adventure and mis adventure on mt. hibok-hibok

Standard

ang huling totoong mountain climbing adventure ko ay taong 2007 pa, sa mt. hibok-hibok sa Camiguin island, wala sa plano ang pag-akyat isang biglaang desisyon lang ng prof. namin, since andun narin lang kami bakit daw di isama sa pag conquer ang pinakamataas ng parte ng camiguin..inikot namin lahat ng tourist spot, at saan ang kadalasan samin nakasakay habang iniikot eto?..hulaan mo muna..hehehe, nasa topload ng dyip…mga adik lahat.. mas masaya promise! yon nga lang lahat kayo masusunog sa init ng araw.

ang problema, umakyat kami ng walang paghahanda, mahirap sa parte ko, sanay akong maglakad kahit maghapon pero hindi sa lakaran na halos 90 degreess ang terrain, pero dahil mayayabang kami ayon, walang atrasan.

isa sa mga kakalase ko ang nagtanong sa guide namin kung ilang oras ang aabutin pag inakyat, medyo mataas narin kasi more or less around 1,300 meter above sea level. sagot ng guide mga 5 hours daw ang aabutin dahil mga estudyante kami… weeh! nahamon ang mga kasama ko, di kasi alam ng guide na mostly mga halos propesyonal na tag-akyat ng bundok talaga ang mga classmate namin, hindi lahat pero halos kalahati..at dahil nga mga mayayabang na estudyanteng manggugubat, nakipag-pustahan ang mga kasama ko na lahat kami makaka-akyat in less than 3 hours..waaah! ang nasa isip ko,gusto kong sapakin yong mga kasama ko..napressure ako, halos kaming lahat na mga babae, pero sabi nila kaya, ang mga babaeng kasama namin mga lalaki yan, di lang halata! mga pasaway talaga!

ayon! armado ng tig-isang litro ng tubig at pang-agahan, di kami kumain kasi kinapos sa oras, sa tuktok nalang daw kumain, ako may extra na tsokolate, automatic na may dala ako kahit saang bundok pa mapunta.

ang sabi alas kwatro dapat andun na kami sa meeting place pero alas-singko na ng umaga nagsimula sa paglalakad…. unang phase, wala lang, ordinaryong paglalakad, kantahan tawanan at kantyawan kung sinong grupo ang mauunang maka-abot sa tuktok, pero my golly sa kalahati, mga batong malalaki ang nakaharap, di yata mountain climbing ang gagawin namin, rock climbing na eto..hahaha

pero pagdating namin sa pangalawang phase..dalawang babae ang umayaw, ayaw na, pagod na… safe naman daw na dun sila sabi ng guide na dun lang sila maghintay kaya ok lang..tuloy ang grupo..nalagasan kami ng dalawa.. bale tatlumpo’t dalawa kami, sampung babae at dalawampu’t dalawang lalake… di kasama ang guide at prof. namin.

view on the other side of hibok-hibok

sa ikalawang parte..kanya-kanya na kami, sabi nung guide, sariling pace ang susundan, wag magmadali, pero dyos ko po, nakipagpustahan kami, target namin di aabot sa tatlong oras andun lahat…. kanya-kanyang titigan sa mga kasamahan, kahit isa walang magpapatalo, kahit ako ayaw ko ding matalo sa bet.. tuloy ang pag-akyat, medyo foggy at basa na kami.

isa sa nakakainis sa guide pag tinatanong namin if malapit na sasabihin lang five-minutes na lang. binilang ko kung ilang five minutes yon, lampas sampu, pagkatapos sa sampung daliri ko, di ko na binilang, ang sakin lang maabot ang tuktok, pagod na ko, every five minutes humihinto ako para magpahinga.. ang nakakatawa, di ko na mahanap ang mag kasama ko, sinusundan ko lang ang trail at mga boses nila… buti may isa akong naabutan,, nagpapahinga lang din..kaya sya ang kasabay ko pagdating sa tuktok.

pitcher plant on the peak of mt. Hibok-hibok

ayan, pitcher plant yan ang marami sa tuktok tapos black berries na di ko alam kung paano i-describe ang lasa, may tamis na asim at pait na kunti..hehe, tinikman ko, sabi naman kasi ng guide pwede daw kainin, tumitikim nga ako ng dahon, yon pa na may nakakabit na berry sa pangalan..hahahaha

at tungkol sa pustahan, yehaa! panalo kami, pang-lima ako sa mga naakyat, inakyat ko sya ng dalawang oras at sampung minuto.. o ha! ok na yon.. lahat ng nagpatuloy umabot ng less than 3 hours.. wala lang masayang umabot sa taas sa sariling pagsisikap. at wag kalimutang magpasalamat sa taong tumulong at nagbigay ng kamay para maakyat sa mahihirap na parte.

