dulo ng daliri

Standard

Dulo ng daliri ang tahimik na saksi sa pagpapalayag ng isang kaisipan, na binuo ng isang damdaming naghahanap ng kasagutan. Walang pasumbali na ilalapat sa isang modernong papel ang mga sumasayaw na titik, na dahan-dahang inipon upang maisalarawan ang isang paglalakbay. Walang hanggang pananaw, walang hanggang paghahanap at di masisid na pagkakalinga sa mga salitang syang magkokonekta sa kaisipan ng bawat isa.

Ang pagtipa sa pahinang ito ay isang pagbabagi ng isang pagkakakilanlan, minsan di maintindihan ng ilan, minsan naman ay hahangaan. Kanya-kanyang paghahanap sa mga panlasang magdadala ng tamis na ngiti at meron naming pait na ala-ala. Walang magawa ang may-ari ng daliri na tumitipa, hindi nya kayang pigilan ang pagbaha sa kaisipan, kailangang palayain.

Ang mga daliri ay naghahangad ng pagdidikta ng isip, at ang isip ay okupado ng isang damdamin. Alin ang higit na makapangyarihan? Ayokong sagutin dahil alin man sa pipiliin may emosyong kukulay sa paligid ng taong mamimili.

Walang alam ang daliri na sya ang naging instrumento upang mailabas ang isang pananaw na pwedeng tawagin ng ilan na walang kwenta. Pwede ring gawing palaman, bitaminang walang pangalan pangmulat sa isang tulog na kaisipan.

Umabot ka na sa ikalimang talata, at wag mag-alala hindi na to mahaba, alam ko namang gusto mo nang magmura, nag-pakatalinghaga na naman ang lola. At napansin mo medyo palutang-lutang lang ang mga sinabi ko, hehehe, subok lang kung babasahin mo hanggang dulo. Ang aabot dito mahahalikan ko, hahaha! Biro lang, sige layas na…mwwuah!

πŸ˜€

Advertisements

27 responses »

    • hahaha, ang ibig ko lang namang sabihin salbe ay wala akong pakialam..joke lang!

      seryoso, gusto ko lang sabihing hindi ko kayang i-pleased ang lahat, lahat ng sinusulat dito ay syang tanging pwedeng ibigay ni aninipot, bow!…hehehe

  1. Sa lahat ng matalinhaga at pinilit ako huminga ng malalim, eto lang yung medyo confident ako na naintindihan ko. Bwahahahaha.

    Ani, nananatiling matibay ang stand ko. Walang walang kwentang resulta ng pagpipitikpitik ng daliri na sumasabay sa bugso ng damdamin. Merong mga comments na pwedeng ituring na walang kwenta, pero ang akda, madalang. πŸ˜€

    Pero pwede ba next time wag ka na maging matalinhaga? Nahirapan me much!

    • hahahaha, natuwa lang ako nung simulan ko to, at since di ko na alam paano ito maging madaling maintindihan tinapos ko nalang.

      minsan kase di ko narin alam if may nakaka-appreciate ba sa mga tinatapon natin dito, at ngayon ko lang ulit naalala na wala pala akong paki if may makakaintindi ba sakin..hahahaha

      next time vajee, gagawa ako ng entry na mga lolo at mga tao galing sa 19 kupong-kupong lang ang pwedeng makaintindi..bwahahahaha

  2. hi, ani.

    sa ilang nabasa ko, parang naiintindihan ko naman. nakikisigan ako sa iyong prose. simpleng malalim, ika nga…

    pag malapit ba sa nature, nagigi talagang poetic? hweh… di nga?

    gusto ko yong part na ang isip ay okupado ng damdamin. parang apartment na may tenant, gano’n? acheche… :]

    • hahahaha, ngayon lang po ulit ako nakabasa ng acheche since college.

      maraming salamat po at medyo naintindihan naman pala ang sinulat ko..haha

      madaling maging poetic kung gugustuhin. πŸ˜€

  3. Bukod sa ping na pinupromote ni Salbe, ito ang isa sa pinakamagandang pang-uri na nagawa mo sa isang daliri.

    Hindi lamang ginagamit upang manaliksik ng isang butas. Butas na kailangang linisin, butas na kailangang kilitiin subalit isang instrumento ng karunungang ipinamamahagi sa mga mambabasa at mga hangal na gaya ko.

    Nice. Like. Pang Kayumangging Damdamin Ani. Pramis πŸ™‚

    • ang totoo bigla kung namissed magsulat ng tulad nito. kaya kahit busy-busyhan ang beauty ko bigla nalang tumipa. naalala ko ang panahong nagsisimula palang akong magsulat at kunti lang ang kakilala.. πŸ˜€

  4. parang nakiliti ang utak ko at kusang tumipa ang mga daliri ko dito… ayan oh! hohoho!

    ako naniniwala akong hindi ko mapiplease ang lahat ng mambabasa pero sana wala akong masagasaan sa kanila!

    happy new year aninipot!

  5. ang maganda sa blogging,pwede mong isulat ang mga pangyayari at mga bagay na naglalaro sa isip mo sa paraang tuwiran o pagkukubli nito sa mga salita.

    ang writer din ang editor.the rest,nagpapahinga este taga basa,critic,co-writer at higit sa lahat FANS.nagiging friends lang kapag nagtayo na ng fans club na walang ibang maisip na pangalan kundi Friends Of Aninipotpot. Parang sa showbiz.

    basta natutuwa ako kase kahit pa moderno na ang paraan ng pagsusulat sa ngayon,madalas at madalas pa ring sa wikang naiintindihan kita nakakausap.Viva Le france!

    • yon nga ang maganda kapitan hook! kung gugustuhin kaya natin dito na magtago sa mga titik na ayaw intindihin ng iba, sa ganitong paraan pwedeng ilabas ang nararamdaman na buong-buo mong pinalipad tapos kunting tao lang ang nakakakita ng totoong kulay nito.

      wahahaha, pwede rin bang magtayo ng fans of the great duking?

  6. umabot ako sa dulo, san ang kiss ko?

    minsan hindi nga kayang sabayan ng daliri ang bilis ng ideyang tumatakbo sa ating kaisipan. powtek yan. kahit pa 60 word per minute pa ikaw kabilis. iba pa rin ang bilis ng utak.

    toinks. lutang din yata ang komento ko.

    • ipapalipad ko ms. shea..hahahaha, ayan na, saluin nyo po..hahaha

      hindi po talaga kaya pero dahil sa mga daliri kaya may mga salitang nailalapat dito.

      hahahaha, don’t worry ms. shea, marami tayong lutang.

  7. nilikha nga siguro ang daliri para ito ang magsilbing taga “edit” (o taga screen) ng mga salitang nag-uunahang lumabas sa bibig natin lalo na’t kung nasa matinding emosyon. ini-imagine ko, kung sakaling di tayo nabigyan ng pagkakataong makapagsulat gamit ang pagtipa ng keyboard, at direktang isigaw na lang ang kung anumang nararamdaman… mas maingay pa ata tayo kaysa sa mga nasa palengke.

    ka lawmom sa post uy, di jud matugkad, nen. ahaha

      • napaisip mo ako ate k, pasalamat tayo aat nabigyan tayo ng pagkakataong magkaroon ng daliri para isigaw ang anong laman ng utak natin dahil malamang sa malamang malulunod tayo sa ingay ng mundo.

        magsalbabida nalang ate k, ubanan taka, dili man pud ko kabalo molangoy. πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s