an attempt for a coffee painting

Standard

bangkang papel

tawagin nyo kung adik at aaminin ko na adik ako, hahaha, you see! di ko pa nga na master pag-gamit ng oil pastel at eto na agad napag tripan ko, ang pag-gamit ng kape bilang medium sa painting.

pag-pasensyahan, akala ko kasi madali, yon pala hindi, pagtimpla pa lang para makuha yong iba’t-ibang shades of brown naloka na ako… pero totoo, ikakarer ko to, nainspire ako ni Ms. Sunshine Plata, isang coffee painter na Filipina. Ang galing nya sobra, araw-araw kung binabalikan ang site nya para lang pagmasdan yong mga gawa nya.. at nangarap tuloy ako na sana maging kasing galing nya…haha

paru-parong ligaw

hindi maganda ang resulta ng unang mga gawa, pano nadisgrasya, nadikit sa papel na nilagay ko sa ibabaw, kasi naman natakot akong dapuan sya ng insekto o kaya kahit ano dahil nga masyadong mabango ang kape, toinks lang! ako nga ang nagsabi sa housemate ko na di sya lalanggamin kasi ako nga na tao naburyong sa aroma nya, langgam pa na sobrang liit..tapos kinagabihan tinakpan ko parin..

ang kagandahan lang sa ganitong hobby, una, may buhawi na pala sa lugar namin di ko pa alam, bakit?, nakalimutan ko ang oras sa kakatimpla ng kape, hehe, at pangalawa, dahil natuwa ang dalawa kung housemate sa ginagawa ko, ayon dinonate ang mga kape nila, perfect ang timing ko sa panahong nag-shift sila sa green tea. At napansin ko, magkaiba pala ang aroma ng nescafe classic at nescafe gold, malay ko ba, di naman ako nagkakape.

ang totoo, kaya lang naman ako nag-update para ipakita ang mga una ko daw na coffee paintings, dinaan ko nalang sa kwento kasi nga palpak..wahahahaha

Advertisements

55 responses »

  1. Kung pangit, pwede naman sigurong ilagay sa baso yan, lagyan ng asukal, mainit na tubig, haluin…higop.

    Maganda Ani.

    Bakit hindi mo subukang lagyan ng asukal para mas maging matingkad ang kulay. Tubig lamang naman ang makapagtitimpla ng mga kalay, hindi ba?

  2. waw! ang galing. kape ba yan o tsokolate?
    hindi alam pano naging bangkang papel yung una, pero yung pangalawa nakuha ko nman. sana pala di mo nilagyan ng caption. hehehe…
    mga ilang gabi kang di pinatulog ng sininghot mong kape anini?

    • kape yan tapa.

      aba! gusto talagang manghula, bangkang papel yan kaso di ko magawa ng maayos yan kasi ang una kung ginawa, di ko makuha ang tamang angle saka mahirap kung puro brown lang ang kulay..hehehe

      isang gabi lang naman tapa, next day, sala na ang ginawa kung studio, ayon amoy kape ang sala namin..hahaha

  3. so eto pala ang pinagkakaabalahan mo kagabi..haha naalala ko tuloy yung narrator sa the Little Prince at ang drawing nya na elephant inside a boa constrictor..ganun daw kasi talaga ang mga grown-ups, hindi kayang intindihin ang drawing ng mga bata hahaha

    • waaa! friend kahit anong isip ko, di ko maimagine ang elephant sa loob ng boa constrictor…hahahaha, patay ang boa pag nangyare yon, o di kaya paputok ang tiyan..wahahaha

      teka! sinabi mo bang, di kayang intindihin ng mga grown-ups ang drawing ng mga bata?, hmmm..anong ibig sabihin nito..wahahaha, bata pa ako? at ang mga taong di makaintindi ng drawing ko, mga matatanda na..wahahaha

  4. ang ganda.. unang kita ko pa lang lam ko na kape yun.. pero di ko alam na may artists palang kape ang medium.. ang galing!!.. dati kase noon gumawa rin ako ng kakaibang artwork, katas ng ibat ibang bulaklak.. ang ganda rin tapos ayun.. try try lang.. pangkulet lang naman drawings ko talaga πŸ˜‰

    • waaaa! flattered naman ako lahat sinasabing maganda kahit palpak ang pagkagawa, sa susunod gagandahan ko na, saka baka maganda na at tama ang mixture ng kape.

      salamat ate Ro. πŸ™‚

  5. Wow! ito pala yung sinasabi mo na gagawin mo sa birthday greetings ko ngayon ko lng napagiisip iba iba tlga ng talent ang mga tao pero kanya kanyang isip kung ano ang kakaiba at ngayon ko lng naisip na kakaiba nga nag paggamit ng kape sa painting kung ako malamang walang mayayari dahil baka di ako makapagpigil na mainom ko ang kape πŸ™‚ hang dami kong sinabi sana dika naguluhan ako kc naguluhan sa mga pinagsasabi ko ahahaha ako na ang ADIK πŸ™‚

    salamat sa pagdaan sa bahay ko πŸ™‚

  6. Na feature na nga si Sunshine sa TV. Magaling talaga siya at medyo “fairies” ang kadalasan nyang subject. Magandang medium ang coffee nen, kaya paint lang ng paint. Matututunan mo din ang mga tamang brush strokes, tekniks at tamang consistencies.

