eleven for 2011 sana ang title ng post na to (kaso walang akong maisulat na labing isang kwento)

Standard

ayoko pa sanang bumalik, mas gusto ko pang matulog at kumain plus hinaluan pa ng malamig na hangin, bakasyon grande ang pakiramdam, ayokong magkwento sa handaan dahil lahat naman nagcelebrate sa kanya-kanyang paraan, doon sa nagsasabing hindi sila nagpasko, doon kayo sa presinto magpaliwanag dahil di ako naniniwalang hindi mo inabangan ang panahong ito, may lungkot man ang iba, pero basta may napasayang mahal sa buhay, ok na. Isa lang ang namimissed ko, gusto ko parin palang maging bata, hehe, yong hinihintay mo lang na darating ang panahon ng pasko, puno ng pananabik, ngayon, nakakapagod, sige na nga aaminin na tumatanda na yata ako, narealized ko na kasing dati inaabangan ko lang ang pasko ngayon tayo ang gagawa ng paraan para maramdaman ng iba ang pasko. di pa ako seryoso sa lagay na to ha.

pagkatapos ng halos dalawang linggong bakasyon, parang panaginip lang ang nangyari, parte nalang ng alaala ang lahat, baon ko sana ang isang napakahabang kwento, pasalubong sa mga gumagala sa kwadradong mundo, kaso iba ang nangyari, lahat inanod ng baha, inanod ng takot sa pagka-stranded sa kalsada pabalik.

wala namang bago sa panahon, inaasahan sa probinsya namin na tag-ulan ang buwan ng disyembre at enero, malalaki din ang alon, may galit ang mga hampas pero sa mga taong tulad ng mga kapatid ko, ikinakatuwa ang ganitong pangyayari, mas masaya ang surfing. Ang tag-ulan naman pag-asa ang dala para sa mga magsasaka, simula na ng pagtatanim ng palay.

pero pag nakita mo na ang national hi-way ay para nang ilog, ibang usapan na ito. kung sa ibang pagkakataon sigoro matutuwa pa ako sa nangyare, aba! akalain mo sa sobrang lakas ng rapids pang extreme water rafting na, extra adventure pa. Pero, naman ako po ay pabalik sa trabaho, inu-ubo pa at sinisipon, malamang sa pag ikaw ang nasa katayuan ko, di ka rin matutuwa, ang normal na 9 hours travel ay naging 16 hours. Lantang gulay ang nangyari sa lola mo, ang nakakapagod ay ang pag-iisip, pag-aalala kung makakarating ba at minsang paninisi sa sarili bakit pa bumiyahe. pero dahil nga naiblog ko na, ibig sabihin andito na ako.

nakakapangilabot ang tumawid sa dam kung saan nag-overflow ang tubig, nakakalungkot makita na maraming bahay ang naanod, mga kabuhayang nasira sa isang pag-agos lng ng tubig. Mas maswerte parin tayo na sinimulan ang taon na balik trabaho lang, sila bumalik nga, bumalik at kelangang magsimula ulit.

naitanong ko sa sarili ko, manggugubat ka! anong nangyari?..pero wala akong maisagot, kahit naman kasi kaya kung ipaliwanag sa teknikal na aspeto bakit nangyari yon, wala parin. Bumaba ang tubig mula sa bundok dahil di kayang agapan ang sobrang tubig, kalbo ang kagubatan, kayang magpatumba ng puno sa isang minuto pero sampu hanggang labing-limang taon ang kelangan para tawaging puno ang isang halaman na itinanim. See the difference? ayoko sanang simulan ang taon sa ganitong paraan pero kelangan.

alam ko namang alam ng lahat na kailangang magtanim ng puno, alam ko rin na halos lahat alam na disiplina ang kelangan para masugpo ang problema. Ang tanong may ginawa ka ba?..sisihan lang naman diba? ako bilang manggugubat, may magawa man pero ilan lang ba ang tulad ko, ang ilan pa ay nadidiktahan ng proseso ng pamumulitika. Mahirap mag-astang mareresolba namin ang problemang tulad nito dahil sa totoo lang isang malaking HINDI. Dadagdagan pa ng panghuhusga at sisi mula sa ilan. sigoro naman kahit simpleng pagkukwento sa iba sa kahalagayan ng tamang pagtapon ng basura, simpleng disiplina, isang malaking tulong na.

hindi pa naman ako seryoso diba?.haha!

HAPPY New Year Everyone! 😀

Advertisements

20 responses »

  1. Kaya ko gusto maging bata eh dahil sandamakmak ang regalo na nakukuha ko non. Lalo pa’t malapit sa pasko ang birthday ko. Ngayon kapiraso nalang. Nakakalungkot much!

    Ang pag ulan, palay, pag asa ng magsasaka.. iba ata naiisip ko! Bwahahahaha.

    Never pa ko nakakita ng mga nagkasiraan na bahay dahil sa baha. Ang nakita ko lang eh yung mga na ondoy, na sa area namen eh hindi naman masyadong affected. Pero marami akong kilala na nasalanta. Nakakalungkot lang.

