Dear soulmate

Standard

pwede ko tong i-txt at pwede rin akong tumawag kaso dahil tinamaan ako ng katamaran, dito ko nalang isulat lahat ng gusto kung sabihin.

alam ko pareho tayong luka-luka, pareho din ang mga likaw ng isip natin, kaso mas matalino ka sakin…alam ko yon…haha, pinapatawa lang kita..medyo seryoso kasi ang sasabihin ko.

alam ko, sa likod ng tawa mo, sa likod ng mga salitang ok ka na, di mo na sya iisipin, masakit parin, narinig ko ang hikbi mo, yon pa lang alam ko kung gaano kasakit yon… alam ko sasabihin mo na namang mali iniisip ko, alam ko agad yon ang reaction mo, syempre kaw si denial queen…

friend, pareho tayo ng likaw ng bituka, at alam mo yon, paano ba aabot ang pagka-kaibigang ito na halos txt nalang at tawag ang communication… kasi soulmate tayo…hahaha, napag-usapan na natin yon, pwede ring sama na natin ang galing ng visayas para luzviminda friendship na ang drama natin.

ok, kaya ko lang naman sinulat to para ma-explain ko ng mabuti tong sasabihin ko.
ayokong sabihing mag move-on ka na, mahirap gawin yon… pero mas mahirap ang isusuggest ko, FORGIVE HIM…. kung wala syang pakialam, atleast patawarin mo sya, hayaan nalang natin sya… naisip ko kasing mas maganda na pagdating ng panahon if ever magkita ulit kayo, kaya mo na syang bigyan ng ngiti…. bigla akong bumaliktad diba?…mas galit pa nga yata ako sa lalaking yon kesa sa galit na meron ka, ayokong matabunan ng galit yang puso mo…hindi tama yon, sayang ang inosente de ti na puso mo…haha

pero totoo, walang ibang option kundi matutunang patawarin sya… isipin nalang natin na sya ay isang Octomeles sumatrana kayang-kayang maging isang higanteng puno pero pag pinutol kalahati ang shrinkage percentage… o ha! kalahati lang ang market value nya compare sayo… oo na, umandar na nman pag ka mean ko…. pero ganun naman talaga…

ihahanap nalang kita ng bagong irog…wahahaha, ay! wag nalang pala, aral na nga lang ulit tayo, share ko nalang ang magic para maging diwata ng kagubatan…

I’m just a call and txt away… pwedeng-pwede mo kung istorbohin kahit nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko..hahaha

Advertisements

22 responses »

  1. hehe talagang feature daw ako sa blog mo? natxt ko na ang reply ko..Hindi naman talaga ko galit sa kanya kaya wala akong dapat patawarin..tingin ko nga kung magkikita kami ngayon, kaya ko pa rin sya harapin without the hate… sbi nya nga at ng iba ko pang friends, positive personality ako kya i can always look at the bright side good or bad man ang dumating sa akin..Mababaw ang kaligayahan ko kaya madali akong makakahanap ng way para pasayahin ang sarili ko..

    • alam mo friend, feeling ko pareho tayong natuto sa nangyari sayo.. di man totally sakin nangyari pero ang daming aral na nakita ko… sigoro kaya sayo unang nangyari ang mabigo kasi para mai-guide ako… mas malawak ang pang-unawa mo, eh ako kelangan pa munang i-untog bago makita ang positive side..

      mas sensitive ako sayo…at mas mahina…and im glad naging soulmate tayo..promise!

      kelangan na talaga nating mag UBE… punta ka na dito…hahahaha

      • Malaking bagay din na madami kong tunay na kaibigan na nagmamahal sa akin kaya bakit ko kelangan sayangin ang oras ko sa pagmumukmuk at kakaisip sa kanya. kaya lang naman talaga ko naiyak nung kausap ka kasi nga tinext ako nung isa kong friend at kinukumusta ako. Pero ok naman naging takbo ng araw ko bago siya mangumusta. I mean mas naalala ko nga yung masayang reunion namin ng mga friends natin kesa dun sa masamang balita na natanggap ko nung gabi…

      • Sige paghahandaan ko talaga na makapag-UBE tayo jan..talagang dito daw ako nakipag-usap?! O kaya hanap tayo ng isang lugar na pareho natin gustong mapuntahan..

      • hahaha, somewhere sa visayas nalang friend…para nasa kalagitnaan…hahaha, manggugulo tayo sa kanila, wag na muna ang palawan..unfair nauna ka, nakailang balik na nga tapos ako hindi pa nakapunta dun…hmmm

  2. Goodmorning Anining,

    habang binabasa ko to naalala ko yung entry ko para sa kalamayang lumaya ni Lolo Irog, parang ganyan yung situation ko sa soulmate mo noon, pero well, ngayon naman malaya na ako.. este kami pala.. hindi ko na sya kinukulam tuwing maalala ko sya at totoong hello na rin ang “hello” na bati ko sa kanya.. noon kase may hidden curse pa yung hello ko. wahahha..

    at ang mature mo na aniPotpot ha.. ayos ang advice.
    para sa friend mo.. hmm..
    wala yata ako masabi.. speechlees ako.. been in that situation many times, big times.. wahha.. parang ke dami naman pala.. shaks!!,
    pero kidding aside, time lagi ang kalaban at kakampi mo.. at syempre sa susunod, mas wais ka na.. yun yun.. sa experience lagi ang account.

    • wow! nahiya naman ako lee mi..mature na ba ako?….hahahaha, kung alam mo lang yong reaction ko nung una..malamang sa sasabihin mong napakabata ko kung mag-isip.

      kelangan munag paabutin ng ilang araw bago ako makapag-isip ng mabuti.

  3. Ang suggestion mo na patawarin ng friend mo si HIM (kung sino man siya) ay yun ang palagay kong dapat gawin niya waling anini.

    Be blessed!

    tama aral muna! ahahah

    • salbe, para kay potpot yan..yong pinaka-unang nag comment..
      pero if feel mong angkinin na para sayo yan… walang problema, isamana narin kita sa pag-aalayan ng entry na yan…haha

  4. ito pala un, ramdam nga galit mo. mas affected ka pa nga yata e. ex na un, ano pang magagawa? nag-decide na silang maghiwalay ng landas, wala nang option kundi mag-move on. mahirap nga lang.

    • bakit pa kita hahanapan, sarili ko nga di ko nahanapan….hahahahaha, toinks! may dracula ka na vajee… or else pag nahanap ko si lestat ibibigay ko sayo…hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s