butterflysitter

Standard

isa sa mga subject na nadaanan ko habang nag-aaral pa ay ang entomology (study of insect), magtatanong ka ba kong anong konek sa kinuha kong kurso?..meron yan, basta! pag may oras ako ipapaliwanag ko.

nasubukan kong mangolekta ng kanya-kanyang klase ng insekto sa bawat order ng class insecta…. pag may tanong ka ulit…. just consult mr. wike p. or mr. google, andun lahat promise!… di nagpapahalatang tamad lang magpaliwanag noh?..hehehe, kasi nga iba ang kwento ko, introduction lang to na di ko alam kung pano sisimulan kaya eto ang nangyari… ok..larga!

sa buong duration ng semester, dalawa ang pwede tawaging nakakatuwa pero may dalang pahirap samin. una, ang mangolekta nga nung sinabi ko sa itaas… mahirap manghuli ng bubuyog, akala nyo ha!. mahirap ding maghanap ng iba-ibang klase ng beetles o kaya lady bug… lalo na ang ipis, whoa!, pero dahil matalino daw ako, nakagawa ako ng paraan napakiusapan ko ang isang klasmyt na ihuli nya ko, at sya na ang mag preserved… yon nga lang walang libre sa mundo kelangan may kapalit, sabi ko o sige walking stick ang ipapalit ko, pumayag naman, at mabait nga daw ako pinapili ko pa sya sa tatlong nahuli ko… pero ang sama! yong pinakamalaki ang kinuha, insensitive! di man lang inisip na pakonswelo ko lang yon..haays!.

masaya manghuli ng butterfly at namroblema ako saan ako makakuha ng termites(di ko alam ano sa tagalog yon), nadiskubre ko lang na marami pala sa bahay ng isa naming prof. dun kasi nanghuli ang isa kong klasmyt nung gamitin nya ang termites bilang sample species sa kanyang thesis, kung effective ba ang “tubli” as insecticide. kung alam ko lang di hinakot ko na lahat ng klasmyt ko..libre sana ang pag harvest ng anay sa bahay nya (ayon! anay ang termites).

inabot kami ng ilang buwan bago makumpleto ang koleksyon na gusto ng mabait daw naming prof..hehe.

pero ang pangalawa ang masasabi kong binuhusan ko ng atensyon, kelangan naming mag-alaga ng isang insekto, o ha!, i-rerecord ang progress everyday. alam nyo na sigoro ang reaction namin….lahat namroblema at lahat natatawa, pero seryoso, yon ang gustong mangyari ni prof.

kaya ang siste, o cge walang choice, bahala na si batman. Pinili ko ang butterfly kasi akala ko madaling maghanap pero hindi!!!!!, saan ako maghahanap ng itlog ng paru-paro? maswerte kung may isang mabait na kuya-kuyahan na pwedeng magturo saan sila nanghuli dati, at dahil mabait din daw ako..may tumulong (ngisi)… pero pag wala, sariling sikap hijo at hija.

para lamang kaming mga timang sa paghahanap, halos isa-isahin ko ang dahon ng halaman na sinabi ng mabait na kuya..ayon! nakakita din ako..tatlo, binigay ko sa isang klasmyt ang isa at inuwi ko ang dalawa, nilagay ko sa kanya-kanyang garapon tapos tinakpan ng telang ginagamit sa pag-gawa ng insect net.

sala sa lamig at sala sa init ang mag-alaga ng paru-paro, in short, maarte. araw-araw kong binabantayan, kinakausap at minsan kinakantahan, para mabilis lumaki (pauso ko)

may oras na kung makakain ay parang katapusan na ng mundo at may panahon ding di man lang ginagalaw ang dala kong pasalubong na dahon..eto pa, ang butterfly (on larval stage), di sila kumakain ng ibang dahon, kung saan mo sila nakuha nung itlog pa, yon lang din ang pwede mong ipakain, so nakita nyo sigoro ang effort, araw-araw akong pumupunta sa mini-forest ng kolehiyong kinabibilangan ko para lang may pagkain sya…. walastik na pagmamahal sa insekto..

pagkatapos ng labing-limang araw, biglang di na gumalaw ang mga alaga ko, akala ko patay na, nag-iba din ang kulay tapos may mga malalagkit na parang langis ang lumalabas galing sa katawan nila…saka ko lang nalaman na yon pala ang magiging pambalot sa kanya para sa chrysalis period (pupa). dito wala kang gagawin kundi maghintay, labing-limang araw din na pamamahinga.. tapos tsaraaaaan! butterfly na sila… pero………

di ko pala sila nakita nung lumabas as full grown adult butterfly.. at mali ako, yong isa pala ay moth..hehe, malay ko ba….akala ko lang kasi mas maliit na butterfly yong isa…. kaya madaming namamatay sa maling akala..hahahaha

bakit ba di ko nakita ang paglabas ng mga alaga ko?..may fieldtrip kami, inihabilin ko lang sila sa roommate ko, at pagdating ko patay na sila, ang saklap no? di kasi alam ni roommate if papalabasin sa garapon o kaya anong ipapakain sa kanila, ako din pala di alam ano ang kakainin nila except flower nectars.

pero dahil ang mangyayari naman talaga ay papatayin din sila, at i-preserved para maipasa, kasama lahat ng records at lahat-lahat na konektado sa buhay pagpapalaki sa kanila… kay tinanggap ko nalang.

yon nga lang…

di ko naipasa…toinks!

matapos ang paghihirap, di rin naipasa, ang resulta… nakaluhod ang grado ko, buti nga di butterfly (as in tres)…hahahaha

at yong title, oo na..aamin na, gawa-gawa ko lang ang term na yan, nag-ala genius ako, may babysitter naman kaya palusotin nyo na ang butterflysitter ko….. hahahahaha, mwuah!…..

