wanted penpal

Standard

Malakas ang ulan kaya madalas ang mga flashbacks… mga kunting ka ek-ekan sa buhay kolehiyo. Itong buwan na to nauuso samin ang tradisyonal ng palitan ng sulat. Palitan ng sulat ng mga estudyante na di mo talaga kakilala, maswerte if kakilala sya ng kakilala mo pero kadalasan talaga hindi.

Pakulo ito ng mga officer ng bawat dorm, bale ang bawat girls dormitory ay may kapartner na boys dormitory. Ang mga officer ng kanya-kanyang dormitory ang bale mga bugaw..hahahaha, usually kase ginagawa talaga to isang buwan bago ang Valentines day. Hindi ko alam paano nagsimula ang ganitong kachurvahan pero malamng marami ang nagpapasalamat sa nagpasimuno nito na hanggang ngayon ginagawa parin yearly.

Kadalasang ini-encourage na sumali ang mga first year at second year students, malamang dahil madali pang utoin ang mga edad na to…hahaha,joke lang! kasama ako sa mga nauto dahil napasali ako sa ganito nung panahong nasa pangalawang taon ako sa kolehiyo. Katuwaan lang pero magandang pamapalipas oras.

Ang rules: dapat sulat kamay, bawal ibigay ang cellphone number, bawal din ibigay ang totoong pangalan, bawal ibigay ang friendster account (wala pang facebook nun) at lalo ang room number sa dorm. May kanya-kanya kayong pseudo name…. una, ililista nila ang mga pseudo name ng mga kasali tapos paagpipilian na yon ng mga lalaki.. after a day, may letter ka na… kanya-kanyang pakulo, anong papel ang susulatan, pero sakin isang sobreng mabango na may magandang penmanship ang unang natanggap..impressive syempre ang maganda ang sulat kamay.

Tatlo hanggang apat na sulat ang natatanggap ko sa isang linggo, every other day ang sulat. Anong pakiramdam sa ganun? Nakakatuwa..hahaha, hindi naman mahahaba ang letter minsan isang page lang pero yong thought na may nakilala ka sa tradisyonal na paraan.. Masaya! With matching ngiti..hahaha

Tuwing naaalala ko ang panahong yon, napapangiti ako, dahil ang totoo sa isang buwan kong kasulatan ang ka-manits ko, hmmmmm… nasabi ko bang “manits-manits” ang tawag naming dun? Kung wala, ayan naexplain ko na..wag nyo lang akong tanungin saan kinuha ang tawag dun dahil hanggang ngayon di ko parin alam… balik tayo dun sa sinabi ko, sa isang buwan na pakikipagpalitan ng sulat, absent ako sa revelation day..wahahaha, loser no? pero ang maganda wala din sya… pareho kaming may exam, ang natanggap ko lang, isang bouquet na roses, pinadala nya sa organizer.

Hep! Hep! Wag mag-isip ng masama, walang love story na nangyari..hahaha, naging isang mabaet na kaibigan lang sya, kaibigan nga ba? Kasi ang naaalala ko lang sa kanya ay ang pseudo name nya, promise! Nakalimutan ko ang real name nya… since graduating din ang mamang yon..busy-busyhan sya. Na-meet ko lang sya before his graduation… second year ako sya fifth year na.

At hanggang ngayon , nakatago sa isang box of memorabilia ang mga sulat nya.. wala lang, nakakatuwa kasing magtago ng mga sulat plus magaling ngang kasulatan yon, bawat sulat may topic. Hindi basta-bastang pakikipagkilala lang.

Memories…. If tatanungin ako kung babalikan yon, sasali pa ba ako?.. malaking OO ang sagot ko. Sinong aayaw na may aabangan kang sulat kahit sobrang pagod, napapangiti ka.

Priceless yong excitement pag sinabi sa inyong may mga sulat na naman..parang mga bata lang na nakatanggap ng chocolate. Plus yong idea na tumawid ka sa isang mundong di mo alam.. syempre hindi natin alam kung sino yong kasulatan mo.. who knows? Mga campus figure pala yon at dun nagsisimula ang istorya este ibang istorya di ako kasama…hahaha.

Natatawid mo ang isang linya na if ordinary circumstances di talaga pwedeng magkasalubong ang mga landas nyo.. instant kaibigan ang sa iba nga naging Ka-ibigan.

Imagine ang nagagawa ng simpleng palitan ng sulat.. hays! Ngayon ko naisip na gusto ko palang maranasan ulit na may matanggap na sulat.

