i missed home

Standard

normal na eksena sa bahay pag kumpleto ang pamilya habang kumakain.

tatay: musta ang trabaho ‘nak?
ako: ok lang po.
tatay: di ka ba talaga nahihirapan na nasa malayo ka?
ako: ok lang po talaga. (sabay chika sa buhay trabaho, tsismis lahat..hehe)
tatay: ah!

Sabay hirit..

Tatay: o may boyfriend ka na ba?

Tapos, tinginin ang apat kung kapatid na mga lalaki, parang nag-uusap silang lahat sa pamamagitan ng mental telepathy… at dahan-dahan mag ngingitian..waah! alam ko na ang susunod.

Kapatid # 3: ate, manliligaw nalang ako ng lalake tapos bigay ko sayo.
ako: di pa ako nakakita ng boyfriend for sale, may alam ka?
Kuya: uy! Musta daw sabi ng brod ko. ( o ha! Sabay-sabay silang mang-aasar na parang kahindik-hindik na hanggang ngayon wala parin akong madalang lalake sa bahay).
Kapatid #4: ngisi lang.
Kapatid# 5: liligawan ko na crush ko…haha (magaling si bunso, kakampi kami, alam na alam kunin ang spotlight sakin..hehe)
Kuya: ang tagal naman, akala ko ba niligawan mo na.
Ngite lang si bunso, tingin sakin..alam ko na..may hihingin na naman..haays! ate nga naman…hahaha

Si nanay naman, ngiti lang..no comment..sanay na.

Tatay: anak naman baka matandang dalaga ang labas mo nyan.(matandang dalaga naba ang 23?)..ang tatay ko talaga ang di tumitigil sa pang-aasar…mula ng pumasok ako sa kolehiyo, unang sasabihin pag tatawag, anak, may boyfriend ka na ba?..walang magawa ang lola kundi sumagot ng, wala pa akong ipon pambili ng boyfriend.

Titigil lang ang lahat pag humirit si kapatid #4.

Kapatid #4: walang beer?.

Hurray! Lahat mag-aagree..wahaha, kami-kami lang naman nag-iinuman..dalawa ang hahawak ng gitara, minsan palitan, kantahan mula sa panahon ng tatay ko hanggang sa mga trip naming kanta ngayon…walang basagan ng trip ang gustong sumayaw pwede..si nanay, ayon taga-gastos.. nakikinig lang sa mg kwentong kalokohan ng mga anak pati asawa nya…hahaha

Hays! I missed home.
kung alam lang nila… sa kanila pa lang kuntento na ako, pwedeng sila lang ang mga lalake sa buhay ko, sabihin lang nila kaya kung maging diwata habambuhay para sa kanila..pahiramin lang nila ako ng mga anak nila pagdating ng panahon..enough na…

Advertisements

48 responses »

    • haaaist i miss home too.

      kung may blog siguro sila active din yung mga kapatid mo waling anini
      malamang mauunahanan nila kami sa pagbebeys.

      olats naman si nanay mo sa amin kasi no comment siya parati.

      serious na: may brod naman palang nirereto si kuya eh, ipapanligaw ka pa ng isa pang kapatid eheheeh

      mas serious na: ako naman naniniwala ako na may nakalaan para sa iyo, hintay lamang kumbaga, maihahatid kadin ni tatay sa altar. haste is waste, wag magmadali. ako after 4 years pa, ako 26 na, ikaw 23 nagmamadali pa sila paano na kami? ahahaah

      be blessed!

      i miss home… a lot

      • hahahaha, yon nga ang sabi ko sa kanila kuya….
        pero alam ko, nang-aasar lang yong mga yon…. madalas kasi akong seryoso, pero alam ko ayaw pa din nilang makitang may kukuha na ng atensyon ko aside sa kanila..mga seloso ang mga yon, di lang pinapahalata..nakikita ko kasi kung paano tumaas ang kilay ng kuya ko nung minsan may naghatid sakin..wahahaha

    • wahahaha, wala kasi, nakikita ko naman na sa likod ng panunukso ng mga kapatid ko di pa sila ready na makita akong may bf na.

      puro lang sila salita..pero lahat sila nagseselos na sa future bf ko..hahaha

    • No, I don’t feel any pressure right now.

      Well, my family’s role for me is so important b’coz there was the wa- they’re, they was the one who’s… very… Hahahaha… Oh I’m so sorry, Ahhmm… My pamily… My family… Oh my god… I’m… Ok, I’m so sorry… I… I told you that I’m so confident… Eto, Ahhmm, Wait… Hahahaha, Ahmmm, Sorry guys because this was really my first post about this one ever b’coz I’m only 17 years old and ahahaha I, I did not expect that I came from, I came from one of the top 10. Hmmm, so… but I said that my family is the most important persons in my life. Thank you 🙂

  1. ako din bigla ko namiss ang family ko ,malayo man ang sitwasyon nang sa iyo sa akin,,namimiss ko sila in a way na kapag kasama ko sila kakaiba ung happiness na nadarama ko na hindi ko nararamdaman sa mga kaibigan ko,,

    kainggit ang family mo ate pot,,ideal na sya para sa akin..

    have a bless after noon…..hayyyyyyy!

    teka hirit muna,,\
    gusto mo me kilala ako ..hahaha!!available…!!

