bad news or good news?

Standard

hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, madidismaya kasi sira ang plano kung pag-uwi sa susunod na biyernes o kaya matutuwa kasi out of town ang Management Conference namin..haaays!

andito yong pakiramdam na sobrang excited na kasi ilang araw nalang makakauwi ako samin, sino ba naman ang di gustong umuwi, araw-araw tuwing lunch, sabay-sabay na magtxt ang mga kapatid ko na kakain na daw sila, na ganitong ulam ang niluto ni nanay o kaya ni tatay..waaa! sinong di maiinggit nun. kakamiss ang lutong bahay. kakamiss makipagkulitan sa mga kapatid.

pero sa kabilang banda, plastik naman if sasabihin kung di ako natuwa na sa Camiguin ang Conference, at nataon pa sa Lanzones Festival, kahapon lang yata nasabi kung gusto kung bumalik ng Camiguin, at sinong mag-aakala na sa susunod na linggo agad pupunta kami.

though, trabaho ang reason bakit dun kami, medyo ok narin na makawala sa apat na sulok ng opisina, at kahit alam ko mga tanders ang mga makakasama ko, ok parin yon, lahat nanay at tatay ko..hehehehe, pwedeng-pwede talaga akong mag-astang bata.

pero kung bibigyan ng pagkakataong may choice ako, mas gugustuhin kung umuwi, isa pa dalawang beses ko nang naikot ang Camiguin, at mas mabigat parin yong oras na kasama ang pamilya. haist sana may paraan na makauwi ako. pero if hindi, sa susunod na linggo nalang ulit, magwawala ako pag di ako nakauwi..hahaha.

Advertisements

26 responses »

  1. mahirap nga ‘yang pagpipilian mo ani: pamilya o lansones?

    pwedeng lansones na lang? hihi! joke lang.

    mabuti ka pa nakakapag-out of town. ako out of makati lang. lecheng [pangalan ng client]!

    • haha, hindi sya malayo para sakin kaso nga sagabal sya sa pag-uwi ko.

      saka malayo din yon, 2 hours travel by land saka 1 hour sa Ro-ro, diba?..hehe, as if di ko ginagawang kapitbahay ang ang surigao…

  2. lanzonez! easy ka lang, wag kang magwawala. pwede kang makapunta sa camiguin anytime. at pwede ka rin lumantak ng sandamukal na lanzones anytime basta uso, kahit hindi festival.

    kamusta ka na alin anipanot?

    • hahaha, di na.. nag-decide akong umuwi kesa sumama sa conference, twice ko narin namang naikot ang camiguin saka season din ng lanzones kaya kahit saan pwedeng makabili.

      hello super B!

  3. *hugs* minsan talaga may mga trade off ang trabaho natin. kapag nasa ganyang sitwasyon ako, iniisip ko na lang, para rin naman sa family yun. at least, next week, pwedeng-pwede ka namang umuwi, di ba? 🙂

  4. tama si Ms. N part ng work iyan at part ng pagwowork ang para sa family.
    go ka sa Camiguin at go ka din sa bahay
    ako nga kung pwedeng uwian lang ang saudi matagal ko ng ginawa hehehehe
    ingat ka waling anini
    pengeng lanzones.

  5. nakakatuwa kase naka center pa rin yung thoughts mo sa family mo. maganda kang ehemplo kay vajee.

    teka…malilintikan na naman ako nito eh.speaking of lanzones…pag yan pala ang baon mo na nasa paper bag at nanonood ka ng sine,masarap ilagay sa lap mo at iutos sa kasama mong manood na sige paaahhh! dukutin mo pa ang lanzonez koooo!

    nyahahha!!!

  6. Good news pa din kasi matutuloy ang pag-uwi di ba? Yey!
    Sana tumanggap na ang LBC ng mga padalang lobsters at crabs. Para may pasalubong din kami. ahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s