tadhanang walang laban

Standard

Minsan may mga panahong kahit ayaw mong makorner sa isang sitwasyong ni sa hinagap ay di mo maiisip na pagdadaraanan, wala kang magagawa kundi harapin, pag tadhana na ang gumawa ng paraan para isayaw mo ang isang tugtog na iniiwasan.. madalas unang reaksyon ay makipagpatintero pa kung mahuhuli ka ba nya o makakahanap ka nang ibang daan para di mahagip ng kanyang uber liksing galaw.

Pag ganun, madalas hinihiling nalang natin na sanay imahinasyon na lang ang magpapagalaw ng lahat, na sana may isang anghel na tutulong para biglang maglaho, na sana di ka nalang tao..o di kaya ikaw ay isang super galing na super hero.

Masarap isipin na ang isang sitwasyon ay kayang paikotin sa galaw ng mga daliri, na hawak mo ang mga pangyayari pero pag ang lahat ay lumihis na sa mga kanya-kanya nating nota, wala na… pati sarili mo di mo narin alam ano ang tamang timpla.

Tulad din yang nga mga pumapag-ibig, may nag-iiwasan, may dumededma at meron ding naghahabol.. damubs kung damubs kako nga ng iba, pero magpilitan man tayo o kaya sadyain mang padala sa hanging dala nito, di parin natin madidiktahan ang puso ng tao. Eto na yata ang pinaka-kumplikadong salita na nakilala ko.. PAG-IBIG.

Kahit anong pilit, kahit anong hila..WALA, pag tinamaan walang kawala.

Kanya-kanya tayo nang paraan paano harapin ito, isarado man ang lahat ng pintuan at bintana, wala parin tayong magagawa… para itong hangin, lulusot at lulusot parin, yon nga lang di rin maiwasang di ito katakutan… madami ang di nakilala ang sarili pag natikman na ang tamis nito at marami din ang nakakalimutan ang halaga ng sarili pag nasubukan ang pait nito… isang maliit na apdo na pag pumutok buong sistema mo papait… di man magdidilim pero ang mantsa ay makikita sa agos ng luha..sa pait ng salita at sa pilit na ngiting pinapakawala.

Pero masarap paring umibig, kahit simpleng ngiti kayang tabunan ang masasakit na sandali, masarap paring maglakad ng palutang kahit walang kasigurohan at masarap maging tulad ng ulan, ang walang takot na pagkahulog sa isang sitwasyon di mo alam ano ang patutungohan, kung maisasama ka ba sa daloy ng may kaligayahan o kabaliktaran…. Ang higit na mahalaga ang puso mo di nagsasawang magbigay ng di kaya ng iba…dahil simple man ang meron ka, mamahalin ka kung ano ka, nang buong pagpapahalaga.

_________________________________________________________

para to sa pasiklaban ni kuya kulisap..bahala na kayo pano intindihin yang pinag-susulat ko…hahahaha

Advertisements

90 responses »

  1. Ito ang laman ng iyong puso at isip sa ngayon, habang pinapanday ng panahon ang iyong pananaw at ang kusang pagbukadkad ng iyong puso, ibang musika naman pero lahat ay nakatuon sa PAG-IBIG. Hindi ito namamatay, nagdadamit lamang ng iba.

    Princess, I love you.

    • love you too kuya.

      sabi ko nga sayo..ideolostikong pananaw lang ang meron ako…

      ayoko pang haluan ng pait ang mga salitang ginagamit ko, sana pagdating ng panahon may magbago man…andun parin ang pananaw ng isang aninipot.

  2. Pabisita Aninipot. Ang pag-ibig nga naman…pero ang ganda ng iyong sinabi:

    —“Ang higit na mahalaga ang puso mo di nagsasawang magbigay ng di kaya ng iba…dahil simple man ang meron ka, mamahalin ka kung ano ka, nang buong pagpapahalaga.”

  3. ani : lahat tayo ay umibig, nasaktan, umibig muli at nasaktan ulit, subalit hindi dito magtatapos ang buhay pag-ibig naitn.. dahil ang lahat ay nagsisimula sa pag-ibig…

  4. ang alam ko din, ang pag-ibig ang nkakapagpa umpisa sa isang bagay na patapos na.

    nen, akin na lang yung isang draft mo. haha
    ingat mamaya ha. 😉

    (pero ha sapol ako sa entry mo)

  5. bakit wala akong masabi..uhm, wag na nga lang….
    ate pot …dalawang bagay lamang:

    Una:meron tayong choice kung iiwas tayo sa pag ibig ohaharapin natin ito
    Pangalawa: binibigyan tayo nang chance para umibig at ibigan.

    toinks! tama ba…hahaha

    • tama ka aj.. komplikado nga…pero di ko nahahayaan guluhin ang sarili ko…

      sabi ko nga simpleng pagmamahal lang ang alam ko.. at yon lang ang kaya kung ibigay…

      hahaha.

