tama o mali?

Standard

nakakalungkot isipin na sa isang maliit na parte ng pilipinas may mga tao na namang napilitan lisanin ang kanilang mga tahanan. dahil lang sa labanan kung sino ang tama at mali..

ano nga ba ang tama? yong nasa kanan dahil sinusunod nila ang batas na ginawa na para daw sa karamihan o yong nasa kaliwa na nasa mata ang katotohanan?

alin ang mas matimbang, ang ipaglaban ang tama dahil yon ang dikta ng propesyong ginagampanan o ang isa na ang pinaglalaban ay ang respeto at prinsipyong hinahawakan?

sa mga taong may pang-unawa, may kanya-kanyang opinyon na sinasabi, may nagbibigay ng opinyon dahil yon ang nakikita at naririnig, at meron ding nagbibigay ng boses dahil mas higit ang pang-unawa sa sitwasyon kesa sa mga nakikita lamang ng mga mata.

marami satin ang nagbibigay boses kung giyera na ang pinag-uusapan, tama! lahat tayo ayaw nito, dahil alam natin na walang panalo sa labanang baril ang naghuhusga, pero sino satin ang may karapatang magsalita na mali ang pinaglalaban ng kanya-kanyang panig.

paumanhin kung mas bibigyan ko ng boses ang nasa kaliwa.

lumaki ako sa probinsya, nasaksihan ko ang lungkot, takot at tulirong mukha nang mga taong napilitang lisanin ang tahanan at ang ikinabubuhay… mga mukhang nawalan ng pag-asa… kung ikaw nasa katayuan ko, ano ang iisipin mo?

mas madaling maniwala sa mga pinapalabas sa telebisyon, sa naririnig sa radyo o kaya sa mga nababasa sa dyaryo. mas madaling paniwalaan ang mga nakikita dahil di natin naranasan ang sitwasyong kinasusuongan nila. tayo bilang mga taong pwedeng sabihing edukado dahil naabot natin ang antas na makapag-aral sa mga unibersidad pero nauunawaan nga ba natin sila?

kung ikaw ay di man lang nabigyan ng tyansang makapag-aral, mapalayas sa lupang inugatan ng mga kanuno-an, at maging kabuoan ang salitang dukha, saan ka pupunta?..

kung nasilaw sa kislap ng syudad at umaasang giginhawa ngunit malalaman mo nalang na di ka pwedeng makisama sa mundong meron ang iba..saan ka pupunta?..madaling sabihing kasi di sila nagsikap, pero paano ka magsisikap kung sa simula pa lang wala ka nang lugar, OO may mga nagtatagumpay, at lubos kung hinahangaan ang mga taong iyon pero ilan lang ba sila, isa, dalawa, tatlo?.. di pa yata makukumpleto ang mga daliri sa dalawang kamay ko.. may mga taong di nabibigyan ng likas na talino pero madami ang nabibiyayaan ng pag-unawa sa konsepto ng sariling prinsipyo.. kung halos wala na sayo ang lahat, at may isang taong magpapaunawa sayong may maibabahagi ka, ang prinsipyo mo… anong gagawin mo?

di madali ang maglakbay kung kalahati ng paa mo ay itinuring nang tuwid at malamig.. di madali ang ipaglaban ang isang konseptong kasinliit ng palad mo kumpara sa mundo, pero bakit sila ganito?…dahil may nakikita silang di kayang maunawaan ng lahat.

at lubos kong kinalulungkot na ganito ang sitwasyon ngayon sa bayan na itinuring kung tahanan.

Advertisements

21 responses »

  1. Ang tama lang ay ang base ni Berlim.

    Kapag prinsipyo na ang ipinaglalaban, walang edukasyon o wika ang kayang gumapi. Dugo at pakikipagdigmang maghihiwalay sa katinuan at moral ang usapan.

    • may puntos ka kuya…

      mas madalas madali ang mglabas ng salita kesa gawa… ngunit pag may tumawid sa linyang manipis pa sa pinakamaliit na rattan kadalasan tagilid parin ang laban pero kahanga-hangang madami parin ang sumusubok kasi yon lang ang meron sila ang sukatin ang pagsubok..

      magandang araw kuya!

  2. thank you sa pag open nito
    napanood ko sa tfc ang lingkod kapamilya ni bernadetted sembrano
    nagpunta siya sa mindanao kung saan wala pang kuryente at hindi pa napupuntahan ng media
    at yung place na iyon ay ang lugar kung saan madalas magtunggali ang mga mnlf at milf, pinakita ang mga paaralang sira-sira at iisang guro lang at madami sa kanila ang lumisan dahil sa putukan.

    sa palagay ko sapat na muna ang dasal para sa katahimikan at pagkakaayos diyan. at dasal na maitigil na ito dahil wala naman talagang panalo. talo na ang bawat grupong magkalaban talo ang mga bata at magulang at talo ang pinoy.

    sapat na muna ang dasal ko.
    dasal para sa katiwasayan
    be blessed waling anini

    • sa totoo lang kuya, hindi laang sa lugar kung saan may mga milf at mnlf nangyayari to..pati sa lugar kung saan pareho kayong mga kristyano…

      kahapon, naibalita sakin ng nanay ko na may isang barangay samin na nag-evacuate papuntang poblacion, which isa andun ang bahay namin..kawawa lang talaga ang mga civilian na naaapektuhan…

      pano na yong mga batang nag-aara?..pano na yong mga tanim nila, nakalutaang lang sila, maghihintay keelan matatapos ang gulo sa lugar nila..haays!

