ngayon lang

Standard

sa tuwing nasa byahe ako galing sa probinsya mas madalas lutang ako, resulta ng walang kasama, buong gabi tinutulogan ko lang, minsan nakikipag-usap ng kunti sa katabi, pero mas madalas supladita, ewan ko, madaldal naman talaga ako pero pag nasa byahe, mas mabuting magmasid lang, mag-isip at mangarap.

minsan may advantage yong may mahaba kang oras na pag-iisip, wag lang masobrahan at hayaang ilipad ang isip sa mga bagay na impossible mo nang makuha, hmmmmm… mali sigoro ang salitang ginamit ko, hindi impossible, medyo hindi nga lang sigoro napapanahon, oras ang pinakamalaking kalaban, paano ito gagamitin na masaya ka at may diretsong tingin para sa gustong maabot, sa panahong akala mong naka-plano na ang lahat, bigla-biglang may sumusulpot na mga bagay na ayaw mong ipasok sa nai-drowing mo nang pangarap, pero kahit ayaw mong tanggapin, di nalang namamamalayang dahan-dahan na palang tinatanggap ng sistema mo, kailangang ihinto ang byahe o minsan lumihis sa kalsadang gustong puntahan, syempre parte ng pagbabago, hindi mo pwedeng i-dispatsa kasi pag nawala, hindi magkakaroon ng balanse ang kulay ng litratong dahan-dahang nabubuo, mismong larawan ng sarili mo.

kagabi, bago ako sumakay sa bus, andun na naman yong pakiramdam na sana tumigil muna ang oras, na sana andun lang ako sa bahay, pero nangangarap lang ako ng gising, hindi mangyayari yon, ayoko nang maghabol ng oras, gusto ko nalang sabayan eto. mas madali na wag nalang mag-isip, hayaan ang sariling lumutang, sa paraang yan, di mo namamalayang nakarating ka na sa lugar na pupuntahan.

madalas akong masabihan ng magulo, magulo kasi akong kausap, kung anu ang nasa isip minsan yon agad ang ginagawa, pero matagal ko nang napatunayang kahit gaano ako kagulo, kahit gaano kadami ang gusto kung gawin pagkatapos ng araw bumabalik ako sa pagiging simple, simpleng bagay lang ang kayang makapag-pangiti, isang malamig na hangin lang, madaming bituin sa langit, isang ngiti ng bata kuntento na ko.

ngayon lang, gusto ko lang mag-emo, pagkatapos na pagkatapos ko tong itipa, nakingiti na ko.

Advertisements

33 responses »

  1. bakit ganoon. si salbehe ganyan din ang pakiramdam. ako din minsan parang ang bilis ng oras na di ko namamalayang tumatanda na pala ako. minsan gusto ko lang din ihinto ito sa dahilang may mga bagay akong gusto na ayaw kong matapos. salamat ani sa dahilang naramdaman kong di lang pala ako ang nag-iisa sa mundo na ganito magisip. hehehe.

  2. Hmn, pagkatapos kong basahin ang iyong post ay napagtanto kong……tumatanda ka na, Ms. Ani hahaha! Ganyan ako bago naging otsenta anyos, naging sobra ang hilig talaga sa mga simpleng bagay ahahaha!

  3. walang option na mag work sa mas malapit lang sa lugar ng bahay nyo?ako kasi ganyan din.pag nakasakay at papalayo sa bahay namin,gustong gusto ko na sumigaw ng ‘para!’ sabay uwi.

    buti naman at masaya ka na pagtapos mo itong isulat.

    • pwede naman kapitan hook, na dun lang sa malapit kaso ako din naman ang nag-decide na sa malayong lugar magtrabaho.. kaya paninindigan ko. sa panahon lang naman na umuuwi ako ganito ang pakiramdam, pagdating ko sa working place, nakakalimutan ko na.

  4. Ewan ko Ani pero gustong-gusto ko naman ang mahabang biyahe, iyon na rin kasi ang tanging oras ko para mag muni-muni at tawanan ang mga kapalpakan na ginawa ko, at balikan na rin ang mga natutunan ko sa buhay. At tulad mo, magulo rin akong kausap.

    • sa totoo lang, masarap naman talagang magbyahe, basta wag lang magkaron ng katabing gugustuhing mong ibalibag sa bintana..hahaha

      mas mahabang oras na pag-iisip at pagpaplano.. basta! hahaha.

  5. pareho tayo aninipot.. madalas din akong hyper sa mga gustong gawin. yung tipong pag naisip mo gusto mo gawin mo agad. tapos sa huli actually gusto ko lang naman matulog, magrelax, manood ng tv o tumingin tingin sa paligid. balik ulit sa simple joys.

    yan din ang gusto ko pag nasa byahe… nakatingin sa labas ng bintana tinatanaw ang paligid. tapos ang dami nang namumuong laway.. este pangarap.. at mamaya lang tulog na ko. antukin ako sa byahe eh.. hehe..

    • oo nga Ms. Che, ang dami-daming pumapasok sa isip natin na gustong gawin pero ang totoong nagpapasaya lang pala ay mga simpleng bagay ;ang.

      hahaha, ganun din ako minsan… natutulog lang sa byahe, pero mas madalas na gising.. nag-iisip.

      • Haha ako nman basta may konting hangin lang tulog agad. Kahit nga sa jeep kahit ang lapit lng tapos mhangin sa labas nkkatulog na ko.

        Simple joys lang kahit isang mhabang tulog sa off day ok na. Fresh na tayo ulit:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s