  6. wala ng pinakamasayang oras sa mundo kung hindi ang makita mo ang sarili mong sumusubok magmahal sa taong walang kasiguraduhan…

    ang pag ibig ay isang sugal…

    magandang lahaok.

    • wow.. your back romeo..natatandan parin kita…hahaha

      sugal nga..pero kung alam ng tao na wala kang laban bakit mo pa susubukan?.. alam namang talo sa huli… maghanap ng bagong pakontest tulad ng kay kulisap…lahat pantay-pantay..at lahat may laban..hehehe

  7. ahahaha nice one..

    talagang kahit isarado mo lahat ng pintuan.. yang pag-ibig na yan hahanap at hahanap pa rin ng mapapasukan hahayzzz pag-ibig nga naman..

    padaan anii 😉

  8. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  9. korek check tama! kahit anong gawin mong iwas kapag para sayo na para sayo na… sabi nga nila ang pag-ibig di minamadali, may tamang oras at panahon yan na kahit ayaw mong papasukin gagawa at gagawa yan ng paraan…

  10. naalala ko dito ang mga sipi sa florante at laura
    pwedeng awitin, itula, at isayaw
    ang mahalaga, ang pag-ibig na mayroon tayo ay may common ground, ang puso at ang bawat pintig nito.

    be blessed po waling anini!

  11. wow napahanga ako sa post po,,
    pag-ibig nga naman,,kung sino gusto mo ayaw sa iyo tapos meron naman taong mamahalin tau ng buong buo nag iinarte naman hehehe,,
    pag-ibig isang simpleng salita pero may kumplikadong mahikang dulot at pait sa ating buhay~~

  12. naniniwala akong ang makakapareha mo habang buhay, hindi mo kelangang hintayin. kusang darating ‘yan sa takdang panahon.

    ang lalim ng pag-ibig post mo, aninipot. mukang may pinaghuhugutan. 😀

  13. Ang higit na mahalaga ang puso mo di nagsasawang magbigay ng di kaya ng iba…dahil simple man ang meron ka, mamahalin ka kung ano ka, nang buong pagpapahalaga.

    <<< akala ko ba wala ka pang alam sa mga ganito? hahaha. galing nito ani. gusto ko ung linya mo na ito.

  14. ang pag ibig talaga walang normal o payak na kahulugan. ang magiging kahulugan nito ay resulta ng dalawang taong nagmamahalan 🙂

    hi ate ani ko sensya na po hah medyo busy busy, eto medyo maluwag kaya konteng update at dalaw.

    miss you ate ani ko

    • tama! sabi nga nang mga nabasa ko sa kung saan-saan, walang eksaktong salita o depinasyon ang pag-ibig..mas madalas kelangan pakiraamdam nalang ang mag-uusap.

      missed you din liitle hamster ko, pareho tayo busy-busyhan.

  15. katulad ni cheese,kapag andito ko sa blog mo,nawawalan ng kabuluhan ang pwede kong sabihin.

    pero hindi,ikaw si tinkerbell…alam mo ang kahulugan ng magic.i-relate mo lang yun sa pag ibig mo at yun na yun.pero katulad ng lahat ng magic,minsan,kulang ang magical dust.minsan,nababali ang magic wand.minsan,nalalagasan ng pakpak ang aninipot.

    pero sapat na lagi ang minsan.dahil minsan,maaari ring walang katapusan…

    katulad ng pwede kong sabihin na walang katuturan.

    bow.

  16. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    hindi adik si ani ngayon. hehehe. may flow yung entry. labya anini!

  17. Pingback: pssssst..papansin lang. « Siamea

  18. hello, nasabi ko na sa’yo sa email ang pwede mong itawag sa ‘kin. 😀

    malinaw itong post mo. naranasan mo na ata ang malagay sa pader, ah? tapos, wala kang laban, ahihi…

    walaaa…. feel na feel ng ale, haha. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s