oil pastel

Standard

kahapon, habang naglalakad-lakad sa pinakamalapit na mall, bigla akong napunta dun sa mga school supplies, di ko alam kung bakit tapos bigla akong nakakita ng oil pastel, may gayuma yata ito kasi hinatak talaga ako palapit. wala nagpadala ako..kumuha ako ng isa saka naghanap ng bond papers na 50 sheets lang saka diretso sa counter…walastik..ganyan ako ka impulsive buyer…hahaha

pero sa totoo lang nung unang linggo pa ako naghahanap ng pang kulay na to, medyo matagal narin akong di nakahawak nito, first year college during humanities class… oo nagdadrawing ako, dati nung nasa elementarya at hayscul, pero di magaling… napipilitan lang akong galingan dahil sa kuya ko, yon sigoro ang mangyayari pag naging anino ka ng magaling na kuya.. kahit wala kang talent kelangan mong mag-magaling kasi nasa lahi daw..toinks lang…

pero dahil nga tinamaan ako ng hanging puti, nakahanap ako ng bagong pagkaka-abalahan…ayan, yan ang resulta ng pagkuskos ng oil pastel…

nagpaparaktis pa ako kaya wag okrayin… ang mang-ookray, ipapakulam ko!..wahahahaha

paru-parong di naligaw..tsaraaan!!!!!

eto pa… mangroves yan… dyan kasi madalas nakikita ang mga aninipot, bagong tanim kaya maliliit…hehehehe

sya nga pala..di daw dapat nag-eexplain ang artist sa gawa nya..kaya bahala ka na…. anyeong!!!!

Advertisements

33 responses »

    • Biruin mo yun, nakakapagbase pa ako. =) At nagbasa. Natutuwa ako Aninipot, dati ka na bang impulsive? Ganyan din ako. Kaya ayaw ko pumupunta sa mall kaso ano naman magagawa ko yung sakayan ko pauwi katabi ng mall. Parusa.

      Ngayon lang ako naniwala na wala talaga sa pamilya ang talent. Hahaha! Joke lang. Natutuwa din ako kasi nakahanap ka ng pagkakaabalahan, sana sa susunod canvas na ang impulsive buy mo. Ipagpatuloy mo ito, magaling. Kilala mo si Marc Chagall? Google, google… may pagkakahawig kayong magdrawing. Magaling!

      Isa pang natutuwa ako dahil ang tae mo na! Hahahahaha!

      • hmmm, nagiging impulsive buyer lang ako pag may isa akong bagay na gustong-gusto talaga at impulsive din pala ako pagdating sa libro…yong iba nako-control ko naman..

        haha, masaya pala pag binalikan mo yong dating ginagawa, dati pagdating ng 8 pm..tulog na ko..ngayon inaabot ako ng eleven dahil lang sa pagkus-kos ng pastel na yan..wahahahaha

        nag-google nga ako..wahahaha, namalikmata ka lang yata salbe… iba ang mga paintings ni Marc Chagall….malayo..

        wahaha, taeng-tae na..

    • kuya, 4 years din yata akong di humawak ng oil pastel..at nagpapraktis pa lang ako ok… una kong mga gawa yan..kaya normal na maraming flaws..hehehe, sa susunod medyo maganda na.

    • haha, di ko alam…

      kaya lang naman bulaklak ang isa sa drawing ko dahil mas madali silang gagawin kahit walang outline..at kung anu-ano pang ka ek-ekan..ok…

  1. Yan ang hindi ko kayang gawin, ang magkaroon ng hugis, yong totoong hugis na nakikita at hinahawakan ng mata para ilapat bilang sining.

    Kaya kadalasan Abstract ang aking birada. Pampraning lang

  2. Mas maganda sana kung ako ang dinrowing mo Ani.

    Saka teka, hindi ba mahirap magdrawing gamet ang oil pastel? Taragis. May lahing artist ka pala eh. Magpalahi ka na! 😀

    • wahahaha, vajee pano kita i-dodrowing?..yong mga stick-stickan?

      hmmm, sa part ko mas madaling gumamit ng oil pastel, mas madaling mag-mix ng color.

      wahahaha, mga kapatid ko nalang ang magsabog ng lahi nila mas magagaling yon sa art…wag na ako..

  3. hangganda naman
    nagdrawing din kami sa humanities sa mga vase
    nakipartner ako sa magaling magdrawing ahahah

    next time naman idrawing mo kaming taga sambablog base sa iyong imahinasyon
    heksayting yun

    be blessed waling anini

  4. maisip isip ka naman tlga. hahaha
    gusto ko ung pangalawa, pero ung kulay ng ulap… hmmmm… hahaha! wala kong alam sa drawing. maliban na lang sa mga linya-linya. napilitan lang ako dahil sa drawing subjects. 😀

    • hoy tapa! wag mong okrayin yang drowing ko…ha! ha! ha!

      yang clouds, ganyan ang kulay nyan pag sunset..hehehe
      at di nga pala nag-eexplaain ang artist sa mga gawa nya kaya bahala ka…haha

  5. eto pala yun. naks! nemen. ganda ng kulay nen.
    yung pangalawa, medyo dramatic, may sunset epeks eh.
    wala akong nakikitang bagay na mai-ukray sa gawa mo.
    ang alam ko kasi, kapag ginawa ang isang artwork na masaya ka at galing sa puso, obra maestra mo na yun. 😉

    heb e neys dey nen!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s