tara, lakad tayo

Standard

ilang beses ko na sigorong nasabi to, na isa sa mga bagay na namimiss ko ay yong panahon na naglalakad ako, yong hindi nagmamadali, yong walang hinahabol na oras at higit sa lahat maglalakad sa buhangin at damuhan.

tapos walang pakialam sa ibang dumadaan, kanya-kanya lang ng trip, isa sa madalas kung gawin ay kumain na naglalakad, sa probinsya madalas may binibentang inihaw na saging yon ang dala-dala ko papunta sa dalampasigan, dala-dala rin ang librong gustong basahin, pag masakit na ang mata…simulan na ulit maglakad, malagkit ang dala ng hanging dagat pero isa yon sa mga bagay na nasasabi kung nasa lugar ulit ako kung saan kaya kung maging bata ulit, maging totoo sa sarili.

ang maglakad sa buhangin ay isa sa mga bagay na madalas nating ginagawa pag gusto mong maging simple, gustong maramdaman na bahagi ka ng mundong walang komplikasyon, ang pag-apak sa lupa ay pagtanggap na tayong lahat ay may mga simpleng pangarap na madalas nalilimutan, natabunan na kasi ng ilaw at opurtunidad na umakyat. Wala namang masama sa pag-akyat lahat naman tayo yon ang gustong puntahan, pero minsan wag nating kalimutang minsan pala simpleng bagay lang ang nakakapag-pangiti satin.

nararamdaman mo ba yong lamig na dala sa paa ng mga damo o kaya buhangin? diba sarap sa pakiramdam, yong lamig na hatid na pwedeng magpagaan sa sakit ng ulo, samahan pa ng malamig na hangin.. ayon na lumutang na ko, gusto ko nang matulog…hahaha

Advertisements

45 responses »

  1. na miss ko tuloy sa amin. pareho pala tau anini na malapit sa tabing dagat. Ako dati malimit kami sa tabing dagat ng mga kaibigan ko. Nakaupo ang kukuwentuhan ng mga nangyari sa skul. daladala namin un hanggang sa nag ka trabaho na kami. Mag sisimula sa isa hanggang sa mabuo na ang tropa. haiz kaka miss.

    tama ka masaya maging simple. un bang wala kang kinatatakutan na baka may ma upset sa gagawin o sasabihin mo. at dahil sa kasimplehan na un gusto ko ng fishball hahaha.

    oist di ako tampo.

    • tama ate liz, kung meron mang bagay na di ko kayang baguhin ay yon sigorong mamuhay ng simple.

      waah! gusto ko naring umuwi…hahahaha, puro uwi ang nasa utak ko… nakakamiss ang dagat, nakakamiss maglakad ng nakaapak sa dalampasigan, iniisip ko palang excited na kong umuwi…hahaha

  2. ako, gusto ko maglakad sa malamig na lugar kasama ang tatlong piglets ko at si dadi bong. πŸ™‚ at tama ka, masarap yung mga simpleng bagay…hinahanap ko rin yun kaya nga masayang masaya ako pag nasa bahay kasi makita ko lang ang mga bata, tanggal na ang pagod ko.

    • ganyan na talaga mga parents no?… nanay ko rin ok na sa kanya na nasa bahay lang basta kumpleto kami…waaah! namimiss ko nanay ko..

      wow! na-pipicture out ko yong scene, you ang your family…ang ganda at parang ang saya… tapos nasa dalampasigan kayo in a sunrise.

  3. ako din gusto ko ang naglalakad sa Pilipinas dito hindi walang naglalakad dito kasi masunog

    magandang maglakad kung may kasama di ba?

    • hahaha, wag na wag kang maglakad dyan baka nog-nog na pagbalik…hahahaha

      magandang maglakad ng may kasama pero if wala pwede narin.. na-aappreciate ko naman yong time na nakakapag-isip ako..at yong silence may binibigay yong kapanatagan sakin.

  4. yan ang pakiramdam na hinanap hanap ko dati nung nag aaral ako ng college sa maynila.amoy ng damuhan sa umaga,hanging malamig ng konti,at syempre,yung kasimplehan ng buhay.

    tatlong taon akong nilamon ng traffic,siksikan at lugar na halos itulak ako sa pagmamadali.maraming magaganda at lamorous na bagay ang syudad,pero may mga bagay na simple lang pero hahanap hanapin natin.kaya ayun,dito na lang ako sa amin,kahit pa nga nilalamon na rin ng pagbabago ang lugar.