Sinong gustong makipagpalitan ng sulat sakin?..hahahaha, pag pasensyahan lang minsan ang mga katarantaduhan at ka-adikan ko. Pero if game ka, game din ako. Yey! Mwuah! Adik na naman ako.

Advertisements

47 responses »

  1. Maganda at kakaibang activity yan ah. Sa amin, kapag valentines mga booth, pero tao at alak ang laman. Masaya din, balak ko nga bumalik dun this coming valentines dahil namiss ko na.

    Naranasan ko nang makipag-penpal sa isang tangi at mahal na mahal kong nilalang, sa tatay ko. Nasabi ko bang OFW sya? Yownnn!

    Hindi ako madalas makatanggap ng sulat noon, mas nakakatanggap ako ng bulaklak. Ewan ko ba kung bakit bulaklak samantalang nalalanta, mas maganda pa din ang sulat hindi ba? Yung mga natanggap kong bulaklak, prineserve ko, tinuruan ako ng kapatid ko kung papaano kaya hanggang ngayon nasa box ko pa din ng memorabilia ang mga bulaklak.

    Sana may makuha kang penpal aninipot at landiin mo ng bonggang jabongga!

    • so far, ito yata ang pinakamahabang comment mo salbe..hahahaha

      napaghahalatang gusto mo rin yatang makatanggap ng sulat. Medyo namimiss ko lang ang mga gawaing ito.. di narin kasi ako gumagawa ng sulat.

      oo nga no? bakit ba mas madalas bulaklak ang binibigay? mas maganda parin ang sulat, pwede pang tumagal..hahaha

  2. Magandang ideya ‘yan, mas mahahasa ang mga tao upang humabi ng imahinasyon dulot ng mga salitang nakapaloob sa sulat, sa papel mang payak o may pabango pa at may bakas pa ng labi.

    Love ‘yon eh.

    Ako textmate ang hanap ko sa ngayon. 🙂

    • hahaha, txtmate gamit ang calculator mo?

      naks! love na agad if dinadaan sa sulat? pero totoo, iba ang dating parang mas sincere kase nga pinag-isipang mabuti.. di naman basta-basta nagagawa agad ang sulat. plus point na yong mabango at bakas ng labi.. 😀

  3. Magandang istilo yan… nakakatuwa naman na may ganyang nangyayari sa mga dormitory, hindi ko kasi naranasan hehehe…

    Ramdam ko ang kilig at misteryo sa mga sulat nito… nakidaan po 😀

    • iyan sigoro ang isa sa mga priceless na bagay na naranasan ko habang nakatira sa dorm. iba pa yong harana at kung anu-ano pa.

      tama po! andun yong misteryo sa bawat sulat.

      sige po, daan lang po ng daan.. matagal narin akong nakikibasa sa blog nyo..di lang ako nag-iiwan ng bakas.

      • Hi ani,

        Natuwa talaga ako sa post na ganito! at nalalapit na rin kasi ang valentines ahihihi, sa ssunod sana pag dumaan ka doon sa bloghay ko, iwan ka naman ng bakas ahihihi

        Ingat po

  4. HuWahaHAhah!! chEeSeY?!!! PeRo… SweEt.. 😀
    nAkanaNg suLat kaMay taLaga?…

    Hahaha!!! MeRon nA paLang fRieNdsTeR ng KapaNahuNan mO?. tEH?.. biRo LanG .. buT anYwaY.. wAlLa bAng WeLcoMe huG dyAN …

    EeWw. .. 😀

    PaRanG nanDiri nAMan aNa LoLa mo Sa WeL koM huG taLaga?… hEhehE ..:
    -D

    chIkaBooM!!!

  5. nakakatuwa naman….nung ako ay medyo bata bata pa never ako nakatanggap nang liham…siguro masarap yung pakiramdam no?…kahit di mo kilala yung taong nagsusulat sa iyo…mas maishishare mo yung mga problema mo, mga dinadala mo at mga kalandian sa buhay…kasi nga kahit ano pang pagsasasabihin mo hindi k naman niya kakilala

    • masarap sa pakiramdam kase nga ginawa in a traditional way.. pero medyo may pagkakapareho lang din naman sya sa blogging basta anonymous ka…hahaha

      pero maganda yong idea na may maitatago ka, at sa pagtanda pwede ulit maishare sa mga apo ang mga katarantaduhan mo nung bata pa..hahaha

  6. binibining aninipot,

    magandang araw sa’yo!

    nais ko lamang mag-iwan ng mumunting liham para sa’yo dahil gusto ko ring makipag-landian sa pamamagitan ng mga papel na dinampian ng mabangong samyo. ayoko nang makipag-textmate dahil wala naman silang naibibigay saking kaligayahan. puro phone sex lang ang habol nila sa akin at araw-araw na 30-peso load. mga pukengina nila, hindi ako load wallet!

