bughaw

Standard

imortal daw ang kulay bughaw, pero paano kung dahan-dahan ka nang nalalagas, ibig-sabihin ba nito ikaw din ay dahan-dahang maglalaho?

paano na ang bukas?, may pwede bang pipigil sa paglayo, may isang nilalang ba na magpapanumbalik sa tikas ng pagkakatayo, paano pa ibabalik ang oras na di ka malalagas, pwede ko bang ihiling sa mga tala na wag ka nang mawala?

imortal na kulay, oras na gumagalaw paano mananatili sa isang lugar?

______________________________________________________________________________

hindi ko drowing ang nasa itaas, naiinggit lang ang kapatid ko nung makita ang oil pastel at sketch pad sa kwarto ko, ayon! nakialam at nagdrawing din, nagrequest ako ng rose, at ayan nga, blue rose na nalalagas..pasaway na kapatid!

Advertisements

38 responses »

  1. Sino nagsabing imortal ang kulay bughaw? Never ko pa narinig yun. Kase para saken ang buhay ay makulay at lahat ng kulay ay masayang ipang color sa coloring book. Pero nagtatae lang ako.

    Magaling magdrawing si kapatid mo! May pa shadow shadow effect pa! Hindi ko naisip yan nung nagaaral pa ko!

    • kuya ko ang nagsabi nyan vajee, blue is the color of immortality for the clairvoyant…. kung saan nya nakuha ang mga sinasabi nya yon ang di ko alam, pareho din kasi kami nun na gumagawa ng sariling kwento..hahahaha

        • wahahahaha, nag-short cut ako sa pag-explain..at tinatamad din ako ngayon kaya ganito nalang, isipin mong gawa-gawa lang yon ng kuya ko, at pareho kaming wirdo kaya sumang-ayon ako..hahaha

  2. WOW! ang ganda ng pagkakagawa anini. tinitigan kong maige ung drawing bago ko basahin ang post. pilit kong binabasa yung pirma, baka kako real name ang ginamit mo. talendtado talga kayong magkapatid. gusto ko yung concept, contrast. naks! ang galing ng mga inilapat mong titik.

    • waaaa! ngayon ka lang nagkaron ng reaction na WOW!

      nahalata ko tuloy na walang panama ang drawing ko..hahaha, saka halatang-halata na di ako ang gumawa kasi sa stroke pa lang malinis na.. at never kung ilalagay ang real name ko dito, anonymous po ako diba?..hehe

  3. ay.petals pala yun πŸ˜€ kala ko dahon ng halaman na kakainba.. halamang hawak ng mumu? πŸ˜€ iba ako tumingin ng drawing.. parang may kakaiba akong nakikita.. parang ahhmmm..

    …umaapoy na paligid na may kakaibang powers yung blackhand ba yun? nagmagic sya ng halaman (blue rosepala yun) tapos unti unting nagliwanag at napupuksa na ang apoy sa may side.. nagiging usok na lang..

    at ako na ang adik!!!,, sana nagets mo mga pinagsasabi ko.. di ko rin naintindihan siguro.. πŸ˜‰

    • wahahaha, ang likot ng imagination mo ate Ro… naimagine ko ang sinasabi mo, at dahil dyan, nakuha ko ang concept ng drawing ng kapatid ko, sabi nya kasi tingnan daw nya kung mababasa ko ang nasa isip nya habang nag-dadrawing, toinks lang panay reklamo lang ang ginawa ko..hahahaha, yon pala yon, na pati pagiging clairvoyance napasama sa sinasabi nya, with color of immortality pa..hahahaha

      • nagiging bughaw ang langit at dagat sa perspektibong natatanaw mula sa kalawakan. makikitang nagiging bughaw ang mga to dahil sa pagpapatong patong ng bawat bahagi ng atmospera ng mundo. nakakaapekto din ang pagsagap ng liwanag ng tubig na sya namang babanda sa bawat ano… siret na ate anini ko!! mas mahirap ata to

  4. wow mga artists pala kayo waling anini
    yey
    isa lang ang sigurado sa mundo ito yung coming and going.
    beginning and ending
    end to begin
    and begin to end
    pero pareho pa rin ang mahalaga natuto tayo
    be blessed!

    • alam mo bang napa-tango mo ako sa comment mo kuya, di kasi ganito ang naisip ko nung sinulat ko to, nagsusulat ako na di ko alam ano ang magiging resulta.

      be blessed kuya.

    • hmmmmm, “ang tag-lagas ay para ding buhay, pinagdadaanan ang dapit hapon” , ninamnam ko ang mga salitang to, wala lang gusto kong isiping ganito ang nangyayari sakin, totoong nabubuhay ako pag ganito.

  5. galing galing naman. pasenxa na ngaun lang nakabalik, hihihi. napakalalim ng mga post na to. di ko mahukay. hehehe, kaya nagfocus na lang ako sa drawing. πŸ™‚ at masasabi kong maganda. hehehe, adik lang. hehehe.

  6. they say, roses has different meanings, depending on it’s variant, and colors, red rose for a lover, yellow rose for a friend, white rose for a pure love…

    pero ang blue rose: sabi nila, it is an impossible love.

    wala lang na share lang.

  7. hi, anini.

    meron ba talagang blue rose? dati kasi, bumili ako nyan sa morayta at ibinigay ko sa ate ko – valentines ‘ata no’n . tapos, after several hours, we noticed na tumatagas ang kulay nila. bale, kinulayan lang pala, nagoyo naman ako.

    alam ko, may ibang flowers na blue at lilac, di ko alam kung may rose din. :s

    mahilig ako sa flowers. for more than 20 years ata, bumibili ako ng flowers twice a week para sa bahay. lately, di ko na nagagawa. may epekto kaya ‘yon ba’t parang letse-letse ang buhay ko recently? haha…

    hope you are well. cheers πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s