    πŸ™‚ practice lang ng practice lang. Sasabayan kita πŸ˜‰

    • yey! may email ako sayo ate k, yong ginawa ko kagabi. sana may improvement..hehehehe, wag nalang munang tingnan ang drawing, yong mixture nalang saka, di pa malinis ang strokes ko..

      yeah! sabay tayo, para maging kasing-galing mo ko..yey!..hahahaha

  7. Ani! Mas gusto ko to kesa sa mga dati mong gawa. Kase peborit ko ang kulay. At mahilig ako sa kape flavored ice cream. Oo, mapanghusga ako kahit sa kulay!

    Kamag anak ba ni Mommy Kaye si Ms. Sunshine Plata? Anyenye!

    • actually gusto ko nga itanong kay sir bong if kamag-anak nya, kaso nahiya ako..hahahaha

      pag mas maayos na ang pag-gamit ko ng brush, saka yong stroke, baka mas maganda ang result, anyway, unang mga gawa ko yan, mag-iimprove din ako..hahahaha, ikakarer ko to, pag magaling na ko, bibigyan kita ng gawa ko..hahahaha

  8. yung totoo? mas nagustuhan ko ‘tong coffee painting mo kesa dun sa pastel artworks mo. mas lumalabas kasi ang pagka-malikhain mo base na rin sa dalawang kinalabasang sining na ginawa mo.

    pakape ka nga, ani. naantok ako. hihi!

  9. wow aninipot mas mahusay ito… ibayong eport nga lang malamang yan sa umpisa pero kapag gamay na gamay mo na kahit siguro nakapikit ka yakang-yaka mo yan… nakakabilib ung mga talent na gnyan, hindi kasi ako naambunan niyan, nung nagpasabog ata ng talent ang langit nandon ako ilalim ng mesa hahaha… magkakape na lang ako habang pinanonood mga likha mo… mabuhay ka πŸ™‚

    • effort nga ms. jowyow, pero yang mga nai-post sa taas, dire-diretso lang ang pag-gawa, pero yong bago kung sinisimulan, medyo mahirap kasi nag-attempt na ako gumamit ng lighter shades of brown.

  10. ano ang magandang gamiting kape, nescafe of Kopiko?

    ang ganda ng drawing mo, pwedi sa ex-sibit… hehehehe joke lang. sa nagsisimula at may gusto patunguhan, maganda na yan di ba.

    kilala mo yung galic painter?

  11. gustong-gusto ko nga ang coffee painting eh. ang sarap lamunin. hakhak!
    pero srsly, yung si d1wata, nafeature pa siya dati sa entrepreneur na magazine. dun ko unang nakita yung mga works niya, tapos nakita ko yung website niya, ayun type agad. ang galing niya please!

    hayaan mo ate anini, kunting praktis pa eh magiging katulad ka rin niya…

    pero itry mo kaya ibang pangpaint. huwag naman kape… hmmm… orange powder. para maiba naman… o kaya hmmm… ikaw na bahala. hakhak!
    goodluck ate anini!

    • sobrang galing nya talaga eloi..haha

      tam! praktis lang ng praktis, mag-iimprove din saka madaming matutunan sa pagpraktis.

      wahahaha, orange powder?, anong itsura nun?..hehehe, napaisip ako, try narin natin ang grapes, apple at kung anu-ano. ang probs lang baka langgamin..hehehehe

  12. Hmn, milo kaya? try mo rin hehehe.

    Maglalagay ka ba ng fixative sa mga coffee paintings mo? Sayang naman kasi baka masira.

    Dahil sa sunud-sunod mong pagpipinta dito, parang gusto ko tuloy bumalik sa tummy ni Nanay tapos habang nasa loob magpi-pray ako “Papa Jesus, sana pag labas ko dito marunong ako mag-paint” hehehehe. I admire people who can draw and paint. Gusto ko matuto pero di talaga ako talented sa ganyan. Kaya sinusubukan ko na lang magpinta using a camera hehehe. Pwede na siguro yun bilang creative expression ko heheh.

    • ms. N, nilalanggam ang milo…hehehehe

      actually hindi pa po, maglalagay lang ako ng fixative if magaling na ako at maganda na yong mga nagagawa kung paintings.

      naku! ang galing nyo nga. galing ng mga kuha nyo, promise! πŸ™‚

  13. gusto ko din ‘tong subukan ate. pwede ba? kahit isang beses lang πŸ™‚
    kaso adik ako sa kape … baka mainom ko lang yun bago ko ma-i-pinta, pero susubukan ko ‘to one of these days.

    salamat sa post mong ate ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s