musika ni tatay

Standard

tanda ko, lumaki akong kasama na yata ang musika sa lahat ng okasyon, musika sa saliw ng gitara ng tatay, tuwing naalala ko sya, ang larawang nakikita ko sa isip ko ay may hawak syang gitara.. kumakanta.

mahalagang bagay sa kanya ang gitara, yan ang dahilan bakit nagkalapit sila ni nanay, at sya mismo ang nagturo sa nanay ko na tumugtog nito, kaya sigoro lahat din kami ginustong matutong tumugtog.

dose anyos ako nung magkainteres akong mag-praktis, tanda ko pano ako pagtawanan ng mga kapatid ko pag kinakaskas ko na ang gitara ni tatay, pero si tatay madalas ang sinasabi,

“kantahan mo kasi para di ka mawala”, sabay hirit na nasa magkabilang baryo daw ang tono ng boses ko at ang tono ng gitara… pero ako walang pakialam..basta tutogtog ako.

pero madalas nagagamit talaga ang gitara ni tatay pag may birthday ang malapit na kaibigan at kamag-anak, kami yong sanay kumanta ng madaling araw para sa may b-day, Maรฑanita ang tawag samin nun… o kaya harana sa madaling araw.

pero mas higit na masaya tuwing kaarawan ng isa saming magkakapatid, magigising kaming kinakantahan ni tatay ng “brown eyes” at “how beautiful is the morning”.. tapos may blending pa ni nanay at ng kuya ko..kakamiss!

bukas, ika apatnaput-walong kaarawan ni tatay, alam ko hahawak ulit sya ng gitara kahit may videoke naman, dahil alam kong may dalang ala-ala ang pagtugtog nito, mga pangyayaring di matutumbasan ng iba..yong kantahan pag walang kuryente, kantahan sa tabing dagat tuwing hapon at yong pakontest na pauwi ng bahay habang bitbit ang kanya-kanyang dalang gitara.

mahaba pa ang panahon, sa susunod ako naman ang kakanta ng “brown eyes” at “how beautiful is the morning” para kay tatay.

Advertisements

42 responses »

  1. hmn.. na touch naman ako, I also love my father so much… hmn, siguro gandang post, though i don’t know kung anung song yung brown eyes, pati yung how beautiful… hehehe…

    but anyway… magaling ka na bang mag guitara?… jamming tayo one time!! hehehe…

  2. Nakakatuwa ang kwento mo na ito. How I wish lahat ng anak ay katulad mo. Tiyak, maraming magiging masayang magulang sa mundo.

    Happy birthday sa Tatay mo. Sana’y maraming-marami pa kayong kantang pagsaluhan.

  3. Tanda ko nung bata ako nakikinig ako lagi ng tape ng Spice Girls habang nakatitig sa kawalan. Hahaha. pero totoo yan. Naalala ko talaga yan. Memorized ko pa nga ang lyrics ng lahat ng kanta nila. Lol.

    Ang pangarap kong matutunan patugtugin mula pa nung college eh drums. Sabi ko non balang araw maglalakas loob den akong mag aral at lumapit sa musical instruments, kahit alam kong ang pinakamagandang instrument ko na eh ang boses ko. Bwahahaha. Pero seryusli, one of these days, months, o years. Kelangan matupad ko yan. ๐Ÿ˜€

  4. naks namen. ang sweet !

    sumasama din ako sa maรฑanita dati, at ang palaging kinakanta namin ay yung “how beautiful tsaka today is your birthday” (di ko sure yun ang title). pinakamasarap na bonding talaga kapag kapiling mo ang iyong pamilya.

    Happy birthday kay Tatay! ๐Ÿ˜‰

  5. gusto kong gitara,yung humahagikhik ang tunog kapag kinakalabit ko.errr…teka parang ibang gitara yung naiisip ko.

    sige nga…record ka naman habang nag gigitara at kumakanta.aabangan ko yan!yahoo!

  6. ang ganda naman nito. wala akong alaala ng tatay ko bukod sa phonecalls at birthday cards kaya pag nakakabasa ako ng ganto, naiinggit talaga ako ๐Ÿ˜€

    belated happy birthday sa tatay mo ate ^^

  7. Ang sweet. Happy birthday sa tatay mo. Sana kamag-anak mo na lang kami aninipot, para may konting nakuhang talento ang kapatid ko sa larangan ng musika. Para naman naaaliw din ako kapag tumutugtog sya.

  8. unang-una sa lahat happy birthday sa erpats mo.
    natuwa ako buti ka pa ang nagturo tatay mo
    sa akin ewan ko may nakita akong songhits tinry kong kaskasin
    ayun may sounds. alangang wala.

    magaling kumanta ang tatay ko
    lalo na kapag lasing
    pero sa pagplay ng gitara
    marunong daw siya, sabi niya. pero ayaw ko maniwala. hakhak!
    eh kasi nakalimutan na daw niya. wooshooo!

    mas matanda pa tatay ko sayo at september din bday niya. hakhak!

    • wahahaha, baka naman nakalimutan lang talaga ng tatay mo ang pagtugtog ng gitara eloi…hehehehe

      ang tatay ko pag nang-aasar, dinadaan sa kanta..

      pano ba, advance happy b-day or belated happy b-day sa erpat mo eloi..basat nakabati ako..hahahaha

      ๐Ÿ˜€

  9. huwaw! naiinggit ako:( hmp ako kase gusto ko talgang matuto gumitara pero di marunong si tatay. haha. nako. hahanap nalang ako ng papa na magtuturo mag gitara saken. nyahaha!
    Happy Birthday sa tatay mo ate ani!! mwahh. ๐Ÿ™‚

  10. Pagkaraan ng dalawang linggo ng kami ay lisanin nya. Nabuo ko ang kanta para sa akin ama kasama ko ang aking gitara. Habang nilalapatan ko ng tono yung mga letra, basa na ang mga pisngi ko sa luhang di ko namamalayang dumadaloy na pala.

    • aw! sad naman Bb.

      di ko alam ang sasabihin ko, may mga bagay na idadaan nalang sa musika at panulat para maibsan at mailabas ang sakit nag nararamdaman.

      hug nalang kita Bb.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s