gusto ko, flower girl ako.

Standard

kwentong bridesmaid eto, pero pasensyahan tayo kung bali-baliktad ang pagkwento, alam nyo na, bangag na naman ang utak ng nagsalitype nito..hahaha

bridesmaid ako sa kasal, nung sabado..second time, kahit ayaw ko ng high heels, ayoko ng make-up pero dahil friend ang nakiusap o sige go!.. 1 week bago ang kasal saka pa lang ako nagpasukat para sa dress, syempre busy ang beauty ng lola nyo, pero kung titingnan sobrang lapit lang naman kung saan dapat ako magpapasukat…. oo na, tinamad lang naman pero naabot naman kaya ok na, di ko problema yon, problema ng modista…wahahaha

tapos nung sabado, kasalan na, mas namroblema ang groom kung kelan ako darating kase may pictorial ek-ek pa daw, tapos nung tawagan ako, kagigising lang, hahaha, nagpapasaway lang ako, huling lambing sa kaibigan bago sumabit sa buhay mag-asawa, mamroblema muna sya sakin bago sya magpatali.

at yon nga, make-up, tapos palit ng damit, dahil sobrang haba ng dress, naisip kong mag-tsinelas nalang kasi di nga kita..hehe, at yon nga ang nangyari, naka-tsinelas ang lola, nalaman lang nila after na ng kasal, sabi nga ni mr. B (the groom), kung alam ko lang na ganyan ka parin ka pasaway nilagay kita as flower girl, ang sagot ko naman, eh di sana flower girl nga ako, mas masaya, mas may karapatang magmalikot..hahaha

kung tatanungin ako, kung ano yong nangyari sa kasal..waaah! sobrang perfect para sakin, though maraming unexpected na nangyari, instead kasi sa garden ng beach resort, ayon umulan, lakas ng kulog at kidlat, madaming drama effect, kaya sa venue ng reception nalang ang ceremony, but it turns out to be simply perfect, highlight ang ceremony, tapos sobrang ganda ng boses nung kumanta, kung pwede nga lang ilagay sa bulsa para taga kanta ko bago matulog gagawin ko..hehe

ang cute pagmasdan yong reaction nung bride at groom, di mapalagay nung una kasi akala palpak ang mangyayari tapos nung magstart na makikita mo yong kaba, then yong tears of joy nung bride at pinipigilang luha nung groom.. tapos the first smile na ginawa nung groom nung sabihin na ang marriage vow…

sobrang observant ko no?, saksi kase talaga ako pano nagstart ang lovestory nila, ako yong hinihila ni mr. B sa paghahanap ng pasalubong kay ms. B everytime may fieldtrip kami, nakita ko pano magbitiw ng mga chessy line itong si mr. B kahit seryoso ang usapan namin, kung paano sya affected pag may mis-understanding, kaya di talaga pwedeng di ko masaksihan ang kasal nila..

at ang pinaka-gusto ko, halos lahat ng close friends ay present..kahit dalawang oras lang ang tulog, kahit pinagluto ko sila nung sunday, no probs, di mababayaran ang panahon na nagkita-kita kami ulit.. masaya na nung magkita-kita ulit parang di man lang kami nagkahiwa-hiwalay, masarap na may mapagsumbongan ng mga hinanakit at frustration, at kahit nalasing silang lahat, ok lang..hahahaha, ako ang mabaet, ako ang bunso kaya taga-kinig lang ako sa kanila..hehehe, nag-aalsa na ako ng sariling bangko.

o ano?, may naintindihan ka ba sa kwento ko?..di na i-iedit..diretso na to..wahahaha…mwuah!

Advertisements

42 responses »

  1. Yeba! Eto na ang iniintay kong kwento. Sa palagay ko talaga magkakasundo tayo dahil pareho tayong pasaway. Basta tandaan mo yung sinabi ko na minsan i-try mo din magpakalasing, try lang. Huwag kang laging tagapakinig kapag lasing na ang mga kasama mo. Minsan masaya din pakinggan kapag ikaw naman ang lasing.

    Minsan masaya din ang hindi laging mabait. Minsan masaya din ang magping..

    • wahahaha, salbe, nabasa ko comment mo kay kuya pong, hinahanda ko na sarili ko sa pambabalahura mo..hahaha

      susubukan ko yan, basta ok ang mga kasama, baka naman kase masiwalat ko mga secret na pinagsasabi sakin..hahaha

  2. hahaha! pasaway ka.
    oh kumusta naman ang bestman? o iniwan mo sa paglalakad? nyahahaha… may hawak ka bang maliit na basket tapos naghagis ka ng petals? hehehe… ang totoo nyan, mas naimagine kong flower girl ka nga kesa bridesmaid 😉

    • dati na akong pasaway…hahahaha

      akala ko nga wala akong partner..kung wala, mas masaya kasi gagawin daw akong little bride…hehe, kaso dumating… tumino ako ng kunti, nahiya ako…wahahaha

      tapos nanghingi ako nung basket ayaw nila akong bigyan, bouquet ang binigay..hahaha

  3. Ang pinaka inaabangan ko sa isang kasalan ay yung palitan ng marriage vows tsaka “you may now kiss the bride” .. Kahit gaano ka engrande o ka simple, may wedding glitches ata talaga eh.

