subok

Standard

tinatamad akong magsulat ng bagong entry, kung sa palagay mo masipag na ang minsang pag-uupdate dalawang beses sa isang linggo, puwes sakin hindi, ang masipag sa bukabolaryo ko ay yong araw-araw may bagong sinusulat, at dahil tamad nga ako, pagpasensyahan nalang po ano man ang maitipa ko dito.

nakahiligan ko ngayon ang pagpipinta gamit ang kape, ilang beses nyo nang nakita yong mga subok kung gawa, at ilang beses ko naring nasabi na sinusubukan kong matutunan ang tamang pag-gamit nito.. para sa iba isang ordinaryong hobby lang ang ginagawa ko, pero sa mismong nagpipinta hindi, minsan lang ako nagkakaroon nang focus sa isang bagay, una sigoro yong hindi pumasok sa isang relasyon habang nag-aaral pa at nagawa ko nga..haha

pangalawa, ang pagpipinta, isang ordinaryong gawain pero dinadala ako sa kakaibang mundo, nasa kamay ko ang magiging resulta, hawak ko ang bawat guhit, timpla ng kulay at ang paglapat ng mundo sa isipan ko patungo sa isang larawan.. kaya kung magpinta ng limang oras na walang pakialam sa nangyayari sa paligid, pagkahawak ng brush, may sarili na akong mundo.

musika at libro, isa din yang sa bagay na di kayang mang-iwan sa panahon ng pag-iisa, pampakalma sa katahimikan, nagpapangiti sa kawalan at nakikisama sa kahit na anong pakiramdam.

may kanya-kanya naman sigoro tayong mga bagay na pinagkaka-abalahan, may kanya-kanyang gustong marating at matutunan, pero isang bagay ang nakita ko, hindi naman pala masama ang mag-isa, kung matututunan lang makuntento at i-enjoy ang mga bagay na nasa harap mo ngayon. hindi rin masama ang sumubok sa mga bagay na dati akala natin impossible, walang pwedeng magdikta kung saan ka pupunta, sa kung anong gagawin mo, tayo lang mismo.

Advertisements

22 responses »

  1. tama tayo lang mismo! at sabayan ng paghawak sa Diyos.
    kung ano ang magpapaligaya sa puso mo waling anini, sa mga nakagiliwan mong gawin ipagpatuloy mo lang, magaganda ang mag coffee paints mo

  2. Tinatamad din akong magsulat ng bagong entry. Pero blog ako ng blog. As in araw araw. As in like duh. Hahaha!

    (Oo ani, hindi ko binasa. Mamaya na lang kapag keri na ng workload ko.)

  3. “musika at libro, isa din yang sa bagay na di kayang mang-iwan sa panahon ng pag-iisa, pampakalma sa katahimikan, nagpapangiti sa kawalan at nakikisama sa kahit na anong pakiramdam.”

    hobby ko ito.. hehehe.. ani galing. nasan na yung mga painting …

  4. “musika at libro, isa din yang sa bagay na di kayang mang-iwan sa panahon ng pag-iisa, pampakalma sa katahimikan, nagpapangiti sa kawalan at nakikisama sa kahit na anong pakiramdam.”

    May mga gawain na tayo lamang ang hari, tayo lamang ang pwedeng magwagi na para sa iba…hindi sa kanila. 🙂

    Hi Aning

  5. Ginusto ko dati ang matutong mag pinta kaso hindi ako talaga biniyayaan ng talento sa larangan na ito.

    Totoong hindi masama ang minsang mag isa Ani dahil kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang gumala minsan ng mag isa 🙂

  6. “hindi rin masama ang sumubok sa mga bagay na dati akala natin impossible, walang pwedeng magdikta kung saan ka pupunta, sa kung anong gagawin mo, tayo lang mismo.”>>>Two thumbs up ako dito 🙂

  7. Buti ka pa nen, may dalawang beses kada linggo na update… Ako, once a month na lang yata. Tama, walang pwedeng magdikta sa atin kung anu ang dapat gawin. kaya bukas, busy busyhan man sa opis, keber, magpepetiks ako. yahuuu.

  8. Nauuso ata ngayon ang coffee painting. Nakita ko sa facebook ung gawa ng friend ko at mganda talaga. Maganda iframe tapos idisplay sa dining area.

    Ok din nman mg isa minsan. Tama ka madami nagagawa. Madami naaaccomplish. Minsan yun din ang kelangan natin. Focus. At nkkafocus lng tayo pag walang mga distractions.

    Share mo ung paintings mo, aninipot. Cgurado mgganda yun:)

    • oo nga.. pero ang nangyayari kaya ako nagpipinta, binubuhos ko lahat ng frustration ko dun, shock absorber at stress reliever ang naging papel nito sakin ngayon, hindi kasi ako magalang tao, pag katapos sa opisina, uwi na.

      i-shashare ko mga paintings ko Ms. Che, kung kelan di ko pa alam, sigoro tatapusin ko muna ang isang set, unang collection, tinitingnan ko pa kasi ang improvement sa bawat natatapos kung obra, mabuti na yong ako muna ang makadiskubre kung saan ako mahina at hindi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s