      • cge ate pot ganyan ka ingitin mo pa ako…
        hehehehe..
        cge pag nakaipon ka na ,,bigay ka lang nang signal at ready ready wahehehe..gogogog na…uhmmm tantantan hahah,,Bongga!

      • hehehe ate pot ok lang …
        binabawi ko na yun irereto ko sa iyo ,,baka magalit si kuya tapa sa akin…
        hahaha
        aruuuuooohhhh

        ahemm!! nag paparamdam ba ang multo!~ =)
        di mo na kelangan mag ipon,,mukhang bankable naman sa kuya tapa wehehehe..

    • hmmmm, 27 yan ang edad na sabi ng tatay ko pwede nang mag-asawa…hahahaha, pero asa pa sya..nag-aaral pa ako sa edad na yan.

      magandang araw kapitan hook!

  2. Buti sa inyo keber lang mag inuman! Haha. Nakakatuwa naman pag sama sama kayo. Bonding opportunity ang pag okray sa lovelife mo. Hehe.

    Teka Aninimaster, sa n ba kase tayo dapat maghanap ng lalake? Saka may nahanap ka ng de lata diba? Gold label. Haha. Ako nalang pala wala.

  3. Anong balita?
    Walang tanduay, lambanog lang. Di pa rin ako makahinga ng maayos.

    I missed home, andito ako sa work eh.

    Ayos na ayos ‘yan. Kagandang pamilya.

    • naku! ano ba naman kasing virus yang sumanib sayo…. sipon lang ang katapat ng isang kulisap…hahahaha

      dapat kasi nagpahinga ka nalang muna..pinakulam ka sigoro ng di nanalo sa pakontest mo….haha

      waah! missed ko na talaga sila..haays!
      malapit narin naman akong umuwi…sana nga makauwi.

      • oo nga pala..sige txt ko sya mamaya..e-email lang naman nya..madali na yon..sana nga nasimulan na..hahaha

        oo, pinakulam ka nga…o baka yong nanalo mismo kahit hati lang ang prize na nakuha…hahaha, peace duking and jex!

    • wahaha, may naisip na naman akong libro sa sinabi mo kuya..katatapos ko lang basahin kaninang madaling araw..”where the heart is” ang title… ang ganda ng story, finding real home.

      and i’m coming home, to the place where i belong…hahaha, kakanta nalang ako.

      yeah! yon ang bonding namin, pati pataasan ng ihi ng mga kapatid ko..hahahaha

      • naku! yan din ang problema ko sa mga nanghihiram ng libro, di minsan binabalik…hiningi ng walang permiso..mantakin mo yon, kaya ayon..inuuwi ko na sa bahay ang mga libro ko, kahit mawala basta mabasa muna ng mga kapatid ko.

        i wish may kapatid akong nerdy-nerdy..basta ang cool lang, kaso iba ang trip ng mga yon…yong totoong description ng cool yon sila..haha

  4. yung mga matitino kong ex, dinala ko sa bahay. un isa nga, palage pa samen natutulog. ayos naman sa pamilya ko. pagkatapos ng apat na taon, nung di na matino ang mga karelasyon ko kaya wala na ko dinadala sa bahay, di ako tinanong ng pamilya ko. wala ata sila pakelam saken kahit tumanda akong dalaga. ciempre, pabor sa kanila. tuloy-tuloy sustento. walangya… oo nga noh.

    di ko namimiss family ko pero ayokong malayo sa kanila. enough na tong nabubuhay akong mag-isa basta malapit pa rin.

    basta anini, mas matanda ako sayo. bago ikaw, sana ako muna. :p

    • hahahaha, sure, sure! ikaw muna ang mauuna..wag ka lang paabot ng singkwenta ha!..

      hahahaha, sa tingin ko ganyan ang balak ng mga kapatid, reverse psychology ang pang-aasar..hahaha

  5. waling anini salamat sa song ha
    hanapin ko yun alam ko may album dito sa pc nung sa band na iyon

    ni-tag kita waling anini
    sana dalawin mo blog ko para entry na iyon

  6. ani, di naman kelangan manghirap ng anak…pwedeng pwede ka gumawa ng sarili mo, at pwedeng pede ka magkabufra. di ba meron na nga??? uyyyyy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s