wishlist daw?

Standard

makikiuso narin ako, dahil sa nagkalat ang mga pakontest, naisip kong sumali kahit isa mang lang sa kanila, matagal kong pinag-isipan kaninong contest ako sasali, mga 5 seconds lang naman, tapos go! umilaw ang pangalan ni salbe..hahaha

kaya eto gagawa ng wish list, at dahil di ako sanay na gumagawa ng wishlist,bahala na kayong intindihin, madalas kasing di nagkakatotoo, mas naniniwala akong kaya kong magpatupad ng wish kesa humiling para sa sarili ko..paano yon..secret!

ok cge go!

una, sana hindi lang silver anniversary ang aabutin ng parents ko, medyo habaan lang ng kunti, golden anniversary pwede na..haha

pangalawa, para sana sa sarili ko, magiging masaya, dati na akong masaya pero gusto ko paring maging masaya, kung nagugulahan ka, ok lang sinadya kong malito ka..haha (dahil hindi lahat ng sinasabi ko dito ay totoo, minsan kabaliktaran pa nito, magaling lang akong magtago..wushu!..haha)

at pangatlo, dahil sabi ko nga hindi ako madalas humihiling ng para sa sarili ko, bibigyan kita ng chance na sayo ang pangatlong wish, isa lang, para sa sarili mo, at hihilingin kong matutupad iyon.. go! wish na… tsing!

wish granted!!! paano? pag-isipan mo.

P.S.

34 responses »

  1. May winiwish din ako para sa iyo. Kung di man yun magkakatotoo ngayong darating na pasko, alam kong matutupad pa rin yun.

    Happy silver wedding anniversary sa nanay at tatay mo.

    Maligayang Pasko, nen! ๐Ÿ˜‰

  2. Naku, di na ako puwedeng gumawa ng wishlist kasi…kasi nakagawa na ako ng wishlist sa blog ko dati hehehehe. Wala lang, nangugulo lang sa wishlist mo ๐Ÿ˜€

    Yes, matutupag naman siguro yung wish mo para sa parents mo. Malay mo, umabot pa sila ng diamond ๐Ÿ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s