako.

simple lang naman ang gusto ko ngayon, wag paguluhin ang utak ko para di ka rin mapasama sa gulo..

Advertisements

64 responses »

  1. anini.. galit ka ba? di ko mafigure out. sana relak ka lang. kung ok lang sayo, kwentuhan mo ako. magusap na lang tayo ng mga nakakakilig na kwento. =)

  2. ayus kana ate pot ko…
    na sad naman ako sa statement mo..
    para bang may umaway sa iyo..
    pero makahulugan ang mga binitawan mong salita ah,..
    oh kamusta ka na!?

      • Congrats to me! Nabasa ko din sa wakas ang post na ito at makakapagkoment na, kamusta naman sa tagal di ba? Tae kasi ang internet at busy ako sa social life. May I explain? Hahhahah!

        Ang haba ng sinabi ko simple lang naman ang gusto kong ipahiwatig. The fact na naguguluhan ka ay may pahiwatig. Kung ano yun, hindi ko alam. Taeng koment to, walang kwenta.

  3. kahit anu pa ang sabihin mo,ikaw pa rin si tinkerbell.

    nasa sa’yo pa rin ang magical dust na nakakapag palipad sa aming mga mambabasa.ikaw pa rin ang nakaka alam ng bawat sulok ng neverland.

    ako…wala.taga basa lang.walang reklamo.taga masid rin kung minsan.

    tagahanga.

    • at ikaw parin ang aking kapitan hook! di pwedeng bawiin..hahaha

      asus! ang nag-iisang duking, masyadong humble..bow!
      hahahaha, o sya..nakita ko pics nyo…uyy!!!!..

  4. pa smile din .. 🙂

    nen, anu ba binigay mo?
    penge ako.

    *OT
    ahak ani bag-o ta mata, di ta ka comment ug tarong.
    wahaha

  5. nyahahaha
    teka, ma open nga yun.
    text kita kung pede na silipin. 😉

    pero sabot ta ha, wa’y daganay!
    walang sisihan kung masira ko araw mo ha 😆

  6. Ganun talaga kapag maganda, magsuot man ng basahan, eh di basahan ang suot pero maganda pa rin.

    Hello mga maharlika. Gusto kong gumala, at iwanan ang bahay ko. Umuusok

  7. hehe medyo napaisip ako ng mabuti dito.. kakaiba nga naman talaga ang mga katangian ng tao.. at tama ka .. wag nating i judge ang isang tao sa pamamagitan ng nabasa lamang kasi kung minsan ang mga naisusulat ay pinapaganda lamang ang mga bagay na pangit at pinapapangit ang mga bagay na magaganda. hehe.

    • tama orville, minsan may mga nasasabi tayo dito ng kabaliktaran ng nangyari o kaya masyadong pinapanget ang magandang ssitwasyon…kasi gawa lang lahat ng imahinasyon natin…

      pero pwede ring lahat ng mababasa natin ay totoo…kung ano man ang laman nasa sumusulat yon..yon nga lang wag nating husgahan agad ang nasa likod ng bawat salitang nababasa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s