Thailand shower (Senna siamea)

Standard

Mga isang taon narin akong nagsusulat dito sa munti kung kagubatan pero ni minsan di ko man lang nasubukang mag-introduce ng mga puno. Napansin kung di ko man lang nagamit ang pagiging mangugubat sa mga kaadikang pinapahid ko dito kaya ito na. susubok akong magpakilala ng paisa-isa, baka sakaling may matututunan kayo kahit kunti man lang.

Sisimulan ko sa punong pinagkunan ko ng pangalan ng blogsite na to Siamea, galing sa scientific name ng Thailand shower which is Senna siamea. Nagandahan lang talaga ako sa tunog ng pangalan, demure pakinggan..hahahaha, walang ibang dahilan pero if maghahanap ka pa ng mahabang paliwanag sa susunod nalang ha.

Ok, eto napo. Ang Thailand shower ay kadalasang napagkakamalan sa pangalang Golden shower (Cassia fistula) dahil sa bulaklak nitong dilaw, at alam nyo na sigoro bakit shower kasi nalalagas ang mga bulakalak nito at nakikipaglaro sa hangin na parang mga diwata at paru-paro, oo na exaggerated ang description ko pero ganun talaga..haha!

Hindi ito kalakihang puno, bukod sa pagiging panggatong at pambakod paminsan-minsan, wala na akong ibang alam na pwedeng sabihing nagagamit ito sa pamumuhay ng tao. (Of course, with the inclusion of their major role as oxygen producer and for the carbon sequestration in the atmosphere).

hindi ito kakaiba, hindi rin kasing-ganda ng iba, pero bakit isa ito sa mga paborito ko? Hmmm….naging parte ito ng kabataan ko. Sa probinsya, ang paaralan namin ay puro Thailand shower ang halos lahat ng nakatanim na puno, pinakagusto ko ang panahon kung kelan magsisimula ang pasukan o kaya galing ng bakasyon. Bakit? Panahon na kasi yon para putulin ang mga sanga nitong nakakasagabal na, at dahil isang pampublikong paaralan iyon, direktang mga bata ang magtatapon ng basura. Lahat kami may hila-hilang sanga, minsan sinsakyan pa, ang saya promise! At sa panahong yon di ko pa naiisip namagiging mangugubat ako..haha.

Dapat hindi ganito ang format ng entry ko pero syempre dahil blog ko to, hinahayaan ko ang mga daliri ko sa pagtipa ng kung anu-ano, dahil kung ang purpose mo ay matuto, mag-google ka hijo at hija wag dito mag-research. Hahaha! Pero kung may katanungan ka tungkol sa punong ito.. pwedeng-pwede mong ibato sakin.

Advertisements

23 responses »

    • at may iba pang kwento bakit siamea, pero tinatamad nga akong mag-explain..haha

      naku vajee, wag kang magtaka kung sa panahong magkita tayo ay bigla nalang akong lalapit sa isang puno at kukuha ng dahon nito..ordinaryong ginagawa ko yon..hahaha

  1. sa wakas, natuloy na rin ang pag-feature ng puno. salamat, anini. sana may kasunod pa ‘to, hehe… šŸ˜€

    oy, meron din kami nyan sa probinsya. isa syang makalat na puno pero medyo maganda namang tingnan ang kanyang mga laglag na dahon, sanga at bulaklak. at oo, tagalinis rin kami ng mga pinutol na puno doon sa aming munting mababang paaralan. ganda nga kamong experience no’n.

    ‘yon bang supposedly ay tumutulong kayo sa paglilinis pero, hah, mas marami pa yata ang nagagawa nyong kalat, hi,hi šŸ˜€

  2. wow familiar ako dito syempre naman may subject akong tax of vas plants yey!
    akala ko din before golden shower ito
    kung mamimili ako ng puno sa mga napag-aralan namin nun gusto ko yung fire tree o yung bottle brush tree yehey!

    nakakalito din yung eucalyptus at yung japanese acacia kapag nakalatag na yan sa mesa kapag lab exercise malamang di ko makukuha ang tamang sagot

    wow na wow lang yung name, dun pala nanggaling yun yehey!

    • Delonix regia kuya pong!..hahaha, ako din love ko ang fire tree, tapos sa school namin nagiging tambayan din yon ng mga alitaptap pag gabi.

      hahaha, ako hindi masyadong nalilito sa eucalyptus at japanese acacia..hehehe, kapalmuks ako pero dito ako magaling.. halos napeperfect ko dati ang table exams namin.

  3. ipil ipil lang yan eh!hahaha!!!

    pero ngayon ko lang nalaman na yun pala yung pinag kunan mo ng pangalan ng blog mo. akala ko nung una yung name ng blog mo eh kung ano lang sakit katulad ng diarhea. hehehe!

    • hindi nga po ipil-ipil yan eh! kamapamilya lang sila..hehe, matigas ang ulo, binigay na nga ang pangalan..walang bulaklak na ganyan ang ipil-ipil.

      hahahaha, akala nyo naman saan nanggaling ang pangalan ng blog na to..hahahaha

    • napuntahan ko ang thailand sa panaginip ko salbe…wahahaha

      ang alam ko, introduced species to sa pilipinas at yon nga galing sa thailand ang sspecies na to at dahil medyo may pagkapareho tayo ng klima, dumami sila ng dumami na parang dito narion sila nag-originate..

  4. Akala ko ipil-ipil, baka magkamag-anak sila.

    anway, matibay ba ang punong iyan? makunat?

    Gaano siya kalaki at gaano katagal ang buhay niyan?

    May assignment ako. Gusto ko dito ako magre-research eh.

    • magkamag-anak nga sila.

      hindi yan matibay, medyo marupok nga at maliit ang punong ito. ang alam ko halos kaedad ko na ang mga thailand shower sa mababang paaralan samin… so ibig sabihin medyo matagal din ang life span ng mga punong ito… di nga lang talaga sila lumalaki tulad ng ibang puno.

  5. Pwede po ba magrequest? Although common itong puno na ito, gusto ko malaman kung paano ba ang tamang pagpupunla sa kanya. Panahon na kasi ngayon na nagsisilaglagan na yung mga tuyong bunga nya at nalilibang akong pulutin ang mga yun tuwing umaga. Kung mabigyan ng pagkakataon na maitanin ko ng tama at maayos ang mga buto nya, sisiguruhin ko na ipagkakalat ko ang mga punlang iyon kapag pwede na sila.

    ~Acacia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s