bangkang papel

Standard

naging bahagi ka ng bawat ngiti ng kabataan,
sa panahong ang langit ay nagbabadya ng galit.
sa nagpipinta ng dilim at nagdadala ng lamig,
ikaw ay binuo para pansamantalang maanod ang tinatagong damdamin.
walang kasigorohan na paglalakbay,
walang tibay para tumagal sa alon ng buhay,
pero ikaw ay pansamantalang nagpapawala ng lumbay.
sa paglangoy sa di mawaring tubig,
halakhak ang nagpapagalaw,
palakpak ang nagpapa-anod
at may dalang ngiti kahit lumubog.

Advertisements

16 responses »

  1. bangkang papel! yes! gumagawa din ako ng bangkang papel dati tapos hahanap ako ng kanal… doon ko ipapaagos! hanggang sa lamunin na siya ng maduming tubig..
    minsan nagsusulat din ako sa bangkang papel na umaasa baka umabot sa malacanang… ang kurni ko!

  2. naglaro din ako niyan dati. hangsaya nga lalo pag bumabaha.

    @ser jakul

    kasi pag lumubog ‘yung bangkang papel ng kalaro at lutang pa rin ‘yung iyo, mangingite ka talaga. hihihi! XD

  3. nakakamiss mga simpleng bagay na ganyan… haizzz naisip ko minsan para tayong bangkang papel din pala minsan na minsan sumasabay ang sa agos, hindi man ganun katibay pero anu man mangyari nakukuha pa rin nating maging masaya kahit papaano…

  4. naglaro din ako ng bangkang papel nung bata ako..dun sa kanal pagkatapos ng ulan tapos malakas yung agos.. ewan ko bakit gusto gusto natin yun nung bata tayo kahit malayo pa marating nung bangka na yon ayos lang. simpleng laro, simpleng saya. sana ganun na lang lagi ano ?

  5. isang araw sa bansa namin ay naghimala
    dahil sa sulat ng tatlong bata
    sa bangkeng papel,sa payatas galing
    palasyo ng malakanyang ang narating

    dahil pantasya ang ganuong pangyayari
    sa simula pa lamang,lokohan ng maiigi
    ang gobyerno nga naman noon,tila limatik
    gagawing tanga’t manhid ang madlang nakamasid.

    bow.wala lang…naalala ko yung tatlong bangkang papel gimik ni gloria dati.sa sobrang kahihiyan ko sa ginawa nyang gimik,palihim akong nagpunta sa likod bahay at pinunit ko ang sedula ko sabay hiyaw ng: IBAGSAK!

    ayun,bumagsak yung ipot ng ibon sa ulo ko.ahihihi!

  6. naalala ko tuloy ng maliit ako.. naglalaro din kmi ng bangkang papel. tapos hihipan namin paunahan sa finish line.. hehehehe..
    super saya nun…..

  7. Nakakatuwang balikan ang panahon na kahit bangkang papel lang ang laruan namin noon ng bunso kong kapatid tuwing umuulan eh kontento na kami. Hindi ko akalain na malayo pala ang mararating ng mga bangkang papel na iyon haist.

  8. ako din naglaro niyan yehey!
    pero nagupdgrade na din kami styro naman tapos lalagyan ng propeler na iniikot sa pamamagitan ng goma at kapag irerelease naman ay ang bilis talaga
    kapag naman maypambili ng baterya mas ok

    ok bangkang papel pala ito, ginamit ito ni Gloria nun, pero nalubog pa din daw, pero ang bangkang papel ang isa sa mga nagbibigay ng ngiti sa mga bawat paslit na naglalaro kapag umuulan
    ok walang sense ang sinabi ko hihihi

  9. Ayos Ani. Naalala ko ang kabataan ko. Na di pa naman katagalan di gaya ng kabataan ni Salbe. Pero naglalaro ako dati nyang bangkang papel. At oo, tuwang tuwa ako pag umuusad sya. Kahit sa balde lang sa banyo minsan. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s