aabutin ng tanaw

Standard

abot tanaw ngunit di maabot ng kamay
kaya bang tawirin ang kunting distansya?
kung kaakibat naman nito ang pagbabago ng lahat.
pwedeng sumubok, pwedeng hindi.

may mga sandaling kayang bitiwan ng tao ang lahat maramdaman man lang ang isang lualhati, nakaw na sandali.

pero pilitin man, may isang di nakikitang pader na nakaharang.

hangang tanaw lang, hanggang panaginip lang,
dahil kung susubukan, pwedeng liparin ng hangin ang lahat.

may kaakibat na bigat sa balikat ang pipiliing desisyon,
pwedeng madali, pwede ring hindi.

sa pagtannggap sa sitwasyong ang hangganan ay di man lang pwedeng tawaging may masayang wakas ay isang hamon.

malay mo ang dangkal na pagitan ay magsisilbing ilaw para mabalanse ang dilim at liwanag sa bawat mundo.

hindi ikaw at lalong hindi ako ang may hawak para paglapitin ang tadhana.

sa ngayon, pwedeng ngiti ang magpupuno sa espasyong di mapag-abot ng kamay ngunit naabot naman ng tanaw.

__________________________________________________________________
subok ulit sa pag-guhit gamit ang kape, sana may improvement man lang kahit kunti…hehehe

Advertisements

26 responses »

  1. ay nandito langako kanina dapat pala di na ko umali ate anini ko. di tuloy ako base. T_T

    kelangan gumawa ng paraan para maghawak ng kamay!!

    maso, laserbeam, asong may bakal na pangil.. sirain natin ang paderr!!

    grrrr

  2. kala ko din base ako pero ok lang. may paraan ako para magkahawak kamay sila. unti untiing tanggalin ang pader na kape sa likha ni ani. tapos itimpla na natin. sakto kakaantok dito sa opis.

  3. Hindi ba isa sa mga pinakamahirap i drowing eh yung kamay? Hanep Ani, ibang level ka! Hihintayin ko yung gift mo saken, ang gusto ko yung isa sa mga gawa mong gawa sa kape. Or kung gusto mo, i drowing mo nalang ako, tutal hindi ako pinagbibigyan ng wlaang kwentang hayuf na tae na si Duking.

    • vajee, gawa yan sa kape..hahaha

      at super like ko ang avatar mo, si tinkerbell..waaa! gusto ko syang i-draw na sariling version ko..hahaha

      mahirap kang i-drawing..hahaha

  4. Status: It’s Complicated

    alam mo ba na pinakamahirap idrawing ang mga kamay at paa pero ikaw kuha mo pati guhit ng palad clap clap clap for that! ๐Ÿ™‚

  5. naks! improving. pero bat kaliwang kamay ang nilagay mo? parehong kaliwa. hmmmmm… yung singsing nasa gitna/dirty finger. bakit? hahaha! pasensya na anini sa drawing ako nag-concentrate. improving ah! ang laki ng pinagbago ๐Ÿ™‚

    • obsrevant si tapa, hahaha.

      kaya daw nasa gitna ang ring kasi di daw magkasya sa ring finger..hahahaha, joke lang!

      whatever it is na nailapat sa drawing, may sariling dahilan ang artist..naks!..wahahahaha

  6. pahusay ng pahusay.tuloy ka lang sa medium na kape.lalo mo nang napapaganda eh.

    sa salysay naman.syempre,wala akong masabi.humahanga pa rin ako kung paano mo ipahid ang kape at ang mga salita para lumikha ng mga ganitong madamdaming akda.

    magaling,tinkerbell!

    • maraming salamat kapitan hook!

      seseryosohin ko na sigoro talaga ang pag-gamit ng kape sa pagpipinta..

      natawa ako sa madamdamin, walang damdamin ang nagsulat nyan..hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s