    • hmmmm, dati hinihiling ko na sana yong lugar namin di magbago, na sana pag-uwi ganun parin kung pano ko sya iniwan yon din ang babalikan, pero naisip ko, it’s selfishness kaya ngayon, umaasa akong na sana yong lugar na tinatawag kong tahanan ay di masira na mga pagbabagong dumarating… kahit yong kalinisan nalang at ang pagiging masayahin at matulungin ng tao.. yong mga simpleng ngiti na binibigay kahit estranghero ka lang.

      dati nasabi ko, di ako mabubuhay sa syudad, pero anong nangyari nasa gitna parin ako ng syudad nakatira, luckily di pa kasing tulad ng maynila, may bundok parin akong nakikita…hahaha

  5. Sino bang niyayaya mo Aning? Si Tapa? O tapa, simpleng bata lang yang si Aning, maghabulan lang daw kayo sa tabing dagat..solb na.

    Ang simple lang nito pero ang galing.

  6. naranasan ko nang maglakad na tila hawak ko ang oras, na tila wala akong pakelam sa mundo. masaya. masarap. mapayapa.

    pero nararanasan ko ngayon ang mangulilang may makahawak ng kamay saking paglalakad.

    • hmmm. sino ba ang ayaw na masubukang maglakad na may kahawak-kamay, yong parang hawak nyo ang mundo sa pamamagitan ng dalawang kamay nyo na magkaugnay..

      pero dahil mabilis akong makuntento, paglalakad na mag-isa ay ok na.

  7. ui sakto! pupunta ako beach bukas.. ay mamaya pala.hahha! sana nga hindi umulan eh πŸ™‚

    namiss ko na nga maglakad ng walang pakealam, yung wala kang tatamaan o makakbunggo, yung hindi pang MRT ang scene.haha.

    • naku! huling beses kong maglakad ng malayuan, sumakit paa ko…hahaha, pero sa kalsada yon, kaya ang namimiss ko talaga ay sa may dagat.

      whoa! inggit naman ako..sana nga di umulan, pero if uulan, go parin..masaya parin yon..haha

  8. hmmmm, dati hinihiling ko na sana yong lugar namin di magbago, na sana pag-uwi ganun parin kung pano ko sya iniwan yon din ang babalikan, pero naisip ko, it’s selfishness kaya ngayon, umaasa akong na sana yong lugar na tinatawag kong tahanan ay di masira na mga pagbabagong dumarating… kahit yong kalinisan nalang at ang pagiging masayahin at matulungin ng tao.. yong mga simpleng ngiti na binibigay kahit estranghero ka lang.
    +1

  9. Aninimaster, ako mahilig ako maglakad. Lalo na pag madaling araw. Takot lang ako maglakad ng madaling araw dahil delikado, pero kung nasa peaceful na lugar ako, maglalakad ako ng bonggang bongga.

    Kita kita tayo sa Visayas para halfway or punta ka dito sa Luzon,, tapos beach tayo. Game ka?

  10. ang sarap ng pakiramdam ng buhangin sa paa… warm, relaxing and exfoliating! hehe

    sa ngayon, hindi na ako nakakatakbo… puro lakad na lang… ganun din naman… pinagpapawisan rin ako hehe

  11. iba talaga ang dalang hatid ng mga simpleng bagay.

    hindi kami sa tabing dagat, kaya sa mga burol ako naglalakad lakad noong bata pa ako. mga 7 years old siguro noon. tatambay lang sa tuktok. mahihiga sa ilalim ng puno at magpapaliapas oras. dinig mo ang mga huni ng mga ibon at kung ano anong insekto. malinis at sariwa ang hangin. kaya kadalasan makakatulog ka.

    • gusto kong matulog sa may puno kaso sa may duyan na gawa sa rattan…yong malaki….sarap ng tulog..tapos pag-gising masarap na meryenda sasalubong…haays!

      kakamiss….

  12. THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

  13. I always like walking. Sa paglalakad ako nakakaisip ng mga bagay-bagay. Minsan ko na rin nilakad mula Magallanes patungong Cubao, hindi nagreklamo ang isipan ko, pero ang mga paa ko nagmumura na dahil sa layo ng nilakad ko pero ayos lang nakapag-isip isip naman ako. πŸ˜€

    • hahaha, korek! kulang nalang murahin tayo ng mga paa nati… lalo na pag sementado ang nilalakaran mo..mas masakit yon, at di ko matiis ang init..hahaha

      huling beses akong nakalakad ang sakit ng paa ko, ang init kasi ng kalsada feeling ko nga napaso yon kasi super pula ng talampakan ko..hahaha

  14. ako din na miss ko ang paglakad sa bukid kapag kasama ko mga kapatid at pinsan ko, dumadampi sa katawan ang sariwang hangin at naamoy ang sarap ng buhay na parang walang problema. πŸ™‚

    padaan.. πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s