Advertisements

48 responses »

    • di ako maka-relate dahil phlawer ako, hindi paru-paro. kaya, anini, kakanta na lang ako:

      paru-parong bukid na lilipad-lipad.
      sa gitna ng daan, papaga-pagaspas.
      chuva ek ek chenes something something thingy…
      chuuuuva ek ek chenes something something thingy…

      may payneta pa cia, uy!
      may suklay pa man din. uy!
      (fast forward, nakalimutan ko..)
      …atsaka lalakad na pakendeng-kendeng!

      tae, di ko na saulado. enero, pebrero na lang! ;p

    • oo, maikli lang..minsan 48 hours lang, imagine 2 days na nakakalipad sa 30 days na paghihintay… pwedeng i-compare sa happiness… kayang tumbasan ng maikling sandaling kaligayahan ang mahabang panahong paghihirap.

  1. hehe ginawa din namin yan.. hindi ko lang maalala kung binigyan namin ng pangalan ng partner ko yung pet namin..

  2. sa elementary,yan ang pinaka sikat na life cycle sa text book.in fact,bago pag aralan ang life cycle ng tao,yun munang sa paro paro ang pinag aaralan.hindi ko sure kung mga dating paru paro yung mga taga deped.

    isa pang natutunan ko ay ang struggle ng paru paro para lumabas ng coccoon.yun daw kasi ang dahilan kung bakit may magaganda silang pakpak.

    bow.

  3. Bwahahahahahaha. Naaliw ako ng bonggang bongga! Maiintindihan kong matutuwa ka sa kursong nag aaral ng insekto, pero ang botany, NEVER.

    Lalagay ko sa garapon lalake. Papakainin. Tas papatayin. Lol.

  4. sobrang nakarelate ako nung college dito. ang mga garapon, chemicals at ang net trap, yehey.

    tapos nung nagMA na ako ay kinuha ko ulit ang advance Entomology at nagenjoy kami ng sobra ng mga kaklase ko na kumukuha ng MAEd Bio yehey!

    yehey!

    napaka ikli lamang ng life span ng mga butterflies pero antagal nung life cycle at napakacomplicated nung stages na pagdadaanan nila ang importante ay magiging butterfly sila.

    sabi ng prof ko ang buhay daw parang butterfly lang, “The butterfly is not always beautiful.”

    • sabi ko nung ginawa ko to ang tanging makakarelate nito ay ikaw kuya pong…hahaha

      diba ang sayang pag-aralan?..hahaha

      yeah! the butterfly is not always beautiful but it always aspire to be beautiful.

  5. un ang masaklap, pagkatapos ng masusing pag-iingat at pag-aalaga mamatay lang pala sya… nakakalungkot, parang ung buo entry mo pagkatapos mong ibigay ang pagmamahal ay bigla lang mawawala… haizt…

    • hmmm, ganun talaga ang buhay ella, di natin mapipilit ang lahat ng bagay na mapupunta satin.. pero ang higit na mahalaga may natutunan tayo sa bawat nangyari.

      sorry naman if malungkot ang inabutan mong entry… hindi malungkot ang “BUO”..andun parin ang pag-asa di yon mawawala, promise! kasi si aninipot ay naniniwala na may oras ang lahat..may taong nakatakda para satin at sa huli… matututo tayong pahalagahan ang mga simpleng sandali dahil yon pala ang higit na nagpapatatag satin.

      • pasok sa banga ang sinabi mo aninipot…
        naniniwala ako na lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may rason, hindi mo man makita ngayon dadating ang panahon na malalaman mo din, ang pagpaparaya ay isa lamang patunay na tunay kang nagmahal… mabuhay ka!

        ella talaga, shyness naman akech… (ehehe)

  6. ang cute!
    ang gusto ko ata alagaan eh ipis.
    exciting ang ipis.
    dahil noong elementary ako pinaghuli naman kami ng ipis kasi assignment namin.
    nakatakas sa iskul. iyak ang bata eh kasi naman wala na akong assignment.

    pero basta gusto ko itry ang ipis.
    hindi naman siguro ‘yon madaling mamatay…

    at saka malay natin baka pwede silang turuan…
    tipong Up o kaya Sleep o kaya Fetch
    parang aso ba…

    baka sumikat…
    mag-aartista si ipis.
    at ayos! yayaman na ako!
    wooooooooo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s