timang

Standard

May mga bagay akong nais gawin bago dumating sa edad na bente-tres.

1. Mag-lasing.
2. Mag-byahe ng mag-isa sa isang lugar na di ko pa napuntahan.
3. Manligaw ng lalake.

Napuno ng excitement ang katawan ko nung maisip ko ang mga yan, huling apat na-araw…yon lang ang oras ko… buo na sa isip ko na gagawin ko ang mga yan, pag-uwi ko dala-dala ko ang excitement..kaso pagkatapos kung maghapunan…. Nasagi ko ang favorite mug ko…BASAG….. naglaho lahat ng excitement sa katawan..bigla akong nakapag-isip.

Una, pwedeng-pwede kong gawin ang maglasing, in fact isa ako sa mga taong di nawawalang ng beer in can sa ref… yon nga lang depende sa oras…aabutin minsan ng isang buwan bago ko mainom yon..or else minsan din halos every week nag-cacrave ako na uminom pero pinaka-marami na ang dalawang lata. Di bawal sa pamilya naming ang uminom basta alam mo ang limitation mo. Nung maka-pag-isip ako, nakalimutan ko palang hanggang tatlo bote ng pilsen lang kaya ko, pag sumobra magkakapantal ako, ayoko naman yatang pumasok ng opisina na may pula-pula all over tha body. Plus dalawang araw lang ako sa bahay, gugustuhin ko bang magbyahe ng 9 hours na masakit ang ulo… I don’t think so.

Pangalawa, madalas naman akong magbyahe ng mag-isa, yon nga lang di pa ko lumampas ng Mindanao na nag-eexplore mag-isa..at may problema pa, kaya ba nang bulsa ko?..bili ko nalang ng libro..hehe

Pangatlo, eto sigoro ang highlight ng 22 years of existence pag ginawa ko to… manligaw ng lalaki, asan na pagkamanang ko?..pinalipad sa hangin..hahaha, actually exciting na nakakapanindig balahibo naiisip ko pa lang… kaso ang tanong? Papaniwalaan ba ko ng liligawan ko?..malamang hindi…hehe, maganda sana tong naisip ko, kahit isang araw lang, pero ang problema nga nasa sakin… kakayanin ko bang mabasted?… malamang buhok ko na naman pagdidiskitahan ko… well, kahit naman gusto ko narin ng super iksi na buhok, pero importante sa tatay ko na mahaba ang hair ng lola, yon lang naman hinihingi nya..kahit kaya ko naming suwayin ang gusto nya, di ko parin gagawin.

Ok, pagkatapos ng lahat, naisip ko, hawak ko nga ang lahat ng desisyon ko pero di ko kayang harapin ang mga epektong mangyayari sa paligid ko. It’s nice to think that once you’ll let go of your hung-ups, doing things you’ve never tried even for once and let go of the things you wanted to say. But in the end, you will be the one who would face the consequence.

Di ko kayang sakyan ang musikang ako ang may gawa, isa lang ang ibig sabihin nun..isa akong DUWAG.
At naisip kong isa pala talaga akong mahinang tao,parang mug lang madaling mabasag….. madalas tinatago ang sarili sa pagiging kuntento sa simpleng mga bagay. But getting-out of our shell takes time, di yon pwedeng pilitin, isipin mo nga yong itlog, kahit 21 days na, pag ayaw pang lumabas ng sisiw di mo pwedeng pilitin yon, dahil pwedeng mamatay ang sisiw, masyadong vulnerable ang sisiw if ikaw mismo ang kukuha ng balat kelangan sila ng masusing pagbabantay, kelangan i-incubate…ang tao pag walang a-alalay pwede rin itong mawala.

So nakita nyo na bakit di ko magawa ang mga pinag-sasabi ko sa taas..dahil isa akong mahinang tao.. oo aminado ako dun..di ko naman kinakaila ang pagiging mahina, kaya nga sigoro nag-eexist ako sa kakaibang mundo na to kasi kino-compensate nito ang kahinaang meron ako sa totoong mundo.

Ang tanging magagawa ko ay humiling… sana mapagbigyan ko ang sarili ko. Kahit isang hiling lang.

………………………..

Tsaraaaaaaaan! Wish granted… timang lang..hahaha

Advertisements

37 responses »

  1. tara, ani.. ssamahan kita sa request nos. 1 & 3 mo. yun no.2 di pwede, conflicting. hahahha. hinay hinay lang anini. kaso baka naman amagin ka na jan.

    • amag?..waah! di ko na kelangan yon… may ilaw na si aninipot..diba, nag-goglow in the dark ang amag?..hehehe, bagay lang pala sakin amagin.

      di ko na nga gagawin diba?…hahaha

  2. malapit na din ang beberdei mo waling anini naman!

    kumusta naman ang wish list ehehehe

    2nd beys lamang kami
    ang importante naman diyan ay yung tanggap natin na may mga bagay na naduduwag tayo at minsan nagtatapangtapangan lang tayo
    at minsan din naman matapang din tayo…

    ang kahinaan ay hindi ibig sabihin pagkatalo
    kinakailangan kasi minsan na magpabugbog muna ang bida

    inuman pala, akin nalang ang kwento timang din ako ahahaha

    • aw! bakit kelangan pang mabugbog..reklamador..wahahaha

      kantahan mo nalang ako kuya..ok na b-day ko…hahaha

      naks! tatanda na ko ng kunti….sana pati sa height madagdagan..hahaha

  3. nagawa ko na lahat yan…

    kasi lagpas na ako sa 23… wooottt..

    bata ka pa naman… nyahaha…marami pang time para mag ipon ng lakas ng loob para gawin ang mga gusto mong gawin.. (teka ako ba to?)

    helloooooooooooooooo anininiiiiiniiiiiiiiiiiiiiiiiiiipotttttttttttttttttttttt….

