tsokolit ni Santa

Standard

Naniniwala akong nagsisimulang mamigay si Santa Klaus ng regalo pag nagsisimula na ang buwan ng disyembre o kaya may dekorasyon na sa bahay. Kaya pagpatak pa lang ng unang araw nito, oras-oras kong binabanggit kay nanay na kailangan na naming gumawa ng christmas tree. Baka di dumalaw si Santa Klaus sa bahay kasi di pa pasko samin. Napilit ko pa ang nanay na isabit ang parol sa bintana para sigoradong makikita ni santa na may pasko samin kung sakaling dumating na sya ng Pilipinas. Umiikot daw kasi si Santa sa buong mundo pero uunahin nya muna ang mga lugar na may mga snow bago ang Pilipinas.

Pero sabi ni nanay di pa daw pwedeng magsabit ng medyas kasi sa bente-singko pa ang pasko, di daw mapapansin ni santa ang isasabit ko. Pero bakit ang kapitbahay naming mga bata araw-araw ng kumakain ng tsokolit galing kay santa, puno daw ang mga medyas na sinabit nila.

Kahit di pa pwede, sinabit ko ang medyas doon sa may bintana, halos katabi na ng parol, sigorado ako makikita agad iyon ni santa kahit nasa langit pa sya at lumilipad.

Kinaumagahan, walang laman.

Nalungkot ako, pero tama sigoro si nanay di pa dumating si santa sa pilipinas. Pero bakit yong kapitbahay merong laman ang mga medyas? Tiningnan ko pa nga, mga tsokolit parin katulad nung mga tinda ng mama nila, sigoro di dumalaw si santa kasi wala kaming tindahan.

Pag-uwi ko sinabi ko kay nanay. Sabi mo wala pa si santa Klaus, bakit sila may-may may tsokolit na galling kay santa?
Bakit po sakin wala? Sinabit ko pa naman sa bintana na may parol para talagang makikita ni santa. Kailangan po bang malaki ang medyas at malinis? Sila may-may nasa kwarto lang kaya sinabit tapos hindi pa malinis ang medyas, bakit meron na?
Ngumiti lang si nanay tapos sabi, kasi si santa sa December 16 pa magsisimulang dumalaw satin. Sa susunod doon mo isabit sa Christmas tree para madaling mahanap ni santa ha.

Araw-araw kung tinitingnan ang kalendaryo, binibilang ko ilang araw nalang para December 16 na. Nung December 15 na, sabi ni nanay pwede ko na raw isabit ang medyas, tapos matulog nang maaga kasi magsisimba kami para sa Misa de Gallo.
Di ako makatulog kakaisip na lalagyan na ni santa ng tsokolit ang medyas na sinabit ko, yong mahabang may bulaklak na maliliiit na kulay pink pa para magandahan si santa.

Naisip ko pang baka pwede kong makita si santa, magkakasya kaya sya sa pintuan namin? Pero may magic sya, alam ko mapapaliit nya ang sarili nya.

11:30.

11:45.

11:50.

Pinipigilan ko talaga ang antok, hinihintay ko si santa, bawat may kakaibang tunog alerto ako, baka sakaling si santa na yon.

12.50.

Wala parin. Bumangon ako, umupo sa may hagdanan pero sa parteng alam ko di ako makikita ni santa pag dumating sya. Pero wala parin. Baka alam nya na hinihintay ko sya. Ayaw nyang magpakita.

Bumalik nalang ako sa higaan at natulog.

Nagising ako sa mahinang tawag ni nanay alas kwatro na daw, ako lang kasi ang gustong-gustong sumama magsimba, mga kapatid ko, mantikang natutulog. Bago lumabas ng bahay sinilip ko ulit ang medyas, wala parin.

Pagkauwi lakad-takbo na ang ginawa ko, iniwan ko na si nanay sa simbahan, sabi ko mauna nalang ako, madami pa kasi syang kausap.

Pagdating sa bahay, diretso sa Christmas tree, sinilip ang medyas wala parin.

Ang lungkot-lungkot ko, maiiyak na hindi. Pero di bale di pa naman talaga umaga, di pa sumisikat ang araw, hahabol si Santa Klaus. Alam ko.

Tinulog ko nalang ulit.

Ginising ako ng kapatid ko, kumakain na sya ng tsokolit. Balikwas ako, takbo agad, Yey! May laman na ang medyas. Limang tsokolit tapos may bente pesos…. Sabi na nga ba! Di ako makakalimutan ni Santa.

Ang saya ko, kahit nagtataka bakit may mga tsokolitddin ang mga kapatid ko. Di naman sila nagsabit ng medyas? Sigoro nakita ni santa na may mga kapatid ako, nilagay nya sigoro sa mga unan nila. Sigoro ganun nga.

Basta masaya ako na di ako nakalimutan ni santa at alam ko babalik sya, kilala na nya ako.

Advertisements

16 responses »

  1. hindi totoong may santa claus! wala kang tsokolit, ani, wala! hahaha!

    wag mo ‘kong intindihin ani. badtrip lang ako dahil hindi ako ang nabunot sa parapol ni salbe. lol!

  2. Aww ang sweet naman ng kwento. Sana bumalik ang paniniwala ng mga paslit na may santa para kahit man tuwing pasko mabawasan ang kakulitan nila πŸ™‚

  3. Sakto nagkakabit nanay ko ngayon ng Christmas tree na gamit pa namen mula elementary pa ko. Haha. Buti buhay pa to.

    “sigoro di dumalaw si santa kasi wala kaming tindahan.” Ayyyy, may point! Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s