alapaap

Standard

panahon na sigoro na ikampay ko ang mga pakpak ko, tama na ang paghihintay, tama na ang pamamahinga. Ngayon sa bawat kampay dadalhin ko ang naipong lakas ng loob, sa paghakbang sa isang di kilalang kalawakan, nawa’y ang alapaap ay ngingiti upang ipabatid na ako ay pwedeng makipaglaro sa kanyang alagad na hangin at ulap.

sa paglipad, dadamhin ko ang lamig ng hangin, ang init ng araw at ang asul na langit, bubuksan ang puso para sa mga estrangherong manlalakbay at susubukang pagmasdan ang paligid habang tinatanaw ang lugar na gustong dapuan pagsapit ng takip-silim.

ako ngayon ay malayang ibon, lumilipad para sa sarili, diretso man ang tingin, ala-ala ng kahapon ang dadalhin, bilog parin ang mundo, umiikot parin ito, nawa’y sa pag-ikot ng panahon tayo muli ay magtagpo.

Advertisements

46 responses »

  1. waling anini
    tinamaan ako sa post mong ito, feeling ko nakakulong kasi ako,
    sorry naman ha.
    alam mo naman pinagdadaanan ni kuya mizpah, pero balang araw sasabayan ko yang mga ibon na yan sa pagkampay at pagkaway, hintayin mo yun
    be blessed!

  2. sige lang ani, lipad lang. lipad lang.

    tapos sigaw ka nang malakas…

    “darna!”

    kung ano ang gusto mong abutin, abutin mo nang walang pag-aalinlangan. only those who risk going too far can possibly find out how far one can go. πŸ™‚

  3. taasan mo pa ang lipad….dahil may mga taong laging may hawak ng tirador.huwag mong hayaang saktan ka nila.at sa kahulihan,makita mo sana ang pugad ng iyong pagsinta at pangarap.magitlog ka ng magitlog para hindi magbago ang presyo ng kwek kwek,ng chopsuey,at ng nilagang itlog na tinitinda sa mga bus.

    hehehe!

  4. sa bawat simlua, lipad or tunganga, lifetime ang pagkakaiba.. lipad lang ng lipad.. magtatagpo tayo gaano man kalawak ang mundo..

    at dahil ang mundo ay katulad ng itlog,.. bilog!!

    simple lang.

  5. Talagang nahihilig ka sa pag dodrawing. Talented! Paki drawing ako minsan. Haha.

    Ani, lalandi ka na? Hihi. Kerengkeng! Nahawa ka na ke Salbe na mas makati pa sa bulateng binuhusan ng asin!

  6. β€œWhat we call the beginning is often the end. And to make an end is to make a beginning. The end is where we start from.” Galing kay T.S.Eliot yan. Pabaon ko sa iyo sa kung ano mang sisimulan mo πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s