    kaya naman, kung iyo sanang mamarapatin ay ibig kong makipaglandian, este…makipagpalitan ng mga salitang malamyos sa paningin, ng mga hinabing pangungusap na magbibigay ng kakaibang paglutang sa alapaap ng diwa.

    parang shabu lang.

    lubos na gumigiling, este…gumagalang,
    waling-waling

    • waling-waling.

      magandang araw din sayo!

      ang siste ba ay ayaw mong gawing load wallet? paano yang waling-waling naghahanap din ako ng kasulatan na pwedeng maging load wallet?..lol

      ginoo, kung ang hanap mo ay salitang pwedeng ihambing sa pakiramdam ng nakasinghot ng shabu.. malamang pwede kitang ibigay sa mga kaibigan kong makatang maglalawig sayo sa mundo ng alapaap.

      gumagalang,
      aninipot

  7. ayus yan ah! nawawala nga naman ang sense ng pagsusulat kung idinadaan sa mga modernong teknolohiya. ang sweet naman! ewan ko, pero pumangit na yata ang sulat ko since laging keyboard ang tipa ko.

    oo, matagal na akong hindi nakakadalaw dito, sorry naman ma’am! wag niyo po akong hampasin ng bote sa bungo! 😀

    minsan nga pakulo tayo ng ganito… mukhang maganda yan ah! hmmn, napaisip ako.. email mo ako, pakontes tayo!

    • ako din, sa tingin ko pumanget na ang aking sulat kamay kung dati ay parang sulat ng manok, ngayon di ko na alam..hahahahaha

      pakontest? ikaw ang magpapakontest MD?..hehehehe

      • oo, iniisip ko ang magandang pa-premyo… pakulo rin para sa anniv ng blog ko. pero kapag tinamad ako, baka raffle na lang. pero kapag lalong tinamad, baka wala na bwahahaha

  8. exciting naman! tama ka sa panahon ngayon ng modern technology..napag-iiwanan na nga ang pagsusulat ng mga messages…gamit ang sulat-kamay….pati yata post-opis wala na masyadong gawain…aminin ko man kahit nga krismas card ko every year thru emails na lang..

    kakamiss nga ang mga panahong…nag-aantay ka ng sulat…parating nagbabasa ng names sa listahan ng mga sulat na dumating sa skul library…tapos kikiligin pa to the max kung mabango ang sobre o kaya ang papel..o may oa pag may scent pa ang bolpen…hayssss…miss those days!!

    friend salamat sa pagdaan sa king blu haws!

    • iba po ang dating nung sulat kamay.. kahit po obsolete na daw pero masarap parin ang makatanggap ng sulat.

      tapos yong mababangong stationary pa ang gagamitin..hehe, itatago talaga.

      welcome po 😀

  9. wow. isa ata to sa mga di ko nagawa ng aking kamusmosan, mukang napakasaya nga at nakakataba ng puso yan.

    kaya nga ngayon, kapag may natatanggap akong email once every 2 months na simpleng pangangamusta, sobrang saya ko na.

  10. ikaw na ang naka miss sa dating kasulatan pero tama ka naman iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag nakakatanggap tayo ng sulat galing sa isang tao na importante sa atin lalo pa’t sulat kamay. Ako naman gusto ko text mate o kaya ka BBM bwahahaha. Musta na Ani?

    • wahahaha, hindi ko namiss ang dating kasulatan, di ko nga maalala ang real name nya eh!..hehehe

      meron parin naman ngayon na nagbibigay ng sulat… sinusulatan ko nga mga friends ko eh!..

      ok lang po ninong, medyo busy-busyhan last weekend lang.

  11. Ang saya naman ng dorm life niyo. Di ko kasi naranasan mag-dorm kaya di ako pamilyar sa mga ganyang activity.

    Isa akong fan ng sulat kamay, yung ipinadadala sa post office. Sarap sa pakiramdam kasi yung may gumawa ng sulat para sa yo 🙂

  12. isa sa mga namimiss ko ay ang makatanggap ng sulat via snail mail
    iba kasi ang dating kapag sulat kamay tapos hatid siya ng kartero
    di pa ako nakipagpenpal
    although sa mga nakaraang pag-ibig sumusulat ako tapos ihuhulog ko sa post office para surprise
    minsan hand made cards o kung anu-ano pa
    mahilig din akong mag-iwan ng mga small notes
    oh good old days!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s