wag magulo, gumagawa ako ng malanding tula

Standard

hoy, hijo bakit malamlam mga mata mo?
nakakita ka ba ng engkanto o nahalina sa kagandahang nasa harapan mo?

engkantadang bumubusilak sa lamparang walang kupas,
naghahanap ka ba ng kabiyak?

ngunit puso ng mamang nakatayo, sing tigas na ng bato,
ano ba naman ito?

wari ba’y puso ni Binibini naisahog na sa pulang karne,
lumapot at lumambot hanggang sa wala nang mapulot

haring araw naman, magtago ka na upang dilim ay babalot
at kalandian ay masimulan paakyat sa hagdan.

kung ang langit ay di pa nasusunog,
hahayaan ko ang sariling masunog sa titig mo irog

walastik na tula, sumasalabit sa mga taong walang sabit,
sing gulo ng utak ng taong bumubuo sa likod ng mga salitang ito.

manghihiram nalang ako ng termino mula sa kakaibang ebang ito,
bago masita ang inyong lingkod,
Bongga Jabongga, tae lang nakalimutan ko, wala pa akong sinisinta.

mwuah! Bow!

Advertisements

31 responses »

  1. wari ba’y puso ni Binibini naisahog na sa pulang karne,
    lumapot at lumambot hanggang sa wala nang mapulot

    ahem… yung pulang karne ba ay pwedeng itapa, as in beeftapa? minsan makunat, minsan malambot. ewan ko kung ano ang malapot. so ang puso ni Binibining Anini ay naisahog na nga ba? LOL

    seryoso na… malalim ang tula. sa paulit-ulit kong pagbabasa iba’t-iba ang pumipinta sa aking diwa. may kalokohan, may seryoso, may pagnanasa at may bastos… pinakamahalaga sa lahat ay may pag-ibig.

  2. gusto kong isipin na nangyayari rin sayo yung nangyayari sa akin.yung tipong kumakawala na sa kamay mo yung lapis na pansulat at nagiging malaya silang gumawa ng kabaliwan kahit ayaw mo naman sana…

    whaaaaaaaa!!!!

    • whaaaaaaa!!!!

      tama ka nga ba kapitan hook?..hehehe, ewan! basta! pero minsan talaga normal na ang kabaliwan, kumbaga ito yong pang rekado na lalong pamapasarap ng luto, hahaha, ano ba namang tong pinagsasabi ko, nagugutom ako!

      muntik ng kumawala kapitan hook, kaso kontrolado ko parin ang dulo, minagic ko.. tsaraaaan!..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s