Daily Archives: August 26, 2010

all by myself

Standard

isa ako sa mga taong madalas di nagpapakita ng lungkot, piling-pili lang ang nakakakita pag tutulo ang luha, at madalas yong malalayong kaibigan pa ang pinapalabasan nito. pero ngayon aaminin ko, malungkot ako, sigoro dala ng dahilan nang di pagkatuloy ng pagdalaw ng mga magulang ko sa weekend, sinabayan pa na aalis ang dalawa kong housemate pauwi sa kanila, ang isa apat na araw sa Bukidnon at ang isa naman isang linggo sa Maynila.. ako?..naiwan.. tatlong araw na walang kasama ngayong weekend.

sa totoo lang, sanay naman akong nag-iisa pero pag ang sitwasyon ay parang ikaw ang maiiwan, sila ang aalis, ako andito lang.. malungkot…. pero di naman yong lungkot na nakakamatay, lungkot lang na parang gusto mong umuwi agad sa bahay nyo.. at kainin lahat ng gusto… at matulog.

pero di nga lahat ng panahon, aayon satin ang tadhana, pwede akong umuwi pero kelangan ko kaagad bumalik by tuesday may special meeting kaming inorganize.. tapos sayang naman ang Cagay-an Festival..first time kong i-celebrate ito at walang kasama, saklap.. 😦

pero habang tinitipa ko to, napag-isip-isip ko na tinanggal ko na pala ang bitterness sa katawan, tapos na ang stage na yan sa buhay ko… tulad ng dati kahit nag-iisa di ko ipagdadamot ang ngiti ko sa iba, ano ngayon kong mag-isa lang akong manonood ng float parade, ano ngayon kong mag-isa lang akong pupunta para manood ng Pyro Festival… pwede naman akong maging masaya para sa sarili ko.

hingang malalim… ok na ako, promise! nakangiti na 🙂

sa mga oras na walang kasama..magdodrowing nalang ako..hahaha, tulad nito..tsaraaan!

Advertisements