aninipot

Standard

Dumapo ako sa di kilalang mundo,
mundong di alam ang ritmo,
ilaw ko ay di alam kung kaya ka bang pakibagayan,
pero sige lang, andito naman tayo para matuto.

____________________________________________________________________

Hello world!!!!

unang title sa unang poste, di ko inedit, dahil nag hello naman talaga ako sa kwadradong mundo, araw ng kapanganakan ni aninipot, nabuo ng di iniisahan, nakibahagi sa buhay ng iba, nagsulat, nakipagdal-dalan at patuloy na lumilipad.

Kaibigan ng isa, kapatid ng dalawa, at maraming-marami pa.
Diwatang gala,prinsesa siamea, insektong may ilaw sa puwet, basta may pakpak na dumadapo sa kung saan-saan,
naki-bunggoang siko, naki-iyak, nakitawa at nakipaghabulan sa ilan.
Nagbahagi ng kwento, nagbasa, at patuloy na magbabasa.
Walang mukha sa karamihan, nagpakilala sa ilan at naging kaibigan.

Ibabalik ko, si aninipot ay simpleng mangugubat lamang, nakikipagtalakayan paminsan-minsan, at tamad kadalasan, wala lang, sabi ko nga binuo ko lang to dahil gusto kong magpakilala na laman lang ng ulo ang nakikita, sabi ko dati pa isa akong dakilang mambabasa, di taga-gawa ng maipabasa, ano mang kalokohan, ka-emohan at kung anu-ano lang na naisulat dito, maraming salamat sa pasensya, di na ko magbibigay ng especial mention kung sino-sino ang nakibahagi sa buhay ni aninipot, alam nyo na yon, baka may makalimutan pa ako at mag tampororot.

Isang lumilipad na halik para sa inyo, mwuaaaah!!!!

at isang hiling ng isang aninipot, _______________.

Advertisements

63 responses »

  1. ano ang kahilingan ni bunso?

    Maraming salamat Ani. Kung paano ka napadpad sa aking simpleng tahanan, hindi ko na alam, basta ang alam ko lamang, naging espesyal ka na sa akin at inalagaan sa paraang alam ko. Wala ka pa yatang blog nong magawi ka sa bahay ko, padapo-dapo, hanggang isang araw, may sarili ka na ring tahanan, na madalas kong pinupuntahan.

    Salamat

    • bakit ibibigay mo ba kuya?…hahaha, tsokolyt na byolet gusto ko..wahahaha

      namiss ko yong dalawa pa kami ni dalisay ang prinsesa mo… at di ko nakakalimutan kaw ang unang taga-basa ni aninipot, kaya nga yata ako naging insekto dahil sayo… saka di ka pa maharot dati, masyadong malalim at kagalang-galang ang j.kulisap na nakilala ko..hehehe

      mwuah!..

      • Oo nga, si Dalisay, palagay ko nag-eenjoy na sa kaniyang ginagawa. Isa na siyang Guro.

        Kagalang-galang ba? Gusto mong ibalik natin ang dating si J. Kulisap?

        Babangon ako at..wala..babangon lang πŸ™‚

  2. tanda ko pa na kayong dalawa lang halos ni kuya kulisap ang nagkokoment sa akin,
    masaya ako na tinawag kong kuya
    nagawan ko pa nga ng entry yun di ba

    Isang mapagpalang kaarawan sa mundo ng blog waling anini
    at madami pang taon ang pagsasamahan natin

    be blessed

    PS susulat tayo kay vicky morales para sa wish mo na ____________.

  3. \:D/
    maligayang bati sa iyong kaarawan dito sa blogosperyo!
    nawa’s patuloy ang iyong paglipad, ang pagbabahagi ng iyong munting ilaw sa kadiliman ng gabi πŸ˜‰ πŸ˜‰ humayo ka at magpakarami πŸ˜‰
    πŸ˜€ ayos!!!

  4. \:D/

    yahey happy blogsarry ate anini ko πŸ™‚ akalain m yun 1 year ka na!!! huwaw congrats! more years to come and good health and best wishes! πŸ˜€

  5. HAPPY BEEDIE SAU ANNI… naku ang dami pala nating nagcecelebrate ng ika isang daang taon (ai mali one year lang pala) ng ating pakikipaghuntahan sa kapirasong papel, mga ala-ala na naibahagi sa iba, tinangkilik at patuloy na namumutiktik sa mga magagandang reyalisasyon at kwento.

    Cheers sa marami pang taong pagsasama! HAPPY BURSTDEI anini…
    hugs sau! πŸ˜€

  6. Happy birthday sa blog mo, Ms. Ani! Isang taon na ang natapos. isang taon na naman ang paratingβ€”isang taon ng panibagong adventure sa mundong kwadrado. Good luck! Isang karangalan ang maging bahagi ng blog mo.

        • natawa ako sayo ms. N.. di ko ba na-explain sino ang gumuhit nang nasa i-taas?..kuya ko po.. as in kapatid… bigla ko lang syang pinag-drowing at buti nalang pumayag na di man lang nagtanong..hehehe

    • romeo, nabuhay ka ulit.. ayoko ng i-welcum ka, feel free nalang na bumalik kahit kelan mo gusto..hahaha

      naloka ako sa bago mong entry..pasensya inosenti de ti ang lola..

      salamat din, binuksan mo ang mga mata ko sa kakaiba mong mundo.

  7. sorry naman at ngayon lang ako napadpad. yun ngang site ko di ko masagot lahat ng comments. kakahiya. ilang linggo nang ngarag, as usual.

    sayang, alala ko pa naman na nabanggit mo saken na lapit ka na rin magone year tas nakalimot pa ko. pero sana tumatanggap ka ng belated greetings.

    belated happy one year to siamea! keep writing and painting! mwah!

  8. hapi blogsari ani :))
    hnd man ako madalas d2 peo isa ka sa mga gus2 kong magsulat πŸ™‚
    at lumelevel up pa at nilalabas mo na din ung talent mo sa pagdrawing πŸ™‚
    i like! :))
    mwah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s