all by myself

Standard

isa ako sa mga taong madalas di nagpapakita ng lungkot, piling-pili lang ang nakakakita pag tutulo ang luha, at madalas yong malalayong kaibigan pa ang pinapalabasan nito. pero ngayon aaminin ko, malungkot ako, sigoro dala ng dahilan nang di pagkatuloy ng pagdalaw ng mga magulang ko sa weekend, sinabayan pa na aalis ang dalawa kong housemate pauwi sa kanila, ang isa apat na araw sa Bukidnon at ang isa naman isang linggo sa Maynila.. ako?..naiwan.. tatlong araw na walang kasama ngayong weekend.

sa totoo lang, sanay naman akong nag-iisa pero pag ang sitwasyon ay parang ikaw ang maiiwan, sila ang aalis, ako andito lang.. malungkot…. pero di naman yong lungkot na nakakamatay, lungkot lang na parang gusto mong umuwi agad sa bahay nyo.. at kainin lahat ng gusto… at matulog.

pero di nga lahat ng panahon, aayon satin ang tadhana, pwede akong umuwi pero kelangan ko kaagad bumalik by tuesday may special meeting kaming inorganize.. tapos sayang naman ang Cagay-an Festival..first time kong i-celebrate ito at walang kasama, saklap.. 😦

pero habang tinitipa ko to, napag-isip-isip ko na tinanggal ko na pala ang bitterness sa katawan, tapos na ang stage na yan sa buhay ko… tulad ng dati kahit nag-iisa di ko ipagdadamot ang ngiti ko sa iba, ano ngayon kong mag-isa lang akong manonood ng float parade, ano ngayon kong mag-isa lang akong pupunta para manood ng Pyro Festival… pwede naman akong maging masaya para sa sarili ko.

hingang malalim… ok na ako, promise! nakangiti na πŸ™‚

sa mga oras na walang kasama..magdodrowing nalang ako..hahaha, tulad nito..tsaraaan!

Advertisements

25 responses »

  1. sabi nga nila, eh mind conditioning lang yang ‘lungkot lungkot mode’.. at di ka nagiisa ha. katabi mo si pastel.

    wag ka magmukmok, lumabas ka at gumala ke mag-isa, keber! enjoy ang festival. keri yan!

    Nen, may concert ata si Juris jan? malay mo maririnig mo na ng live yung peborit mong kanta πŸ˜‰

  2. ate. na-enlighten naman ako dito, ampalaya stage pa kasi ako ngayon.
    at dahil sa post mong ‘to susubukan kong ibahagi ang malaki kong ngiti sa ibang tao, kelangan positibo lang. uyea ! itong ishmayl por youuu ^_______________________^

    • wow laking smile ah! πŸ˜€

      mas maganda parin talaga ang maging postibo, at itapon lahat ng mga amapalaya na emosyon, pag masaya ka, magiging positibo din ang paligid mo…

  3. bigla ko tuloy namiss sila mama, haiiiii…
    hanap ka nalang ng mapagkaka-abalahan, yung magiging produktibo ka. πŸ˜€
    sa wakas nakapagbloghop na din. Sabi nga ni momy kaye istorbo sa pagblo-bloghop ang trabaho.ehehe.. πŸ˜€

    • oo, nakahanap na ko ng gagawin… ayon, nakikigulo sa preparation nung kasal ng friend ko..

      hahaha, korek! istorbo talaga ang trabaho sa bloghopping..hehehe

      πŸ˜€

  4. sana blue moon na lang ang pamagat nung artwork.

    yep,maganda…paganda ng paganda.nakukuha mo na yung signature stroke mo sa pastel.i think malapit ka nang maging national artist kahilera nila mang kulas at aling uping.

    huwag ka na malungkot….hula ko…ang next post mo ay tungkol naman sa pagiging masaya mo.posibleng tungkol sa kaibigang ikakasal?

    yan eh hula ko lang naman.

    hahhaaaaaaaaa!!!stuck up ang ‘AAAAA’?!

    • wahaha, ewan ko sa yo kapitan hook!

      wala pang pamagat yan..ok, bluemoon na.
      wahahaha, super bilib mo naman yata kay tinkerbell, pero i-mamagic ko nalang yan..tsaraaan!..hehehe

      di na ko malungkot..saka bridesmaid ako sa kasal ni mr. B….hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s