  3. polluted na ang utak ng karamihan dahil sa biased na impormasyong binibigay ng media. wala ako sa sitwasyong sinasabi mo kaibigan dahil unang-una , di ko alam kung anong totoong nangyayari. bale, yun na lang mismo ang pinanghahawakan ko para di lubos maniwala sa kanila.

    at tulad ni kuya pong, sa prayers ko na lang din idadaan ang pakiki-simpatya πŸ™‚

    • maraming salamat sa prayer..yon lang naman talaga ang pwedeng magawa nung mga nasa malayo..yon nga lang kelangan din ibukas ang isipan sa sitwasyon…. kasi kapareho din nila tayo.

      maswerte ang di nasubukan ang ganitong sitwasyon.

      magandang araw.

  4. Nakakalungkot. Sa totoong buhay, hindi naman talaga natin makukuha ang kagustuhan ng dalawang panig. We just have to learn to live with it. sad, but true. Napa-English ako. Syet.

    • yon nga salbe..wala tayong choicee kundi mamili.. mahirap tanggapin pero yan ang reyalidad, at kelangan din nating tanggapin na may kanya-kanya tayong panig na pinapakinggan..

      salamat..seryoso ang komento mo… πŸ™‚

  5. Hi Ani. Oo nga wala tayong magawa sa lipunang binalot na ng kasakiman at korupsyon. Ako mismo sa sarili ko gusto ko ng matiwas na buhay yung tipo na kahit saang sulok ka ng mundo ay nagbibigayan, nagdadamayan at masayang nagpapaalon sa agos ng buhay. Yung walang inggitan, walang kanya kanya. Sabi ko nga one time sana kunin nalang niya ako kasi sa HEAVEN alam ko di na ako malulungkot doon. Sigurado.

    • mahirap naman yata yang hiling mo berl… i-enjoy mo muna ang buhay dito sa mundo..di natin alam ang mangyayari sa susunod… saka kahit ganito ang sitwasyon may pag-asa pa namang natitira, at yon dapat ang dahilan natin para wag sumuko.

  6. mabigat ang nilalaman ng artikulong ito.
    hindi ko alam ang pwedeng kong sabihin. pero sa totoo lang nalulungkot ako kasi uuwi na sa Mindanao ang mga pamangkin ko. dun na sila titira. mas payak na pamumuhay… yun daw ang nais ng hipag ko. natatakot ako sa ganyang sitwasyon.

    magandang araw potpot. pasesya na kung ngayon lang ulit nakadalaw. bisi-bisihan lang ako. ingat po lague. miss ko na kayo.

    • hmmmm, kuya anjong hindi buong mindanao ang magulo..maliit na parte lang..yon nga lang nagkataon kung saan yong place namin andun pa nagkagulo, pero sa liblib na baranggay naman nangyari bale sakop pa din ng municipality namin.

      saang parte ba ng mindanao sila pupunta?

      medyo mabigat nga kasi yan naman ang totoo… o baka dahil nabigyan ako ng tyansang makita ang sitwasyong eto..hindi labanan ng musslim at kristyano pero labanan parin ng mga prinsipyo.

      wag mag-alala para sa mga pamangkin.. mas peaceful parin ang mindanao kesa sa maynila..hehehe

  7. eto yung mga katanungan sa buhay na mahirap sagutin… pero kung saang banda ka man papanig, ano desisyon man ang susundin, basta kung saan man dalhin ng kapalaran, patuloy parin ang laban ng buhay…

  8. minsan prinsipyo na lang ang natitira sa atin kaya gagawin natin lahat maitayo lang ito… minsan d na natin naiisip kung sino maapektuhan at masasagasaan haizzz!

  9. Hmmm napaka malaman. dapat seryoso ako. hehe.
    Ang akin lang, minsan kase sa sobrang pagkaprinsipyo na ng mga tao, Ginagawa nila ang mga bagay na ayon sakanila sa kabila ng ilang negatibong dulot nito. At minsan naman dahil sa sobrang edukasyon sa sobrang karunungan na nakukuha nakakagawa na ang ilan ng masama na ganon din, negatibo ang dulot.
    Nakadepende nalang ito sa bawat tao.

    • maay puntos ang sinabi mo batanglate…minsan yon din ang di kayang abutin ng pang-unawa natin pero sino nga ba tayo para husgahan ang mga pinaglalaban nila ddiba?

      magandang araw πŸ™‚

  10. nakaka lungkot dahil ikaw at kayo na mismo ang naapektuhan ng digmaan.sibilyan lagi ang naiipit sa nagbabanggang idelohiya.

    hindi talaga matatapos ang digmaan hanggat may piraso ng patpat at nagkalat na batong pampukol sa daan kasama ng mga taong handang gamitin ito para isulong ang kanilang paniniwala,idelohiya at prinsipyo.higit pa sa karunungan ng tao na hindi batid ng kulang niyang pang unawa ang napaka simpleng bagay na maaari niyang tipunin ang mga patpat at bato upang bumuo ng tahanan na maaari nilang parehong tirahan.

    sadyang nakakalungkot at nangyayari ito sa lahat ng panig ng daigdig.mas nagiging masidhi nga lang ang epekto kapag mga malalapit na sa atin ang naaapektuhan.

    ingat lagi at sumaiyo ang kapayapaan,tinkerbell!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s