ulalo

Standard

hayaan mo akong gumapang,
ito’y parte ng buhay na kinagisnan.

hayaan mo akong masaktan,
may kapalit ang sakripisyong ginagampanan.

hayaan mo silang ako’y kaawaan,
balang araw ako’y kanilang hahangaan.

mahirap ang gumapang,
mahirap na ikapit ang kabuoan.

pero sige lang, bukas,
sa pagbabago ng anyo,
sa pagsibol ng pakpak,
lahat ay makikibahagi sa kampay
ng paglipad.

Advertisements

61 responses »

  1. Noong una kong basa akala ko nagkulang ka lang ng “b” para sa salitang “bulalo”, pasensya na gutom na ako. Ang galing nito aninipot, may bago ka na talagang hobby! Subukan mo sa susunod yung pag-pi-ping..

  2. ang galing anini… hahaha, pati pagdra-drawing astig. yan siguro ang hindi ko kaya, tao kaya kong idrawing yung bilog tapos straightline lang… parang tao stick.

  3. ganda ng drawing.. ikaw na rin ang talentado.. yung drawing ko pangkulit lang talaga.. hhehhehe..

    katulad ng may metamorphosis din yung tao.. hindi lahat ng pangit noon ay panget pa rin ngayon.. may transformation.

  4. ang galing! pati ung drawing (ayan, di ko pinintasan) pero… yun ba talaga tagalog ng caterpillar? hehehe…
    Kase tawag nung teacher namin nung high school sa mga bumabagsak sa exam “kamoteng may ulalo”. ahehehe

  5. Una sa guhit mo muna ako magkokomento. Ani parang totoo yong ulalo. Parang kinuhaan ng camera. Realistic.

    Yong butterfly din,maliban sa dahon, medyo halata pang hindi totoo.

    Sa iyong tula, para rin itong isang proseso ng tao, habang tumatagal..para kang uod, gumagapang sa mga pangyayari pero kapag nagkaroon ka na ng tapang at lakas ng loob na harapin ang buhay, para ka na lang kulisap..gaya ng paru-paro, padapo dapo.

    • ang totoo nyan kuya, hindi sa sketch pad ginawa ang butterfly kaya nahirapan akong i-mixed ang kulay.. nagtry kasi akong i-drawing sila sa felt paper, at lesson learned di pwede ang felt paper kung oil pastel ang gamit..

      salamat po.. kulang pa sa praktis… baka next time maganda na ang resulta..

      at last may nag-comment ding tungkol sa tula, malapit nang sumama ang loob ko, dahil wala yatang nakapansin sa ginawa kong tula..hehehe

      magkaiba man ang tao at insekto, may mga bagay na nagkakapareho ang pagbabago, ang pagtanggap sa kahinaan para may magandang kalalabasan sa hinaharap…

  6. Nakakatuwa at talagang pinagbubuhusan mo ng panahon tong bagong pinagkakaabaahan mo.

    Nice one nen!

    (Maayong buntag, mao pa gyud ako pagmata. haha)

  7. ang gaganda naman waling anini
    artist ka talaga!
    may entry ka na ba sa SBA?

    you remind me of my teacher’s qoute kapag natatapos ang klase namin everyday, “remember, the butterfly is not always beautiful.” be blessed!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s