ang dagat at takipsilim

Standard

Hanggang ngayon hindi ko parin mahanapan ng paliwanag bakit mas gusto kong pagmasdan ang paglubog ng araw kesa sa pagsikat nito, kaya gusto kong himayin ang mga karanasan baka mahanapan ko ito ng magandang paliwanag. Mas gusto ko ang ideya na sa pagtatapos ng araw pahinga ang kasunod. Syempre magkaiba ang gusto mo at gusto ko, pero dahil ako ang tumitipa nito ako muna ang masusunod..hahaha!

Kasama sa pagiging aninipot ang pagmamahal sa dilim, pero pinakagusto ko ang takipsilim, naalala ko, dati na kahit nasa edad sampu pa lang madalas kung tinatapos ang araw sa paghihintay ng paglubog nito. Minsan sa pag-gawa ng mga kastilyong buhangin o kaya barko-barkuhan na gawa sa buhangin tapos hinahayaan itong sirain ng alon ng dagat. Nasisira lang ang mga ito pag madilim na kasi di ko na sinusubukang ayusin.

Hanggang ngayon pag-umuuwi ako samin, di pwedeng di ko masubukang hintayin na lumubog ang araw sa tabing-dagat. Madalas ginagawa ko ito ng nag-iisa, kaya nga nasasabi kong hindi ako takot sa pag-iisa. Mula pagkabata nakasanayan ko na, wala namang nakapagtataka sa ganun diba?

May natutunan ako sa tuwing ginagawa ko to, madali lang pala akong makuntento at napaka-simple lang ng kasiyahan ko pero madalas ilang tao lang ang kayang maintindihan na simple lang ang mga yon. Mahirap nga namang subukang tanggapin kong ano lang ang meron at sino ka. Dahil ang tao kahit anong pagdi-deny na wala tayong inggit at mga gustong makuha at maabot na minsan hindi na talaga kayang abutin kasi imbes na umakyat ng hagdan ng paisa-isa, diretso agad sa ikalimang baitang.. ilang hakbang ba ang malalampasan?

Isang pagsuko ang kailangan para masasabi nating natanggap mo ang pagiging ikaw, isang masakit na karanasan ang pagtanggap sa kabiguan, na hindi lahat kaya kang tanggapin ng buo, lalo na pag ang taong inaasahan mong tatanggap sa kahinaan mo ay sya pang unang lalakad palayo. Kay sarap magtago at ikulong ang sarili sa mundong kamay mo ang may control sa mga pangyayari.

Sa paglubog ng araw, kalakip nito ang pagtanggap na mahina ka at kelangan munang magpahinga, kung andyan ang dagat na nakakonekta malamang sa gusto lang ipakitang malawak pa ang mundong lalakbayin, marami pa ang panahong mararanasan, andyan ang panahon kung saan malalaki ang alon bago maranasan ulit ang isang dagat ng katahimikan, nasa atin paano imamaniubra ang sariling Bangka.

_____________________________________________________________________________________

P.S. ang totoo? Kaya ako nagsulat ulit para lang ibandira ang bago kung pininta gamit ang kape..hehehehe, at di pa tapos yan, luka-luka lang ako at masyadong excited medyo matagal narin kasi akong di nakakapagpinta, hmmm, mga 3 weeks lang naman.. akala mo kung ilang taon di nagpipinta..wahahahaha.

sa susunod na ang mga posteng hindi seryoso, tinatamad akong magpaka-adik..haha

Advertisements

17 responses »

  1. Sa akin din, mas maganda ang paglubog ng araw marahil dahil mas madalas ko makita ang paglubog kesa sa pagsikat ng araw. Hay, inggit ako, nakatira ka malapit sa tabing-dagat.

    Syet na malagkit. Contentment at bagong pag-asa. Tama? Na-gets ko ba? =)

  2. ‘pag ang taong inaasahan mong tatanggap sa kahinaan mo ay sya pang unang lalakad palayo’ – paano pag hindi lang lakad kundi karipas pa ng takbo? hindi ba mas masaklap yon? he,he…

    galing ng painting. parang namamahinga na ang bangka, hi,hi… sa bond paper lang ba ‘yan o sa canvass? :]

    • mas malala if kaya nyang tumawid ng dagat maiwasan ka lang, ke saklap na buhay….hahaha

      water color paper ang ginamit ko, di pwede sa canvass, water based ang kape. pag magaling na magaling na ako saka pa ako gagamit ng special water color paper sa ngayon yong ordinary water color paper muna. πŸ˜€

  3. anung plano mo sa mga painting mo? papa auction mo ba ito o ipaparada sa gallery?

    ako,depende sa shift sa work.dahil shifting ang work ko ng 6-6 umaga or gabi, ang pagkagusto ko ng sunset at sunrise ay nakadepende lagi sa uwian.

    ang sarap talagang magnilay nilay kapag nag-iisa. dun mo lang kasi mare-realize kung bakit ka nag-iisa samantalang bilyon ang tao sa mundo at hindi pa kasama jan ang mga aliens sa ibang planeta.hahaha!

    • hahaha, ako lang yata ang nagpipinta na walang plano anong gagawin sa mga artwork ko, iniipon ko lang sila..hahahaha

      hmmm, tama ka kapitan hook, masarap magnilaynilay na habang nag-iisa magamit man lang ang mga panahong yon para sa sarili.

      pwede nating bilangin ang aliens, may kakilala ka?

  4. Pagmamahal sa dilim ba kamo? Ayan si Duks! Puro kadiliman yan! MUla loob hanggang labas kampon yan ni Satanas eh!

    Ani, ako hindi pa ko nakakapanood ng pagsikat ng araw kase lagi akong tulog. Yung paglubog maganda, lalo na sa beach. Lalo na pag may kalandian. Hihi. Sana magawa ko yan minsan.

    Ikaw na ang magaling magdrawing! Haha. Gusto ko ng ganyan Ate Ani.

    • hahaha, ibang klase talaga kayo magmahalan ni kuya duking no?

      gora! subukan nayang sunset na may kalandian tapos balitaan mo ko sa nangyari..hahaha

      vajee, diba nagpromise ako sayo naa bibigyan kita ng coffee painting?.. sige pagbibigyan kitang pumili ng subject na gusto mo at gagawin ko, wag ka lang mag expect na matatapos agad ang dami kung trabaho..hahahaha

      sabihin na, dali!

  5. Alagad ka ng sining Ani, mas madrama ang tagpo ng dapithapon kesa sa bukang-liwayway, kung anuman ang pwersang nakapaloob upang hikayatin kang tumingin at tumitig lamang sa namaaalam na araw, hindi ko rin maipaliwanag, tila ang araw at ako ay pinag-iisa sa kaniyang pamamaalam.

    Kapayapaan at pag-asa kapag ito’y muling sumikat. πŸ™‚

    Wala akong friend Ani, tandaan mo ‘yan ha? Good

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s