hotaro

Standard

ang galaw ng daliri sa pagtipa minsan di mo na malalaman kung isip mo pa ang nagpapagalaw nito, ikaw nga ba o ang isang katauhan mo, oo dalawa ang katauhan ko, nilikha ang isa, at ang isa ay ako.

si aninipot na lumilipad at si hotaro na nabubuhay sa reyalidad.

masarap mabuhay sa pantasya lalo na pag lumilipad ka, lutang…. lumulutang sa kadiliman, dahil dala ang ilaw di takot lagpasan ang mundong hinabi sa imahinasyon.

ang isa nalunod sa reyalidad, natatakot lumampas sa limitasyon dahil alam nya ang importansya ng konsiderasyon, malawak ang mundong ginagalawan pero maliit lang ang pinupuntahan.. dahil di nya pa kayang lumipad, andun pa ang takot na mawala at malugmok sa kadiliman.

aninipot, pwede bang hiramin ni hotaro ang lakas ng yong loob?, pwede bang pansamantalang pahiramin mo sya ng yong mga pakpak?… malay mo matututo sya.

aninipot, ibalato mo nalang ang tawa mo kay hotaro, na sana pag-uwi nya andun palage ang ngiti sa labi, na sana bago ipikit ang mga mata, ilaw mo ang makikita.

bukas pagmulat ng mga mata pakiusap sana kayong dalawa ay mapag-isa.

———————————————————————————

soulmate, help!..lukring na naman ako oh!
pero alam ko maiintindihan mo ko diba?
pareho tayo kaya wag nang magreklamo.
pag nabasa mo to, pakibatok na lang ako.
sampal na salita pala kelangan ko..
wala lang.. may sign na dumating.
tuloy ko na pangarap ko.
balik na ang dating hotaro, promise!
last na to, pag naulit ulit, huling beses ulit!
hahahaha

Advertisements

16 responses »

  1. matagal tagal din akong hindi nakapag internet ngayon ko lang nabasa to..ay naku friend, panong batok ba gusto mo? sabihin ko sayo na tigilan mo na yan, masyado tayong maganda para pagtuunan ng pansin ang isang lalaki na di naman worth pag tuunan ng pansin? Alam ko namang alam mo na yan eh kasi lagi mo din sinasabi sa akin yan..gaya ng lagi kong sinasabi sayo, nakatawa kasi paikot ikot lang talga tayo ng mga kadramahan sa buhay,..baka nga kulang lang talaga tayo ng face to face interaction with true human friends…sana talaga matuloy ang napipintong bonding moment natin at dun magbabatukan tayo for sure!

    • wahahaha, di mo ko mababatukan, dahil ibebenta kita sa surigao..
      pero, naexplain ko na sayo to diba… ayan! quiet na ko ulit..hahahaha

      mag-aral na nga ulit tayo… hahahaha,

  2. Ano yung sign na yun? Naguguluhan ka ba waling anini?
    Tuloy lang ang pangarap ha.
    Be blessed!

    P.S. To be updated nga pala yung I FAN THEM ko sa blog, kasama ka dun hindi lang ako makapasok sa blog ko, blocked na yata ng ITA dito sa ospital huhuhuhu
    be blessed!

  3. Ani, masyado ka na atang nalalapit saken at nahahawa ka na pati sa pagdami ng pagkatao! Haha.

    Masarap lumipad at mabuhay sa pangarap, pero minsan naiisip ko ren ang sarap ng feeling na pag may nakuha ka sa kabila ng kaimposiblehan ng mundong aakalain mong mas masaya pag lumulutang ka eh kaya mo paren pala makuha ang mga trip mo. šŸ™‚

    Hotaro. Naiisip ko gabi. As in Taro. Haha.

    • wahahaha, kelangan ko na bang lumayo sayo vajee para maging normal ako?..hahaha

      korek! isang malaking achievement ang pagkuha sa isang imposibleng pangarap, kay trip lang ng trip..hahahaha

      hotaro as in aninipot at alitaptap..pareho lang..hahaha

  4. hello ! xD

    sa isang banda, ako ba si soulmate? haha biro lang.
    pero hetong sa ‘yo *supermeyga batok*
    hihi ^^

    gusto ko nga pala yung paraan mo ng pagsulat šŸ™‚
    ingat! kaya mo yan xD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s