kumpleto bigla ang araw ko

Standard

kahapon lang, pwede kung ituring na maganda ang kinalabasan ng araw ko, kahit tambak ang trabaho. at ang dahilan ng lahat ay dahil lang sa isang batang sumasayaw. bakit? kadalasan pag umuuwi ako nakasanayan kong puno ng mga bata ang street kung saan ang apartment namin, sa palagay ko hindi uso ang family planning sa kalyeng ito, ginagawang playground ng mga bata ang kalsada, imbes na dadaan ang mga jeep, ginagawa nalang parking space ng mga jeep, motorela at padyak, o ha!

pero balik sa kwento, akala ko normal lang ang pangyayari sa pag-uwi ko, sanay naman ako sa mga batang naglalaro o nag-uumpukan pero yong kagabi medyo lihis sa ordinaryo, hindi naman kakaiba, nagkakantahan lang yong mga batang nasa 8 yrs old hanggang 10 at hulaan mo kaninong mga kanta ang kinakanta nila?..wahahaha, Justin Bieber bow.

ang nakakuha ng pansin ko, ay yong batang lalaki, hmmm, 9 yrs old ang hula ko sa edad nya..sumasayaw sya sa saliw ng kanta na Love me ni justin pero ang kumakanta ay yong mga kasama nya.. di ko mapigilang ngumiti pero nung dumaan na ako sa kanila bigla nalang akong napatakbo papasok ng gate tapos nagmamadaling buksan ang pintuan namin.. at bakit?..sobrang nakakatawa ang itsura ng batang sumasayaw, gumigiling sya na parang macho dancer with facial expression pa..ang landeeeee!..hahahaha, dios mio pag nakita ng mga magulang nya sigoro yon, ewan ko lang… pagkapasok ko ng pintuan namin, humalakhak talaga ako ng bongga… wala na akong pakialam if magtataka ang kapitbahay namin..

kahit nasa kwarto na ako, di mawala sa isip ko ang itsura ng bata, may pakagat-kagat pa ng labi ang style nya..wahahahaha. bow! basta ang sigorado tinanggal nung bata ang sakit ng ulo ko.

Advertisements

11 responses »

  1. At least may work na ang batang iyong paglaki. Kumukutikutitap..baka siya na ang tumupad sa pangarap kong maging macho dancer..buhahaha

    Ani nakakakoment pa ako dito.

    Halos lahat ng sites blocked na. Emails (gmail, yahoo at plok) wala na. Huhuhu

    • bwahahahaha, siniraan na kita sa plok-plok kuya.

      magresign ka na dyan..walang kwenta, telco kayo tapos halos lahat iba-blocked?..meebo nalang, subukan mo..makakapasok ka parin sa plurk, FB, twitter at di ko memoryado ang iba..hehehe

  2. Naiimagine ko ung hitsura ng bata. Sabi mo me pkagat kagat p ng labi. Haha. Ang lakas tlga ng impluwensya ng TV. Ung pinsan ko ding 5yrs old nakita kong sumayaw na parang dun sa dancers ng wowowee. Nkkatuwa pero parang nkkagulat din. Hehe.

  3. Malay mo naman maging sikat na macho dancer siya pag laki niya ahahaha. Nakakatuwa talaga ang mga bata sa ngayon dahil marami kang maririnig at makikita sa kanila na hindi mo aakalaing alam nila sa napakamurang edad ahihihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s