ikaw

Standard

may kulay ang bawat isa,
may hugis na iba-iba,
may katangiang kanya-kanya,
pero ang hamon ay kung kaya mo bang tumayo na nag-iisa?
kaya mo bang maipakita ang sariling ganda?
kung hindi pa, wag mag-alala,
may kanya-kanyang oras ang pagtingkad,
may tamang panahon ang pamumukadkad,
wag madaliin ang panahon,
mas masaya kung makisayaw nalang sa tugtog
dahil sa tamang dahilan, at sa iba’t-ibang pananaw ng karamihan,
ikaw ay hahangaan.

Advertisements

43 responses »

      • ako rin. akala ko mais. sori na talaga, ani. hihihi!

        mas gusto ko talaga ‘yung coffee painting mo.

        at anong kaemohan na naman ‘yang hinog sa pilit shit na ‘yan? lol!

        • oo na. mais na kung mais..hehehe

          hmmm, tinatamad kasi akong i-post yong mga bago kong coffee paintings saka di pa tapos yong buong collection kaya di muna. pag tinamaan ako ng hanging puti, pipiktyuran ko na sila, di na pwede ang scan mas malalaki na ang sizes ng ginagawa ko.

    • hahaha, oo nga, pero may punto ka ninong, para din tayong mangga, magiging maasim pag pinahinog sa pilit.. hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagmamadali, mas ok parin ang maghintay hanggang sa mahinog.

  1. Bulaklak yan di ba? Yung minsan orange, minsan yellow. Tama ba ako, Ms. Ani? Meron kami niyan dati hehehe

    “dahil sa tamang dahilan, at sa iba’t-ibang pananaw ng karamihan,
    ikaw ay hahangaan.”>>Tama, Ms. Ani, dahil tayo ay may kanya-kanyang panahon para mag-shine, shine, like the stars in the heaven..shine, shine…ahihihi. Sorry na, napakanta eh 🙂

    Talagang tuluy-tuloy na itong pagiging makata mo, Ms. Ani ha. Good luck. At sana ay mas marami ka pang tulang ganito na may kasamang drowing na maganda.

    • tama po Ms. N, bulaklak po yan..haha

      iniisip ko tuloy ano yang kanta na kinanta nyo..

      tuloy-tuloy ang pagiging makata, naku baka pati ako malunod Ms. N..hahahaha, basta may salbabida pwede ko sigorong gawin to ng medyo madalas.

      • Ah, Ms. Ani, yan po ang kantang Shine ni Ms. Regine Velasquez, isa sa mga paborito kong mang-aawit pero kapag hindi bumibirit hehehe. Sa youtube po merong video niyan hehehe

        Sige, hanap tayo ng salbabida para tuluy-tuloy na talaga yan 🙂

  2. naks naman! kala ko ba magpapa-alikabok ka ng bahay? hehehe…
    yan yung drawing na nasa kabilang page na tinanong ko dati kung ano… hmmmm… may kanya-kanyang oras nga ang lahat, sana lang mahaba pa yung oras kapag dumating na ang para saken. 🙂

  3. (kahit alam ko kung anu yan)

    mangga yan at saging… fruit salad! hehe.

    dahil dyan parang gusto ko tuloy maglagay ng drowing ko sa blog. kaso taon na ang lumipas nung huli kong pagguhit. lol.

    • haha, parang apat na kayo ang nagsabi na mais to..waaaa! sign na ba ito na dapat di na ko magdrawing gamit ang oil pastel?..hehehe

      o cge..kape na talaga ang medium ko..

      hello pirate keko, welcome sa kagubatan ko.

    • little hamster naman, pinapakamot mo ko sa ulo..wahahaha, pero natawa ako sa comment mo, nawala nga yong kaba ko kanina dahil nabasa ko to bago ako mag-emcee sa isang event dito.

  4. haha.. natawa ako sa comment ni jason.. me final answer pang nalalaman.. hahaha..

    ako naman eh.. can i call a friend? .. haha..

    ang ganda ng message mo aninipot.. everything will fall into places in His time. wag lang mainip kasi lahat tao may kanya kanyang turn to shine. hindi laging bagyo.. me rainbow din para sa tin.. antayin lang.. 🙂

    • o cge go Ms. Che, you can call your friend, sigirohin lang na kilala nya din to..hahahaha

      korek! everything will fall into places in his perfect time, pag dumating yon, mag sa-shine talaga..haha

  5. sabi ng makatang si ani, may kanya-kanyang oras ang pagtingkad,
    may tamang panahon ang pamumukadkad. :]

    kwan ‘to, either bromeliad or relative plant nya, tama? he, he…

    pwede ba ‘kong pagawa ng avatar sa aleng talentada? pag maluwag ka, siyempre… :- pwede kitang i-email about it? thanks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s