Malakas ang ulan kaya madalas ang mga flashbacks… mga kunting ka ek-ekan sa buhay kolehiyo. Itong buwan na to nauuso samin ang tradisyonal ng palitan ng sulat. Palitan ng sulat ng mga estudyante na di mo talaga kakilala, maswerte if kakilala sya ng kakilala mo pero kadalasan talaga hindi.
Pakulo ito ng mga officer ng bawat dorm, bale ang bawat girls dormitory ay may kapartner na boys dormitory. Ang mga officer ng kanya-kanyang dormitory ang bale mga bugaw..hahahaha, usually kase ginagawa talaga to isang buwan bago ang Valentines day. Hindi ko alam paano nagsimula ang ganitong kachurvahan pero malamng marami ang nagpapasalamat sa nagpasimuno nito na hanggang ngayon ginagawa parin yearly.
Kadalasang ini-encourage na sumali ang mga first year at second year students, malamang dahil madali pang utoin ang mga edad na to…hahaha,joke lang! kasama ako sa mga nauto dahil napasali ako sa ganito nung panahong nasa pangalawang taon ako sa kolehiyo. Katuwaan lang pero magandang pamapalipas oras.
Ang rules: dapat sulat kamay, bawal ibigay ang cellphone number, bawal din ibigay ang totoong pangalan, bawal ibigay ang friendster account (wala pang facebook nun) at lalo ang room number sa dorm. May kanya-kanya kayong pseudo name…. una, ililista nila ang mga pseudo name ng mga kasali tapos paagpipilian na yon ng mga lalaki.. after a day, may letter ka na… kanya-kanyang pakulo, anong papel ang susulatan, pero sakin isang sobreng mabango na may magandang penmanship ang unang natanggap..impressive syempre ang maganda ang sulat kamay.
Tatlo hanggang apat na sulat ang natatanggap ko sa isang linggo, every other day ang sulat. Anong pakiramdam sa ganun? Nakakatuwa..hahaha, hindi naman mahahaba ang letter minsan isang page lang pero yong thought na may nakilala ka sa tradisyonal na paraan.. Masaya! With matching ngiti..hahaha
Tuwing naaalala ko ang panahong yon, napapangiti ako, dahil ang totoo sa isang buwan kong kasulatan ang ka-manits ko, hmmmmm… nasabi ko bang “manits-manits” ang tawag naming dun? Kung wala, ayan naexplain ko na..wag nyo lang akong tanungin saan kinuha ang tawag dun dahil hanggang ngayon di ko parin alam… balik tayo dun sa sinabi ko, sa isang buwan na pakikipagpalitan ng sulat, absent ako sa revelation day..wahahaha, loser no? pero ang maganda wala din sya… pareho kaming may exam, ang natanggap ko lang, isang bouquet na roses, pinadala nya sa organizer.
Hep! Hep! Wag mag-isip ng masama, walang love story na nangyari..hahaha, naging isang mabaet na kaibigan lang sya, kaibigan nga ba? Kasi ang naaalala ko lang sa kanya ay ang pseudo name nya, promise! Nakalimutan ko ang real name nya… since graduating din ang mamang yon..busy-busyhan sya. Na-meet ko lang sya before his graduation… second year ako sya fifth year na.
At hanggang ngayon , nakatago sa isang box of memorabilia ang mga sulat nya.. wala lang, nakakatuwa kasing magtago ng mga sulat plus magaling ngang kasulatan yon, bawat sulat may topic. Hindi basta-bastang pakikipagkilala lang.
Memories…. If tatanungin ako kung babalikan yon, sasali pa ba ako?.. malaking OO ang sagot ko. Sinong aayaw na may aabangan kang sulat kahit sobrang pagod, napapangiti ka.
Priceless yong excitement pag sinabi sa inyong may mga sulat na naman..parang mga bata lang na nakatanggap ng chocolate. Plus yong idea na tumawid ka sa isang mundong di mo alam.. syempre hindi natin alam kung sino yong kasulatan mo.. who knows? Mga campus figure pala yon at dun nagsisimula ang istorya este ibang istorya di ako kasama…hahaha.
Natatawid mo ang isang linya na if ordinary circumstances di talaga pwedeng magkasalubong ang mga landas nyo.. instant kaibigan ang sa iba nga naging Ka-ibigan.
Imagine ang nagagawa ng simpleng palitan ng sulat.. hays! Ngayon ko naisip na gusto ko palang maranasan ulit na may matanggap na sulat.
Sinong gustong makipagpalitan ng sulat sakin?..hahahaha, pag pasensyahan lang minsan ang mga katarantaduhan at ka-adikan ko. Pero if game ka, game din ako. Yey! Mwuah! Adik na naman ako.