scenic view from white island

lesson learned:

pag-sinabi ng guide na lahat naka hiking shoes, pants, at walang sleeveless, please lang makinig..hahaha, dahil ako pagkatapos umakyat.. punong-puno ng sugat, may excuse lang kasi unexpected ang pag-akyat, alangan namang mag-maong ako, hindi komportable at wala akong dalang hiking shoes… haller! feeling bakasyunista ako at halos lahat ng dala ko short pants lang…at naka tsinelas lang ako..yong ordinaryong tsinelas na pwedeng mabili sa palengke ng tig 35 pesos.

at eto pa, baliw lang ang puno ng sugat na didiretso sa dagat, pero dahil lukring ako, ayon lumusong ako..hahaha, eh! sayang ang white isalnd adventure.. ayon pagkatapak sa dagat, talagang sumigaw,,hahahaha

trivia:

saming mga manggugubat pag may nakita kaming maraming pitcher plant..isa lang ang ibig sabihin nun..maraming mineral deposit sa area..depende lang yon kung saan…sa mt. hibok-hibok, syempre sulfur ang marami, bulkan eh! hehe, at di yon alam nung housemate kong geologist..o ha! iba ang alam nyang plant indicator for heavy mineral deposits, at di ko rin alam yon..wahahahaha

future plans:

aakyatin ang Mt. Apo by 2011, my fingers are crossed sana di mabulilyaso, pero sa ngayon. Mt. Malindang muna by october..excited na ko… syempre ang mga kasama, pareho lang din sa mga naging kasama sa hibok-hibok pero mas kunti at yong totoong close ko.

well, sobrang haba na..kay babayu…. mwuah!

Advertisements

45 responses »

    • hindi ko pa natry magmounatin climbing. pero gusto ko. pero ang baguio pwede naman maituring na mountain climbing hindi ba? bus nga lang ang gamit. ay ewan ko. hakhak!
      yabangis mt. apo talaga eh. inggit me much. gusto ko rin magmountain climbing! waaaah! oh ano ba ang pustahan?

      • yey! base ka ulit… namiss kita eloi..promise!..hahahaha

        yong pustahan samin nalang yon..hehehe, pero oo mt. Apo ang target namin..mayabang na kung mayabang..wahahahaha, hindi kaya bus climbing ang tawag dun? (tingin sa kisame)..hehehehe

  1. wow the conquest of mt. hibok-hibok
    yehey madami na naman akong relate syempre
    ako sa mt.arayat pa lang ako nakaakyat at somewhere in zambales at sa UPLB
    sa mt. arayat nung nagherbarium kami bitbit ang mga pressers papuntang bundok 4am palang lakaran na yun ang isang activity namin sa taxonomy of vascular plants at sa college of forestry namin kinuha ang subject na yun. pagbaba naman ay dun na namin niluto yung mga plants dun sa bahay ng classmate ko

    napansin mo bang madaming shells sa bandang kagitnaan ng bundok? yun ang teorya ko na totoong nalunod dati ang earth sa tubig kaya madmaing shells. madami ding mababatong part na yung mgastones na yun ay sa dagat lang matatgpuan yehey! andami kong relate
    at may falls sa mt. arayat

    tama ka dapat tandaan ang mga ibinilin ng mga guides at prof kasi mas expert sila.
    hindi pa ako nakakita ng pitcher plant waling anini

    magandang araw waling anini

    • wow! kuya namissed ko ang mga pressers na yan…hahaha

      kuya madami ngang shells sa taas, pero ang nakakatawa di tayo pareho ng teorya.. ang sakin naman dahil dati puro tayo dagat at dahil sa movement ng tectonic plate, unti-unting tumataas ang ibang parte kaya naging bundok….hehehe

      masaya pag may mga falls, kadalasan pag nasa field kami dati, liguan muna..hahahaha

      madaming pitcher plan sa surigao kuya.. iba-ibang kulay pa… pero dun sa area kung saan may nagmimina.. at sa gilid ng kalsada..hahaha

  2. i agree.

    ansarap sumakay pag nasa topload ka. ganyan din ang trip namin papunta sa aakyating bundok. matatawa ka sabay hihiyaw kapag medyo tatagilid yung jeep kasi pa-zigzag ang kalsada tas may “bangin” effects pa. haha.

    yan pala ang pitcher plant. di pa ako nakakita ng ganyan. ibig sabihin yung mga naakyat naming bundok eh walang mineral deposits dun?

    isa na ata to sa mga sinasabi ko sa iyo na inaabangan kong posts mo nen, weeeeee. dito nakaka relate talaga ako.

