batang walang sapatos

Standard

halos araw-araw ko syang kasabayan na nag-aabang ng masakyan sa kanto tuwing umaga, ako jeep tapos sya naman ay motorela, simula nung hunyo, madalas sya ang una kung nakikita tuwing umaga. nakasuot ng may kalumaang uniporme tapos naka-tsinelas at bitbit ang itim na backpack na halos mas malaki pa sa kanya, dati gusto ko ngang itanong kung di ba sya nabibigatan kaso sa tuwing sinusubukan ko syang kausapin, saka naman susulpot ang jeep na sinasakyan ko o kaya sya naman ang nauunang makakahanap ng motorela.

simpleng ngiti lang ang palitan namin, sigorado dahil araw-araw ba naman kaming nagkikita, pero natatawa ako sa sarili ko, ang daldal ko pero yong bulilit na batang yon, di ko man lang nakakausap.

kanina, malayo pa lang ako, tanaw ko na naman ang batang yon, suot ulit ang malinis pero may kalumaang uniporme, pero habang papalapit, mas una kong napansin yong tastas sa pantalon nya, sa kanang bahagi, pumasok sa isip ko na di man lang ba napansin ng nanay ng batang to yong tastas sa pantalon, pwede naman sigoro nyang tahiin yon, pero, di ko pala sya kilala, di ko kilala ang nanay nya, wala akong alam sa kwento ng batang to at lalo sa pamilya nya.

ang madalas kung napapansin sa bata, yong masayahing aura nya, yong kahit di nakangiti, para parin syang nakangiti, tapos ang gaan nyang kumilos, hindi maliksi, simpleng gaan, na parang balewala ang problema sa mundo, isang batang may lumang bag, luma ang uniporme pero kuntento sa kung anung meron sya.

at may napansin pa ako, di ko pa sya nakitang nakasuot ng sapatos. sa susunod na makaka-usap ko sya, gusto ko nang itanong kung anong sukat ng paa nya.

Advertisements

49 responses »

  1. Alam ko yang aura na sinasabi mo. Dumarating din ako sa puntong kinaiingitan ko yung aurang ganun.

    May ganyan din kasi akong nakakasalamuha araw-araw. Kaya lang sa napakamurang edad e pinagkaitan na sya ng pagkakataong makapag-aral. Ang pinagkakaabalahan nya, pagtitinda ng pandesal.

  2. Awww how nice of you naman Ani. Totoo na masarap ang pakiramdam pag may tao kang napapangiti dahil sa maliit na bagay na naibahagi mo sa kanila. Nakakatuwa rin ang mga batang marunong magpahalaga kung ano ang meron siya, yung marunong magpahalaga sa kahalagahan ng edukasyon sa napakamurang edad. Sana makausap mo siya at malaman na rin kung ano ang size ng paa niya tapos share mo sa amin ahihihi. No joke interisante akong malaman.

    • hi ani! size 10 po ako! hihihihi!

      ang mga tulad mong busilak ang puso eh pinagpapala ni papa god.

      ambait mo naman, sana kunin ka na ni lord. jokjok. hihihi! labyu anini!

    • ninong santa, pag naitanong ko ba ang shoe size nya ay sasagutin mo ang sapatos nya?..hehehehe

      makakausap ko sya promise! bago magpasko malalaman ko ang sukat ng paa nya..gift ko yon sa sarili ko.

        • yehey! ninong santa ang bait mo…mhuaaaahhhh!

          seseryosohin ko to talaga.

          ang galing, may sponsor sya ng shoes…. ang saya ko, pwede na kong tumambling..hahahaha

        • ninong santa i love you na…yeeey! ang bait-bait mo, ikaw na ang pinakabait na ninong to the wholewide world…hahahahaha!

          kalimutan mo na yong hinihingi kung gift na lalaki, basta may shoes yong bata…yeeeey! super love you! mwuah!..

          ninong, inedit ko po ang comment mo, nakablank na ang email na nilagay mo, for your privacy.

        • Ahihihi sge Ani email mo ako okies? Talaga ok lang sa iyo na walang lalaki? sayang may nakausap na ako sana echossss ahahaha

        • wahahaha!

          ninong kung ibibigay mo naman yon, buong puso kung tatanggapin..hahaha, kaloka! basta ba hindi kami parehong madala sa mental ha!..hahahaha

          sige po, email kita pag naka-usap ko na yong bata. salamat ninong santa..mwuah!

    • di ko sya naabutan kanina tapa, late yata ako sa paglabas ng bahay… pero mahaba ang time ko para makausap sya..bago dumating ang pasko, makakausap ko sya, promise!

  3. Yayabangan kita Ani.

    Nong may mga batang naglalaro sa kalye, nahabag ako nang bonggang bongga. Kasi nong bata rin ako, wala ako brip, nagbrip yata ako, highschool na, true, kaya siguro ano..kwan..ano..kwan…tapos eto na ang kwento, hinubuan ng mga kalaro niya yong bata, eh di hiyang hiya. Ayun, pinabilhan ko ng brip yong bata.

    • ikaw na, ikaw na ang mabait… eh pano pala kung lahat ng bata sa lugar nyo walang brip?..instant santa ka..hahaha

      seryoso, minsan kasi mas magandang magbigay ng wala sa plano, yong diretso nalang kasi nakikita mong ito yong tao na dapat binibigyan ng blessings..

    • Ahahaha high school ka na kulisap nag brip? Dyos ko natawa naman ako sa iyo ng bonggang bonga dito. Ibig sabihin ba nun high school ka na rin natuli, mahabagin waaaaaaaaah

  4. naiimagine ko yung bata. parang napapangiti rin ako.. akala ko, medyo kawawa na ako kapag nabubutas na yung medyas ko.. that kid really makes me feel satisfied with what i have..

  5. habang nababasa ko ang kwento dapat pla noon hndi akong nging bad girl..huhuhu.. lalo na yung nag aaaral pa ako. i have to be contented on what i have…. hayssss…..

    • sa totoo lang lahat naman tayo dumadaan sa stage na naghahanagad ng higit sa meron tayo, pero darating din talaga yong time na ma-aappreciate natin yong mga blessings na dati di natin napapansin.

      salamat sa pagdaan rose. ๐Ÿ™‚

  6. hello ate anini. ang bait bait ko po ngayong taon na ‘to. malapet na po beerday ko, at opo size 9 po ako. hakhak! yung skechers sana na kulay green, wala pa po kasi ako nun eh.

    salamat. pagpalain ka nawa ng Diyos.

    pero seryoso, ang bait mo!!! paampon…

  7. natutuwa ako sa kwentong ‘to.ewan ko,pero ramdam na ramdam ko yung kabutihan sa puso mo.

    sana magkaroon ka ng lakas ng loob na alamin ang size ng sapatos nya.something wonderful might happen kung mas makikilala mo sya.

    yan ang horoscope mo ngayong araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s