silencio

Standard

Babalutin ko ang sarili sa kadiliman hindi upang magtago sa presensya ng ilan at lalong hindi upang maintindihan ang karamihan.

Nanamnamin ko ang dilim para sa sarili ko, yayakapin ng katawan ang katahimikan nito.

Walang magbabago, wala nga lang bago.

Sawa na ako sa pag-iisip, sawa narin ako sa madalas na pagtatanong, mas magaan ang hayaang magpadala sa anino ng gabi. Walang makakapansin, wala ang mga matang papansin sa iyong mga galaw at wala ang aninong susukat sa mga maling desisyon mo sa araw.

hindi ito pagtakas ngunit wala din sa kalingkingan ng katapangan.

Ito’y pansamantalang paglimot sa sasabihin ng iba, pagmamahal sa pag-iisa at pakikipaglaro saan man dalhin ng tadhana.Wala akong sasabihin, wala din akong dadalhin. Lahat na iniwan ko dahil alam ko hindi ko pag mamay-ari ang mundo.

Ito ba ay may dalang pagbabago? oo, kung makukumbinse ko ang sarili na tawirin ang liwanag sa kalagitnaan ng gabi. Madali lang naman, kasing dali kung paano tayo nagsimula upang matutong humakbang. Pero may ibang pang paraan, ang hintayin na maubos ang kadiliman, matatapos din ang serbisyo ng gabi. Dahil titigil man tayo, di ka papansinin ng mundo, tuloy lang ang ikot nito.

kaya habang may panahon akong itago muna ang sarili ko, gagawin ko. Alam ko pag natuto akong lumabas mula sa pagtatago, paalam na naman ito.

πŸ™‚

Advertisements

35 responses »

  1. Natutuwa ako sa post mo na ito, Ms. Ani. Dahil dinala ako nito sa maraming kahulugang nasa likod ng mga salita πŸ™‚

    at nalaman kon gmahilig ka pala sa taguan hahaha! jowk.

  2. minsan siguro kailangan nating magtago. hindi naman komo nagtago e karuwagan na yun. sabi nga ‘life is not a continues activity, sometimes we have to stop and think for a while”.

    • dati na akong nagliliwanag sa dilim neil, may ilaw ako sa puwet..hehehe

      pero may tama punto ka, pero mas maganda paring hindi lang sa dilim magliliwanag kundi makikisabay sa agos ng liwanag para di ka matatakot humakbang.

  3. may kakilala akong ganyan..

    nasabi ko dati, “Walang nagtatago kapag gabi. Lahat ng vulnerabilities ng tao, lumalabas kasabay ng buwan at mga bituin… ano pang itatago mo sa dilim kung saan walang makakakita sayo?

    dahil as always, ang tao ay pakitang-tao, at lahat ng pretensions ay ginagawa kapag araw — kung kelan ang sikat ng araw ay parating tumatagos sa kaibuturan ng katauhan, parating pinipilit na i-expose ka… eh ayaw mo ngang magpakita diba?”

    andami kong sinabi noh?
    hahahahaha, mahal ko din ang gabi tulad mo πŸ™‚

    magandang araw πŸ™‚

    • hello essa, pwede bang essa nalang ang itatawag ko sayo?

      nabasa ko ang comment mo kay kuya duking at ang masasabi ko, isa ka sa mga nabasa kong magaling.. at malamang sa regular kong dadalawin. wala lang natuwa ako na may tao na naman akong hinangaan sa pagsusulat dito sa blogosperyo.

      at sa komento mo..amen to that.. mananahimik nalang ako.. hahaha

      • ESSA nalang para sayo. πŸ™‚

        sumulat ka din, SUMULAT KA PA.

        natutuwa akong makabasa ng mga blogs na hinuhugot sa kadiliman ng nakaraan at ng di mahanap na kasalukuyan ang emosyon..\

        aylavet πŸ™‚

    • ay hindi lio, hindi ako magha-hiatus.

      kunting tao lang sigorado ang nakakaintindi na minsan nagsusulat ako ng dahil sa gusto ko lang, pero syempre may parteng totoo at ang kalahati ay pwedeng hindi aminin..hahahaha

    • hahaha, hulaan mo nalang.

      mukhang kang sugpo, o cge papalanguyin ko sila ha tapos utusan ko lang sila na hanapin si jkulisap dahil yon ang kakain sa kanila..wahahahaha

      πŸ˜€

  4. sabi mo, your reading between the lines. maybe if i do that, mas magiging makahulugan ang comment kopero naisip ko bigla, maybe we’re writing things the way we do because we are content that people would find the meanings in all this the way they want it to but we’ll keep the true meanings between ourself.

    at pagtapos nating palayain na gaya ng mga ibon ang bawat salita, hayaan na lang natin ang nagbabasa na maiwang nagtatanong kung anu nga bang ibon ang nakakawala batay sa mga naiwang lulutang lutang na balahibo sa hangin…

    • may sasabihin pa ba ako? hahaha

      may point ka kapitan hook, kahit minsan habang nagsusulat andun yong pakiramadam na sana maintindihan ka ng iba, na sana nakikita nila ang nakikita mo, na sana nakuha nila ang gusto mong sabihin, pero sa tuwing nababasa na natin ang pananaw nang iba, hinahayaan na natin silang i-diskubre ang higit pa sa inaakala natin.

      magandang araw kapitan hook!

  5. anini, andami ko pang gagawin pero nalilibang ako sa mga salita mo at sa palitan dito sa ‘yong bahay.

    dami kong napulot na quotables dito: “hindi lang sa dilim magliliwanag kundi makikisabay sa agos ng liwanag para di ka matatakot humakbang, pwedeng sumama sa dilim pero magdala ng sariling liwanag, at Dahil titigil man tayo, di ka papansinin ng mundo, tuloy lang ang ikot nito.”

    ha, ha… naranasan ko nang tumigil at di nga ako pinansin ng mundo. umikot lang ‘to nang umikot na parang di man lang ako naligaw dito, ever.

    haaay, kelalim mo talagang bata ka. :]

    • waaa! ako po malalim?!? hindi po yata pero malalim nga talaga pahiramin kita ng salbabida kung may diving suit po kayo pwedee nyo nang isuot…hahahahaha

      at nagustuhan ko kung paano nyo binuo ang pinagtagni-tagni kung sinabi.

      salamat po.

    • wahahaha, subukan nyo pong wag marulog ng tatlong araw tapos pagkadating ng pang-apat na gabi, matulog kayo, tingnan natin kung sasabihin nyo pang matagal matapos ang gabi, malamang sa kulang pa ang gabi para sa pagtulog nyo…hahahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s