hindi ito movie review ng HP7.

Standard

Nasabi ko na magpapa-alikabok ako ng blog, dahil una, tinatamad ako. Pangalawa, wala akong maisulat..maikwento pala, dahil nga resulta ng katamaran at pangatlo, pinangako kung di ako mag-uupdate hangga’t di ko natatapos ang butterfly collection na kasalukuyan kong pinipinta gamit ang kape.. pero sa kadahilanang may sakit ako at nagugutom, kakainin ko ang sinabi ko na di ako mag-uupdate.. walang makain dito kaya yong sinabi ko nalang ang kakainin ko.lols

isa itong update na basta lang may mai-salitype dahil nanood kami ng harry potter magkukwento ako, pero lilinawin ko lang po, hindi ito movie review, isa lang itong kalokohang napapansin ng isang aninipot dahil nga tamang adik lang ako… dahil nga pareho kaming potter adik ng housemate ko, pagpasok pa lang ng sinehan bawal na ang kwentohan, di pwedeng magtanong dahil pareho naming binasa ulit ang libro bago manood sa sinehan, ay! meron pala kaming magaling na idea na gusto naming gawin bago manood, dahil nga walang 3D dito, nagplano kaming magdala nalang ng stereoscope, sa hindi nakaka-alam kong ano eto, ang stereoscope ay ginagamit para maka-produce ng 3D photographs and maps, dahil nga ako ay forester at sya naman ay geologist pareho naming pinagdaanan na gumamit ng stereoscope.. pero ang problema, kelangan namin ng dalawang screen..wahahaha, asan kami maghahanap nun?..pamalit sana sa 3D eyeglasses, pero dios mio mas mahirap pa ang gagawin namin..

warning: spoiler alert! wahahahahaha, kung di mo pa napapanood stop na dito pa lang. wag mo nang basahin please baka magalit ka sakin..

ok, eto yong ilan sa mga side comments na nagagawa namin habang nanonood ng movie, una,

“asan na yong scene na nagpa-paalam si dudley?..wala sya sa movie…makabagbag damdamin pa naman yon.

“hala! diba may kasama si snape nung pumunta sya kina Voldemort?” dalawa silang late nun.

“awww! bakit hindi pink ang hair ni tonks?(a.k.a nymphadora) dun sa time na sinusundo nila si harry.

“wow! ang ganda ng wedding gown ni fleur”. bading ako, napapansin ko yon..hahaha

“ang sexy na ni hermione”.

“awww! asan yong story ni Lupin?”.

“diba may b-day party si harry before the wedding?”.

at maraming-marami pa.. yan ang hindi nag-uusap sa sinehan, side comments lang yan.lols

dahil nga hindi ito movie review, sasabihin ko parin to, kahit madaming scene na minadali, may mga naputol, maganda parin ang kinalabasan, kahit nabitin ako, love na love ko parin si dobby, at pati si snape love ko sya ng sobra..

at dahil nga pareho kaming bitin ng housemate ko, nag-pizza at pasta kami pagkatapos, nagliwaliw at nagpunta ng ukay-ukay, pinalipas ang pagkabitin sa movie, pero magkaganun paman yon parin ang topic namin kahit kumakain na, hindi naman halatang adik no?

o sya, dahil ako ay may sakit pampalipas oras lang to, ayaw kong mag-work, pero hindi tamad mag update.

Advertisements

28 responses »

    • don’t worry fan din ako ng narnia pati narin ng lord of the rings…hahahaha

      ang only book na di ko nabasa sa narnia ay yong voyage of the dawn treader kaya nga inaabangan ko na kelan ang showing nun..hahaha

  1. napanood ko na yey!
    ang sexy ni hermione (lalo na sa red dress niya) at may laplapan talaga sila ni harry
    di ko nabasa ang book kaya sa movie lang ako comment lols

    napansin ko lang sa series ng hp movies parang si harry lang ang di masyadong tumangkad? sinadya ba talaga siyang paliitin hahaha

    ok sumayaw silang dalawa ni hermione at nakakatawa si harry favorite part ko yung ibinalik ni harry kay dolores yung “YOU MUST NOT TELL LIES”

    • nagulat ako sayo kuya pong..ikaw ba yan?.. binanggit mo ang laplapan…anong nangyare?..wahahahaha

      oo nga, nakakatawa si harry habang sumasayaw, di ko mapigilang tumawa habang sumasayaw sya.. awkward lang kasing tingnan yong sway ng katawan nya..hahaha

  2. haha! di ko pa napapanuod kaya sabi ko stop na.kaso panalo pa rin curiosity.hahaha

    i can still remember your first days here in blogosphere..haha..i think the last post i read was about your father?haha. i stopped from blogging na dati kaso sinipag lang ako ulit. at sa bagong kwaderno naman..check my “about” to know more details about who i am.i hope you remember..:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s