    Mukhang nag enjoy ka talaga.
    Kamusta naman ang partner mo. ehem.
    Yung isa sa mga groomsmen?

      • Isa pala yun sa singer? yung kahawak kamay este braso mo? (parang ayaw maniwala ahaha) pero ha, gentleman na gentleman ang dating.

        Anu song ang kinanta nya nen?

        • magaling kumanta ate, promise! pero di ko maalala ang kanta nya, di familiar, favorite song yata nung groom at ng bride, christian contemporary song daw yon..

  4. hehehe mag-aabay yata ako sa disyembre sa kasal ng pinsan ko (oo, kahit otsenta anyos na ako pwede pa rin daw akong mag-abay haha!). At binigyan mo ako ng ideya. Dahil nga sumasakit ang muscles ko sa paa kapag naka-heels, magti-tsinelas na rin ako! Salamat sa napulot kong tip haha!

    • hahaha, ayon! gusto ko talagang magkorona nung flowers kaso sinapak na ako nung groom… hahahaha

      oo, sa kasal ni ate k, coin bearer ka, o di kaya sa kasal ni kuya taribong..yehey!

        • oo si ate raponsel mo, pinipressure ko na sila para magpakasal..wahahahaha, peace ate k!

          next year daw kay kuya tarbs…wahahahahaha, gumagawa na ko ng kwento dito..hahaha, takbo na ko jason ha! patay ako sa dalawa..hahahaha

  5. wahhhhhhhhhhhh ang kulit nito waling anini
    salamat muna sa pagsuporta sa PEBA 2010
    mdami na akong kasal na dinaluha at abay ako,
    isa sa di ko makakalimutan ang kasal ng aking Bible Study Leader, talagang sama-sama, suportahan da lahat,
    tapos yung betfriend kong (yung nasabi ko sa iyong sa DA III dati na umalis) ikakasal na daw siya after two years, BEST MAN ako syempre, kaya excited din ako yey

    ok naman pala ang kasal waling anini! higit kasi dun ang makita ang mga friends at mahal sa buhay na andun nakasuporta, kahit pa taga-luto, abay, o kung ano pa man ag mahalaga andun sila!
    yey!
    best wishes!

    • oo kuya, ang saya ng wedding..syempre andun lahat ng mga friends kaya parang reunion narin ang nangyari..

      hahaha, ako naman malamang maging bridesmaid ulit, may kaibigan na naman akong susunod na ikakasal, next year yata, basta ang sabi nila sila daw ang susunod..

  6. Ani pwede kang maging investigative reporter dahil napaka detalyado ng kwento mo, feeling ko nga nandun ako sa kasal mismo, kumakain sa dulong lamesa. Ang tagal na nung huli akong nakakapanood ng kasalan, yung kasal pa yata ni Sharon at Gabby ang huling napanood ko ahahaha.

  7. Bohahaha. Karamihan sa mga barkada kong babae ayaw den mag high heels at make up. Ilang beses ko na atang nabanggit sayo yan. Hihi.

    At ako, AYAW KO, AYAW, oo naka capitalize at inulit ulit ko pa, AYAW KO umattend ng kasal kasal kase sobrang boring. Ano naman mapapala ko, sila naman tong magsesex after ng kasal. Di naman ako kasale. Haha.

    Saka amboring kase talaga. Saka masusunog lang ako matapat lang sa krus. Hahaha.

    • wahahahaha, oo na ikaw na ang di pwede sa kasalan..

      pero vajee, pag close friend mo ang ikakasal, try mong mag-attend, mag-eenjoy ka rin promise!.. baka naman kasi ang napuntahan mong kasalan ay di mo close kaya bawal mangulit..hahahaha

  8. maryosep! at pasaway ka nga pala. tamang tama ang title ng post mo. dapat sayo flower girl talaga para may rason para magpasaway. hahaaha!

    but i felt the sincerity, joy and excitement while you were recounting what happened. 🙂

    • hahaha, dapat flower girl talaga ako ms. kaye o kaya little bride..ang liit ko kaya..hahaha

      pero super saya talaga ng wedding nila… kami-kami lang halos magkakilala, feeling ko nga ako ang kinasal..wahahaha, ay! flower girl pala dapat feeling ko..hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s