  4. hehehe…manligaw ng lalake?

    muntik ko na gawin..kung hindi ako itatakwil ng mga friends ko.

    kaya ayun..di ko na itinuloy

    pero yung dalawa nagawa ko na

    daan lang po 😉

  5. the fact that you realize all this means you can pretty much do something to get it. so i say grab your life by the balls and live it as you want it to be. and yes, i don’t believe you’re weak.

    pasensya. hindi ko kayang itagalog aninipot. lols!

  6. Potek Aninimaster, yan mga nasa list mo ang gusto kong ma achieve THIS WEEK! Lol.

    Iilang alak pa lang ang natitikman ko. Kaya gusto ko ren ma try magbasag next time. never ko pang na eexperience magka hangover. Malaseng. Kaya gusto ko i try this weekend. Sama ka! Lipad emergency!

    Mahina loob ko pagdating sa lalake. Shempers, shy type ako. Hindi man halata. Saka mahirap humanap ng prospects ang homosexuals for obvious reasons. Expecially here in this country.

    It takes a while to be ready for things that we weren’t used to doing. Lahat ng bago kelangan ng matagal na pag aadjust, kung ang goal mo is to honestly say to yourself that you are comfortable doing that anytime. For me too, coming out was a long aqnd stressful process. This wasn’t easy for me. Knowing that a lot of people will raise their eyebrows or even make fun of me just because I am gay. Admit it, our people can be this stupid.

    Ang sakin lang, wala sanang pilitan sa sariling timeline sa pagdiskarte. Walang pakialamanan, lalo na pag perdonal at pagkatao na ang pinag uusapan. Gago lang ang pipilit sayo na magexpose sa bagay na alam mong hindi ka pa ready, lalo na pag ang premature na exposure ay pwedeng makasira sayo at sa kinabukasan mo o tingin mo sa sarili mo.

    • o cge vajee..pag nagawa mo yan susunod ako…hahahaha

      so far naman sa part ko di ko pinagkakaila na umiinom ako, yon nga lang hanggang sa kaya ko lang, di pa ko umabot na malasing at magka hang-over…. usually naman kasi mga kapatid lang ang kasama ko.

      mahina ang loob ko sa mga bagay na di ko pa nasusubukan, well, sanay akong mabigo, kahit minsan sinasabi kong di ko kaya, pero after lahat ng mga nangyayari, i did survive… survivor ako na di ko man lang namamalayan.

      madalas kong sinasabi sa housemate ko pag niyaya nya kong lumabas with her friends that time will come that i’ll decide to came out of my shell… ayoko lang minsang napipilitan ako.. though willing naman akong subukan pero pag may doubt akong nararamdaman then, di ko itutuloy..ayokong pag-sisihan sa huli.. wag lang akong i-challenge..isa din kasi akong risk-taker pag ganung sitwasyon na.

  7. wow ano kaya yung parang timang lang na wish granted? yun kaya yung third wish, ang mkapanligaw? e bakit kasi kelangan pang manligay kung ikaw na nga ang nililigawan…ni ano…hahahha! nanunukso lang!

    hindi nako umiinom ng alak gaano. mahina nako sa mga ganyan. at kung pagbabyahe naman sa isang lugar na magisa lang, malamang di ko rin yan gagawin kasi para nga akong timang nun. tsaka mas gusto ko may kasama, lalo pag si daddy bong ang kasama ko…lalo at wala rin akong sense of direction. hahaha!

    • hahaha, iba yong wish ko ms. kaye. 🙂

      sanay akong magbyahe mag-isa pero gusto ko yong real adventure, tulad ng pag-punta ng sagada na mag-isa o kaya e-explore ang northern luzon..halos naiikot ko na kasi ang mindanao.

      tungkol naman sa alak… umiinom lang ako hanggang sa kaya ng katawan ko, di ko pa talaga naranasan ang malasing.

  8. kakagawa ko lang ng 1 and 2..haha,,

    naku hindi ka duwag.. iniisip mo lang ang magiging kapalit ng mga bagay 🙂 minsan try mong gawin ang isang bagay ng hindi pinag-iisipan (wag yung delikado ha.hehe), pag nagawa mo na, doon mo marerealize kung bakit hindi mo naggawa ang isang bagay ng basta-basta.hehe..

    🙂

    • kapitan hook, hindi buo ang loob ko..isa lang yan sa mga pangarap na di ko gagawin…hahahaha

      minsan kasi masarap maging risk-taker, pero pag naiisip kong gagawin ko yon.. para lang akong audience sa mga pinanggagawa ko.. nagmamasiddun pa lang alam kong hindi ako ang gunagawa nito.

  9. perstaym ko pong dumalaw…

    1. Panget kung maglasing lang ang wish mo. Mas timang kung malasing hanggang sa gumagapang. lol.

    2. No comment ang taong di rin masyadong nagtatravel.

    3. Ingat sa number 3. Marami na re-rape (kapag di pumayag) dyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s