    • hahahaha, korek ate k, super enjoy sumakay sa topload, exciting tapos andun yong trill, plus kung may mga fruits, nagtitrip kaming manguha..hahahaha

      hmmm, basig wala lang nakaila sa inyo og pitcher plant ate… usually magtrive sya on higher elevations..pero depende pud kung asa mo nag-adto..basta daghan pitcher plan if almost undisturbed ang area.. hmm, naa gihapon presence sa mga minerals pero dili daghan..

    • hahahaha, masaya talaga ang umakyat ng bundok, lalo na yong bonding experience sa mga kasama, kahit naghahabol ng hininga pero pag dating sa tuktok..tanggal lahat ng pagod, ang ganda kasi ng view at ang sarap ng feeling na naakyat mo yon..

      magandang araw din, πŸ˜€

    • wahahaha, grabe ka kuh, yon pa ang nakita mo..malay ko ba kung mukha syang condom, ang nakita ko lang na condom ay yong ginagawa nang baloon..pinaglalaruan namin dati..madami nun sa health center..hahahaha

      • natawa naman ako anini. nagpalobo ka na ng condom, di mo pa napansin hitsura. hehehe. teka, nagpalobo ka nga ng condom? nakakaalibadbad kaya lasa. malangis. hahahaha.

        uber off topic na to. pasensya naman.

  3. ayos toh! isang kwento ng adventure!

    habang binabasa ko, parang kasama ako sa eksena. naengganyo tuloy akong mag-mountain climbing.. =)

    kaso wala ako tyaga. hehe

    padaan lng po

  4. astig! isa ‘yan sa mga to-do list ko, ani. ang makaakyat sa isa sa mga bundok natin dito sa pinas. naiinggit tuloy ako sa’yo ngayon.

    at ‘yan pala ang pitcher plant. sa pokemon lang ‘yan napapanood dati. nakalimutan ko na rin pangalan. victrebeel ata ‘yun. haha!

  5. inggit ako sa adventure mo, aninipot!!!! hehe.. i’ve been to camiguin once pa lang pero talagang na-in love akos a place at gusto ko talaga akyatin ang mt hibok hibok. taga camiguin ang parents ko kaya malapit ako sa lugar na to,

    at tama ka dapat ready ka pag aakyat ng bundok. nung unang akyat ko sa malaysia, ang bigat ng backpack ko. hindi sa dami ng pagkain na baon ko pero sadyang mabigat yung bag pa lang so nung halos 90 degrees na yng mga terrain habol hininga na ko. buti mabait yung pinoy kong ofcmate binitbit nya ung bag ko wag lang daw ako magbackout. yung shoes ko din hindi ang hiking pero ok lang kasi makapit naman sya (running shoes) kaya di naman hassle. at dapat din pala me gloves. nadulas kasi ako at sa kasamaang palad sa isang halaman na matinik ako nakakapit. ayun ilang tinik ang naiwan sa palad ko.

    ang sarap ng adventures mo. miss ko na camiguin. sarap maligo dun sa white island. πŸ™‚

    • wow! talaga po?.. twice kong naikot ang camiguin, kaya sa ibang place naman ang gusto kung puntahan….hehe

      aw! ako yata ang may pinakamaraming sugat nung panahong nagclimb kami sa hibok-hibok, pano careless ako, kung saaa-saan kumakapit, ayon, yong palad ko ang daming maliliit na hiwa galing sa cogon.. at dahil sa awa nung guide, pinahiram nya yong gloves nya…hahaha

      hehe, sarap mag-abang ng sunrise sa white island, o kaya sunset.

  6. pag naakyat mo ang mt.apo,please tell me kung may katotohanan ang legendary exsietence doon ng mga ‘white monkeys’.

    mula nung bata ako,yun ang kwentong kinapapanabikan ko lagi.sana totoo sila.

  7. Wow, naakyat mo pala ang Mt. Hibok-hibok. Narating ko ang Camiguin pero di ko naakyat ang bundok na yan. Sayang 😦

    Inggit ako sa yo, nakakita ka na ng totoong pitcher plant. Tagal ko na gusto makakita niyan hehehe

    • ay! sayang nga..pero may next time pa naman ms. N.

      saka yang mga pitcher plant, madami yan kaso kelangan mo lang maging observant sa paligid… dati may nakita akong naglalako ng pitcher plant para sa garden…

  8. Whoah! I can’t imagine how you all did that! πŸ˜€ two hours pa lang ang trekking na ginawa ko, at sa laguna lang yon ah?…

    I can’t imagine how you all did the five our trek in three hours…the best! πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s