buo

Standard

Kung may ibabahagi tayong parte sa ibang tao, di nating pwedeng ibigay ang bagay kung saan meron tayong kakulangan, kadalasan yon lang ding bagay na meron ka, di natin kayang ibigay ang natitirang parte na kinulang kasi paano ka pa?..pero may mga pagkakataong sabihin mang wala kang maibigay pero meron pa pala, akala mo said na ngunit may isang patak pang natira.

Minsan akala natin di tayo marunong magparaya, di natin pwedeng bitiwan ang isang bagay kasi ikakamatay mo, mawawalan ng kulay ang mundo, mawawala ang kunting liwanag na nagpapagalaw sayo.

Akala ko ganun, akala ko walang maganda sa dilim, may mga bagay na di kelangan ng mata, di kelangan ng liwanag para makitaโ€ฆ kusang bubuo yon sa pagkatao mo, sasanib sa kaluluwang akala mo wala ng silbi. Sa dilim ang pag-iisa ay nakakatakot, nakakapangilabot kung iisipin, pero parte ng buhay na kelangang dumaan sa kadiliman, parte nito ang pag-iisa, ang pagbuo sa mga nawasakโ€ฆ. Akala mo di ka magiging buo?.. hindi?.. mali ka, pwedeng-pwede di kelangang ang ibang tao para punuan ang kakulangang nawala sayoโ€ฆikaw lang ang may hawak ng susi para mapunan ito.

Di natin kelangan ng tali para sabihin konektado ka sa taong importante sayo, mas maganda ang pagtanaw sa ibong malayang lumilipad kesa may tali ito diba?.. di natin kelangang lagyan ng tatak ang isang tao para sabihing pag-aari ang puso nito.

Mahirap magparaya, mahirap magpalaya, pero kung papalayain mo, sa panahong bumalik ito, magiging sayo ng buong-buo.

Advertisements

77 responses »

  1. I wonder what God wa thinking
    When He created you
    I wonder if He knew
    Everything I would need
    Because He made all my dreams come true
    When God made you
    He must be thinking about me.

    yehey! pumapagibig!

  2. Kahapon nga pala sinabihan mo ako na may bago ka na namang post.

    Makasarili kapag inangkin ang bagay o tao para sa pansariling kaligayahan lang.
    Tama ka, babalik kung babalik.

  3. minsan ang hirap i-let go.. akala ko mahirap.. pero ang pinaka mahirap ay paano mag move on pagkatapos mong pakawalan.. hay…

    i feel it anini… WASAK ako… nyahahaha

    sama ako sa zip line…

  4. aaah.. ang pag-ibig ay mapagpalaya. shit. shit lang. di ko na inintindi anini. kasi agree ako sa ilang parts, disagree sa iba. di ko na explain. case to case basis. period.

    basta pag dilim… maganda ako sa dilim. hahahahha

  5. “kung mag mamahal ka huwag mong ibibigay ang lahat kasi pag nawala ang taong mahal mo ano pa ang matitira sa iyo diba!”
    –wala lang naisip ko lang

    • Aj, di nauubos ang pagmamahal, hangga’t may kaya kang ibigay patuloy ang pagdaloy nito…isa iyan sa mga bagay na di kayang i-explain ng nakararami pero kayang-kayang intindihin.

  6. mahirap magmahal ng sobra, parang nawala nadin lahat sa iyu, kaya dapat wag masyadong pairalin ang puso. AT kung karaptdapat nga siya, siya talaga ang taong magmamahal saiyu ng buong buo.

  7. tae lang ang karamutan.ang kaligayahan ay isang malaking kristal na nagkahati hati para makinabang ang lahat.kung meron nang laman ang kamay mo at pipilitin mo pang dagdagan,masusugatan ka na.pag nasugatan ang kamay mo,parehas mo silang mabibitawan.may ibang pupulot at maghihintay ka pa ulit na mag hilom ang sugat mo sa palad para may madampot ka uling bago.

    may kinalaman sa post mo?parang wala.

    hahaha!

  8. Kung tungkol sa pag-ibig di ko alam ang pagpaparaya, ipaglaban mo Ani! Pero kung yung tao mismo ang lumalayo, pakawalan mo, pero huwag mo i-label as “pagpaparaya”, siya ang lumayo, and draw your love back. Ah, ewan.

    • kelangan ng lakas ng loob yan eh!

      kung puro takot ang mararamdaman mo, may mababago ba?..wala di ba?..sabagay mas madaling iwasan at balewalain ang reyalidad pero di eto kayang takasan.

      sa tamang panahon, makakaya mo rin.. sa tamang panahon.

  9. if you love a person, set him/her free. if s/he comes back, s/he’s yours. if s/he doesn’t, s/he never was.

    tae. kunin na lang sa santong paspasan kung di makuha sa santong dasalan. haha!

  10. buo ang loob, angas ng pagkatao,

    “pag nagmahal ka, walang secondchance para sa secondthoughts, or hindi mo mahal”

    ganun lang para sa kin.. nosi balasi.. mahal ko eh.. adik noh?.. ๐Ÿ™‚

    • Ahmmmm….

      Dahil po hindi ko mahawakan kaya pinapakawalan ko. Haha! Ay mali, hindi ko pala maabot dahil nakalipad na sya, hanggang tanaw lang ako. Hehehe!

      Nasagot ko na po ba.

      Ito pa, hindi magtagpo ang magkaiba naming mundo. (insert juris song here) hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s