pinalitan ko ang title..wala lang…wa pakels!

Standard

Sa sanlibutang may kanya-kanyang mithiin, lahat may sariling oras na sinusunod, panahong ibinukod, batas na pinapatakbo at may prinsipyong ayaw isuko.

Ang pagmamahal sa sarili ay pwedeng idaan sa pananahaimik, ipaglaban ang hinahangad at pwede ring mabigo dahil sa desisyong isinuko, marami ang mata na nakatutok para manghusga, nasa bawat isa lang kung paano ito dadalhin. Kung kayang sumayaw sa ilaw na itinutok o magpagapi sa musikang ibinulong sa likod. Kung ang sarili ay naipatong sa pedestal na paniniwala, mag-ingat dahil ganun din ang katumbas pag ito’y naibaba sa lupa.

Ang puso mo ba ay kaya ng mabigo?

Dahil ang sukatan ng totoong pag-ibig ay pag-inda sa sakit, paglunok sa tinatagong kahinaan at ang pagsuko sa lakas na inipon ng kabuoan.

Pag-ibig ang syang humubog sa tao, ang dahilan bakit may natitirang pag-asa ang nalugmok na mamamayan at ang dahilan bakit may tumatayo dahil sa kahirapan. Ngunit pag-ibig din ang dahilan bakit lahat tayo dumadaan sa isang kabiguan.

Kakambal ng ngiti ang luha, kakambal ng saya ang lungkot at kakambal ng pagkadurog ang pagiging buo.

Bawat tao may sariling konsepto , paraan ng paghayag at kanya-kanyang landas sa paghahanap ng tamang daan patungo sa tawag ng pag-ibig.

Ngunit minsan sa layo ng tinatanaw natin, lumagpas na pala tayo, minsan hawak na nga ang manibela di pa nakikita.

Mapaglinlang ang mithiin ng tao, masyadong mataas na minsan ang mga simpleng bagay at sandali na dapat pagtuonan ng pansin ay binabalewala, saka pa malalaman kung wala na.

Di ko masasabing may perpekto o dalisay na pag-ibig na kayang ibigay ng tao… di ko rin alam kung totoo nga na may mahikang dala ang pag-ibig, dahil ang tanging alam ko na pag nagmahal ito ay tinatawag na simpleng pag-ibig.

Simpleng pag-ibig na dati ng nakatago sa bawat puso, bawat karanasan ay nagpapatibay para hatakin at ipakitang may kanya-kanyang paraan ang tao sa pagtuklas sa misteryo nito para palayain at maibahagi sa iba at sa karapat-dapat na kambal ng pintig nito.

______________________________________________________________
pag-ibig na naman?..hehehe, eto ang orihinal na ginawa ko para sa pakontest ni kuya kulisap, o ha! adik lang..tapos nagbago ang isip at tumipa ulit… dahil andito narin lang sya sa draft section..bakit di ko i-poposte diba?..

pero ang totoo, tinatamad akong mag-update, tinatamad na akong magkwento, kahit nga magtxt di ko na yata magawa..kulang ako sa pahinga.. at gusto kong matulog ng matulog nalang..bow!

Advertisements

17 responses »

    • Pasensya ka na ani, alam mong nagsasabi ako ng totoo at hindi nagpapaduday pa.. tinamad akong basahin. 😦 Katulad mo tinatamad din ako nitong mga huling araw, sabi ko nga sa isang kaibigan kailangan siguro na akong mag-vitamis kasi lagi akong puyat, pagod at walang pahinga. Kulang sa enery, kulang sa life.

      Ang dami kong nasabi.

  1. tapad ta nen?..

    ako din nitatamad na.
    antsaket ng balakang ko.
    buti na lang, yung puso ko…

    …ehem. este nagustuhan ito.>> “Kakambal ng ngiti ang luha, kakambal ng saya ang lungkot at kakambal ng pagkadurog ang pagiging buo.”

    tara, sleep na tayo.

  2. tag-tamad din ako. kanina nga di ako nagising ng maaga, itinulog ko na lang ulit. ayun nag-hald day tuloy ako, tas ung half day ko late pa. gusto ko mahiga lang.

  3. kahapon ko pa nabasa ito waling anini
    tapos napasandal din ako sa upuan ko kasi may 2nd version din ako
    yung hindi court trial version
    Pag-ibig na tagala ang word na ginamit ko instead of “AKO”

    “Simpleng pag-ibig na dati ng nakatago sa bawat puso, bawat karanasan ay nagpapatibay para hatakin at ipakitang may kanya-kanyang paraan ang tao sa pagtuklas sa misteryo nito para palayain at maibahagi sa iba at sa karapat-dapat na kambal ng pintig nito.”

    Ang pag-ibig ay simple lang at nasabi ko nga may common point lahat tayo ang puso at ang mga pintig nito at nagkakatalo lamang kung ano ang pinipintig ng ating puso, simple ba o kumplikadong tibok?

    • tama ka kuya… common point nga ang puso at pintig nito, nasa satin pano sasabayan ang bawat tibok nito.

      magandang araw kuya mizpah! namiss kung tawagin kita sa ganitong name. πŸ™‚

  4. Baket hindi tayo nagkakasabay ng trip Ani? Tinatamad ako ako nahahyper. Pag ibig ang post mo ako bastos.

    Lika rito sa maynila dadalhin kita sa nude girls bar. Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s