paru-parong ligaw

Standard

paru-parong ligaw wag mahalina sa mundo ko, may misteryo man ito
pero magkaiba tayo… ikaw ay araw at ako ay gabi.
pwede bang ako nalang ay magiging bituin sa oras na titingala ka sa langit,
at ikaw ay dadalawin ko nalang sa aking panaginip.

sa mundo ng may nakakahalinang bulaklak ka lang pwedeng mabuhay.
tulad kong sa kadiliman lang may kinang..
iba ka, iba ako..pero sana minsan ang mundo natin ay magtagpo.
maligaw ka sa takipsilim o ako ang dadalaw sa ganda ng madaling araw.

sabihin mo sa akin, kaya mo bang maglaho sa dilim?…
para lamang ako ay makasalamuha at iyong harapin?…
o ako na lang ang hihintayin mong lunurin ng liwanag?…
upang ang kagandahan mo ay aking masilayan…
—- Ravy

At kung pinayagan ng tadhana na tayo’y magtagpo
Hayaan mong ikaw ay maging akin at ako’y maging iyo
Limutin muna ang araw at dilim
Sapagkat ang pagtatagpo ng ating pag-ibig ang magbibigay lilim
sa araw man o dilim
—- Kuya Mizpah

tadhana ng paru-paro at ng alitaptap
ang hindi magtagpo kanilang pagliyag?
ang isa’y sa liwanag ay naghahagilap
at ang isa’y dilim lang ang nababanaag…

ngunit ang kapalaran,ginawan ng paraan
kasabay sa pagdadaop ng araw at buwan
nang maghalo ang dilim at saka liwanag
ang saglit na pagkikita’y walang katapusan.

—- Duking (a.k.a Kapitan hook)

_______________________________________________________________________

at eto naman ang version ni salbe, lio loco, kuya kulisap at vajee..

Paro-parung bukid na lilipad-lipad..
May payneta pa sya – uy!
May suklay pa man din – uy!
Aqua de-Ojetes ang palalabasin…
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng

—- Salbe Salbehe

Paru-parong maharot, bakit biglang lumimot
Nektar ko’y iba na ang pumulot
Hindi ko ibig sa iba’y nais ipagdamot
Paru-parong ligaw..paru-parong ligaw…
Nektar ko’y….bakit mo sinimot
Magtira ka naman sa ibang, nais ding mabusog.

—– J.kulisap

paru-parong bukid na lilipad-lipad
bat sa pulot-pukyutan napadpad?
wala bang paru-parong may bayag
na kakantot nang tapat?

—– lio loco

Sa tulad kong mas maningning pa sa alitaptap ang pwet
Karamihan ng naaakit ay nagtatanong kung bakit
Mas mahalimuyak pa sa bulaklak ang alindog ng malande
Kitams, mapagpanggap ka ikaw ren naman ay makate.

—– Vajarl (a.k.a vajee)

hehehehe, thank you..may dalawang version na ang tula.
_______________________________________________________________________

hehe, di ko na kayang tapusin.. ibibigay ko nalang sa ibang makata ang pagtapos nito..cge go. kelangan ko bang mag bigay ng pangalan?….hmmmm, wag nalang…kung gusto mong sundan, gawa ka ng isang paragraph… basta sunod kay paru-parong ligaw… ok simulan na.

UPDATE: ayan na ang dalawang version na nagawa…. pili nalang kayo asan ang swak sa panlasa nyo…hahaha

Advertisements

39 responses »

  1. di ako kakatha ng tula anini. di kaya ng powers ko ngayon. nagparamdam lang ako. pero naintriga ako baket yung paruparo ang naligaw. di kaya ikaw?

    • sorry nameyn at di ko alam kung makagagawa ako ng tula upang dugtungan ang iyong nasimulan…

      pero gusto ko na lang din magtanong…sino ba yang gusto mong makatagpo balang araw? teka yung gravatar kasi ni davin…ano…sunrise? hala. hahahha! di naman ako nangiintriga. nagtatanong nga lang…

      at ayoko ng sagot na hehehe… gusto ko madamdamin. hahahaa!

      • kelangan ko ba kumatha ng isang madamdaming sagot ms. kaye?..lagot!…hahahahaha

        ngayon na ko bumilib sa imagination nyo…waah! lahat kinokonek, hehehehe

  2. meron din akong draft na halos kaparehas nito…

    kaso ingles…

    ipoposte ko na lang kapag panahon na…

    ngunit sa ngayon.. pauunlakan ko ang alok mo…

    _______________________________________________________

    sabihin mo sa akin, kaya mo bang maglaho sa dilim?…
    para lamang ako ay makasalamuha at iyong harapin?…
    o ako na lang ang hihintayin mong lunurin ng liwanag?…
    upang ang kagandahan mo ay aking masilayan…

  3. Kanina ko po ito nabasa.. Kaya lang wala akong maisip na talata para ituloy ang tula mo. Eto ang tumatakbo sa jutak ko.

    Paro-parung bukid na lilipad-lipad..
    May payneta pa sya – uy!
    May suklay pa man din – uy!
    Aqua de-Ojetes ang palalabasin…
    Haharap sa altar at mananalamin
    At saka lalakad na pakendeng-kendeng

    😀

  4. Paru-parong maharot, bakit biglang lumimot
    Nektar ko’y iba na ang pumulot
    Hindi ko ibig sa iba’y nais ipagdamot
    Paru-parong ligaw..paru-parong ligaw…
    Nektar ko’y….bakit mo sinimot
    Magtira ka naman sa ibang, nais ding mabusog.

  5. At kung pinayagan ng tadhana na tayo’y magtagpo
    Hayaan mong ikaw ay maging akin at ako’y maging iyo
    Limutin muna ang araw at dilim
    Sapagkat ang pagtatagpo ng ating pag-ibig ang magbibigay lilim
    sa araw man o dilim

    yun lang ang pumasok sa aking isip waling anini

    be blessed

    base kami!

  6. paru-parong bukid na lilipad-lipad
    bat sa pulot-pukyutan napadpad?
    wala bang paru-parong may bayag
    na kakantot nang tapat?

    okey, medyo hulsam masyado. lols!
    erase erase.

  7. Gusto mo ako tumapos Aninimaster?

    Ehem ehem.

    Sa tulad kong mas maningning pa sa alitaptap ang pwet
    Karamihan ng naaakit ay nagtatanong kung bakit
    Mas mahalimuyak pa sa bulaklak ang alindog ng malande
    Kitams, mapagpanggap ka ikaw ren naman ay makate.

    Haha. Pucha sabe na kaseng wala akong alam sa mga tula tula na yan!

  8. ui andun yung name ko,
    salamat naman waling anini

    hmmm yung kina ate sal, kuya lio, kuya kulisap at kuya vaj pwedeng version 2 naman ahahah

  9. tadhana ng paru-paro at ng alitaptap
    ang hindi magtagpo kanilang pagliyag?
    ang isa’y sa liwanag ay naghahagilap
    at ang isa’y dilim lang ang nababanaag…

    ngunit ang kapalaran,ginawan ng paraan
    kasabay sa pagdadaop ng araw at buwan
    nang maghalo ang dilim at saka liwanag
    ang saglit na pagkikita’y walang katapusan.

    (eclipse ang solusyon para magkita silang dalawa)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s