    Pero tutal mangungubat ka naman, para makatulong ka, magtanim ka ng Marijuana. Hahahahahaha.

    • mabuti ka nga may kapiraso pa, ako ewan ko lang..haha

      sa tingin ko naisip ko rin ang naiisip mo vajee pero ayoko nang magsalita, mabaet daw kase ako..bwahahaha!

      ngayon ko lang nalaman na nakakatulong ang pagtatanim ng marijuana, at sa anong paraan naman yan vajee..explain!..hahaha

  2. ito ang unang posteng dinalaw ko ngayong taon 2011. hahaha.. kagaya ng dati balik na din ako sa pangungulit. di man ganoon katulad ng dati ngayon sisikapin kong makadalaw sa lahat. kamusta ani? mukhang di ata naging mganda ang pagbalik mo.

    tama ka minsan tayo din ang solusyon sa mga problema ng bayan ang hindi ko lang maintindihan sa tao eh alam na nga ang solusyon kaso nagbubulag bulagan lang. eye opening ang poste na ito. salamat

  3. Sa isang punto, siguro kailangan pa ni Inang kalikasan na iparamdam sa tao na dapat sya pagmalasakitan. Marami pa rin ang hindi magkandatuto sa kabila ng mga kalamidad na naranasan.

    Sa totoo lang, nasisira ang araw ko sa mga nagsusunog ng basura na may plastic at sa mga nagtatapon ng balat ng kendi at pinagkainan sa kung saan-saan. Gusto ko silang ilagay sa plastic na garapon tapos takpan hanggang sa maubusan sila ng hangin. Harharhar!

    • happy new year sayo diwangtanglaw!

      mukhang may punto ka nga, minsan ang tao kelangan munang iparamdam ang sakit, ang trahedya bago magtanda, nasa satin na kase minsan ang ugali na pabayaan nalang hanggang wala pang nangyayari..kakulangan sa disiplina at di pag-iisip sa mangyayari sa susunod na panahon.

      hala! nakakatakot ka pala, daig mo pa ang pulis mandirigma ng kalikasan..hahahaha

  4. simpleng disiplina lang, sa cityville ko nga ayoko ng pinuputol kahit yung puno, one time may kapitbahay na pumutol ng puno ko dun, kaya pinuntaha ko yung city nya at pinutol ko yung 5puno nya ahhahahha, ganyan ako rumesbak 1:5 ahihi, pero kung sakaling mabasa to ni Joyo,hindi ikaw yun Mi Amore kahit pinutol mo yung isa kong puno ahahha, dito ako nagsumbong.
    mahalaga ang puno, nagsasala ng hangin, nagbibigay ng oxygen, pagkain, gamot, tirahan at marami pang iba.. aba naman ano na ang paglalaruan at aakyatin ng ating mga magiging junakis kung wala ng puno, billboard na lang ba? o fence ng mrt?

    • hahaha! akala ko totoong puno na ang pinutol mo ate Ro, di ko tuloy maimagine pano mo pinutol ang limang puno..cityville lang pala.

      tama lahat ng sinabi mo, pero natawa akong isipin kung sa billboard na mag-aakyatan ang mga bata, ang saya nun, lahat ng tao makukuha ang atensyon..hahahaha

  5. Ahahhahaha, maaaga ang pagsubok mo Anini.

    Happy New Year.

    Dumadami ang tao, mas kokonti ang lugar ng mga iba pang may buhay sa mundo sa darating pang panahon. 😦

    • happy new year kuya!

      sigoro nga parte ng buhay yan, survival of the fittest pero minsan nakakalungkot din, tao lang naman tayo, nanghihinayang sa mga nawala na kung may disiplina lang pwedeng di mangyari yon diba?

  6. Nag-check ka na ba ng attendance dito sa bahay mo? I’m so late!

    9 hours travel ay naging 16 hours. Syet! Buti hindi ka nakarating sa buwan sa sobrang haba ng byahe! Parang Ondoy bakit hindi ko narinig sa balita yan?

    • nasa balita salbe pero late na, at ddi masyadong nabibigyan ng atensyon ito lalo na sa mindanao nangyari..

      haha, sobrang talaga ng byahe, kaya nga nanggugulo ako sa txt at dahil sun ka, ddi na kita sinama, wala akong load..hahaha

  7. una, inggit ako dahil malapit kayo sa dagat… :s

    pangalawa, tsinitsika kita ng kung anu-ano sa bakuran ko e, nanggaling ka pala sa matinding challenge a few days ago. naku, nakaranas din ako ng ganyan galing sa bakasyon dati, landslide naman. akala namin, katapusan na no’n, he,he…

    senga pala, basahin mo ang The Man Who Planted Trees i.e., if you haven’t read the book. Ayon, medyo happy ‘yon.

    blog tayo tungkol sa mga puno – baka kahit katiting, makatulong. :s

    • hmmmm, google google..ayon! nakita ko ang review ng book, kung may mahahanap na copy babasahin ko.

      at binigyan nyo po ako ng idea sa mga susunod na entry.. susubukan kong magpakilala ng mga puno.. yong mga paborito ko at kunting kwento..hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s