ang di matigil na pagnanasa ng tao sa kasigorohan

Standard

Minsan ang maliliit na usapan , di natin a-akalaing yon pa pala ang kapupulutan ng aral, tulad kahapon, simpleng palitan ng salita, mga reklamo sa buhay mag-asawa ng ka-opisina..dahil dalawa lang kaming matuturing na soltero at soltera, tahimik lang kaming nakikinig.

Pero biglang humirit si kuya soltero, sabi lang naman “why is it that humans always ask for something that we can’t have? why is it that we can’t be contented on what we have right now?”…

At lahat kami napaisip.

sa totoo lang kung susumahin, dalawang bagay lang naman ang kelangan ng tao para mabuhay.

Una, FOOD… di kayang mabuhay ng tao kung walang pagkain, kung tatanungin mo ko bakit nauso pa na kumain ang tao? Pasensya dahil di kita masasagot dahil ako mismo mamatay na walang pagkain.. alam kung alam mo ang sagot, wag kang paka-ipokrito na di mo alam dahil kahit sanggol iiyak pag walang laman ang tiyan.

Pangalawa, RELATIONSHIP…. It comprises love and everything that humans ask for such as affection and other terms synonymous for love. Eto yong nag-papagalaw satin, ang dahilan bakit may nagsisikap para makakain, para matanggap, dahil di pwedeng mabuhay ang tao na walang kasama, na walang kausap. Totoo diba?..yan din ang dahilan bakit tayo nagkalat sa mundong eto, para di maumay at maburyong kakupo sa opisina..see? kahit sa mga simpleng sandali naghahanap tayo ng kaparehong tao nangagailangan ng presensya natin.

Ang punto de bista lang naman ng posteng ito ay sabihing napakaswerte mo, napakswerte ko at napakswerte pa nating lahat na may kinakain tayo, may taong nagpapahalaga satin… bakit? Dahil may ibang bansa na di man lang naranasan kumain ng matino, di naranasan ang tahimik na buhay…. Baka kako di mo alam, sa HAITI kumakain na sila ng “BAKED MUD”, sa SUDAN araw-araw lugaw lang ang naibibigay sa kanila dahil sa dami nila, yon lang ang kaya para masustain ang survival nila, maswerte pa sila dahil pagkain pa yon kesa putik ang laman ng tiyan.

Sa paghahanap ng tao ng higit sa meron sya, di natin nakikita ang kahalagahan ng simpleng meron tayo, kahit nga ngiti minsan di mo na nakikita ang halaga, pero pano pag nasa kalagayan ka ng mga tao sa bansang sinabi ko sa taas, may halaga pa nga ba ang ngiti? Kung araw-araw ang tanging nasa-isip ay makakain para mairaos ang araw na to?

Kaya anuman ang nararamdaman mo, maswerte parin tayo, lalo na pag nabasa mo pa eto, ibig sabihin sobra ang meron ka dahil may pang-internet ka, at naka-upo ka lang at naghahanap ng matinong mabasa.

CIAO, baby!..mwuah!

Advertisements

19 responses »

  1. Bakit hindi mo ako sinabihang may bago ka palang post? LAGI mo akong sinasabihan ngayon lang hindi. Ang swerte ko naman nabasa ko ito. =)

    (Alam mong taeng koment ito. HAhahaha!)

  2. nabasa ko na. ayos. actually di mo na kailangan umalis pa sa ibang bansa para tignan ang kalagayan nila. sa pilipinas nalang makikita mo nalang na dapat may gawin tayo hindi lang ang gobyerno. We are all created by GOD for simple reason. WE SHOULD LOVE GOD AND LOVE OTHER PEOPLE. Tama ka po na FOOD and RELATIONSHIP is a vital part to survive pero nakalimutan na natin ang tunay na kailangan natin which is si GOD. Di ka lang tayo kulang sa pagkain physical pati spiritual din kulang tayo. CIAO. GANDA NITO.

    Sabi nga “IF YOU PUT GOD FIRST ALL THESE THINGS SHALL BE ADDDED UNTO YOU ASWELL.”

  3. maraming tao ang di naninigarilyo, kaya pag ako nagyosi, sinisimot ko talaga.

    ok, joke lang un.

    magandang point, anini. walang contentment ang karamihan sa atin. di na lang magpasalamat sa kung anong meron tayo. di ba nila naisip, un ibang tao, walang nobyo/nobya… samantalang yun iba, nangangalunya pa. sayang ang pag-ibig. sayang ang tite. akin na lang. taeng comment to, sabi nga ni salbe. hahahaha

  4. ok na ok ang reflection mo. pero shempre natigilan ako sa dulo. dahil maswerte ako at nakaupo ako’t may panginternet ako…nakaupo lang at naghahanap ng matinong mababasa. shempre. itong nabasa ko ay matino. hehehe.

    matino naman talaga. 🙂

    kaya dapat nga we always count our blessings. 🙂

  5. actually friend, pansin mong mejo lielow na ko lately sa nga-eemote kasi narealize ko madaming bagay pa rin tayong dapat ipagpasalamat.. sa araw araw na ginawa ni Lord, I’ll assure u, hindi bababa sa lima ang mga blessings na natatanggap natin na dapat nating ipagpasalamat sa kanya..yan ang ginagawa ko lately.. bigla ko lang naalala yung sinabi nung bishop na nagfacilitate nung nagretreat kami, when feeling down, try to list at least 5 blessings you receive every day..and give thanks to that blessings at totoo nga,

    • kaya nga nakakahiyang mag-emo sa totoo lang kasi sobrang blessed ako, sa family pa lang plus friends..

      kaya ngayon..susubukan ko nang wag maging nega… itatry ko talaga promise!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s