malakas ang tibok ng puso ko

Standard

Medyo matagal narin pala nung huling tumipa ako.. parte na sigoro to ng buhay blogosperyo, minsan sisipagin, minsan aabutan ng katamaran. Totoo pala na trabaho ang istorbo sa pagbablog..hehehe

Madami akong kwento, kelan ba ako nawalan ng kwento yon nga lang hindi pumasok sa isip ko na magpahid ng kung anu-anong anik-anik dito.

Ngayon, malakas ang tibok ng puso ko iniisip ko pa ang mga dahilan nito:

1. Resulta ng ininom kung gamot, sa sobrang taas ng dosage nagpalpitate na ang puso ko. Dahil dun, isinumpa ko ang synthetic drugs.. parang nakakatakot na, mas gusgustuhin ko pang uminom ng mga dahon-dahon lang. Diba lahat naman halos ng gamot naggaling din sa mga halaman?

2. Inlove ako?!? Sa gulo ng lovelife ko baka na-stressed ang puso ko, lagot ka aninipot, bawal ka palang mainlove..hahaha

3. Dala ng stress sa trabaho, imagine for the whole month of January, pati weekends may trabaho kami.. inalila ako ng gobyerno na walang proper compensation, ok lang sana na dagdagan ang trabaho ko tapos dagdag sweldo din, pero wala.. nada.

4. Hmmm, kelangan ko ng magresign?.. pagod na ako promise, di na yata ako Masaya sa trabaho ko, dati ko pa namang sinasabi na ayaw kung makulong sa apat na sulok ng opisina, pero anong nangyari? Nasa opisina ako, hindi ako naging manggugubat para lang di makarating sa gubat.. haller! Ako ang klase ng tao na di dapat kinukulong sa mga trabahong papel at kompyuter ang madalas kaharap.

Pansin ko, pangalawang beses ko palang na ginawa na magreklamo tungkol sa trabaho ko dito. Last year din yon February. Nagsulat pa ako tapos puro reklamo lang, pero yon nga ang benipisyo nito, nailalabas ko yong mga reklamo ko, bahala na ang iba kong babasahin o hindi.

Haays! Magulo akong kausap minsan pero pagdating sa mga bagay tulad ng pamilya, lovelife at trabaho madalas mahabang pag-iisip ang ginagawa ko. Pero ngayon! Naramdaman ko na ang pagod, di na nga sigoro ako bagay dito, walang nang-away sakin, ang bait nga ng lahat, pero andito na yong pakiramdam na kelangan ko nang umalis. May plano na akong umalis pero hindi ako sigorado sa lilipatan dahil una pa lang medyo taliwas sa paninindigan ko.. murahin nyo na ako kase natempt akong lumipat sa mining industry. Pwede akong magpaliwanag pero naisip kong wag nalang, basta personal din ang isa sa mga reason ko.

Isa pa takot din ako baka may iba pang malalim na dahilan ang pagpalpitate ng heart ko. Magpapa-check up lang ako pagdating ng nanay ko next week. Takot ako sa doctor, takot akong malaman na may sakit ako… Hays!, seryoso malakas talaga ang tibok ng puso ko.
Hindi ako namamaalam, pero possible na pag hindi na ako nag-update nagresign na ako sa trabaho ko. May contact no. naman ang mga naging kaibigan ko dito.. txt ko nalang kayo. Nice meeting with you guys! Makakabalik din ako, di ko lang alam kelan. 😀

Advertisements

28 responses »

  1. Tanong, bakit bawal kang mainlab? Dahil sa bilis ng tibok ng puso mo? Okay lang yun. Damahin mo, masarap yan. Hihihi.

    Ilang beses ko nang napatunayan na minsan mas magulo ka pang kausap kesa saken. Langya, ako ang sumuko sa yo!

    Kapag lilipat ka ng trabaho, una mong itanong sa HR kung may internet ba sila. sabihin mo requirement mo yun. Ikaw na ang may requirement!

  2. Ang Viagra ba nanggagaling sa halaman? Anong halaman ang matigas? Hihi.

    Naiinggit me much. Gusto ko ren ma inlove. Namimiss ko na kiligin. Putangena maski nga sa pag ihi di na ko kinikilig. KMN!

    Kung magreresign ka man, lumipat ka na dito sa Maynila. Tapos inuman tayo ng bonggang bongga! Hihi.

    • wahaha, vajee, maraming halaman ang matigas at oo ang ibang sangkap ng viagra ay galing sa mga halaman.

      wahahaha, sobrang magulo ang mainlove vajee, alam mo yan..

      di na ako umiinom, bawal sakin.. saka mas mapapalayo ako.

  3. hmmm…see a doctor…or see ur lover…bakit naman kulang ka lang sa love! hahahhaa…

    naiintidihan ko ang hinaing mo…abot nga dito sa Roma ang protesta ng ngalangala mo…

    hayss!!!
    mag-isip, magmuni-muni, pray for whatever decision you have to take (Opps!)…kasi dapat kailangang kasama si Papa Jesus sa lahat ng plano natin sa buhay.

    when i left the corporate world to pursue my call…I prayed for it for a year…kahit mahirap noong una…alam ko na I was making the right decision…

    and I did make the right one. mAHIRAP ang daan ng buhay…normal naman yan kahit saang antas…ang mahalaga…happy ka…

    • pwede both!..hahaha, magpapacheck-up din ako para sigorado.

      hmmmm. sigoro ang batayan na tama ang desisiyong gagawin ay masaya ka kahit mahirap di po ba?

      ipagdadasal ko talaga para mas mapaliwanagan ako kung ano ang tamang desisyon.

  4. malakas din tibok ng puso ko… mga bwiset kasi mga kasama ko rito sa opisina aatakihin ako sa puso sa galit haha!

    ako din gusto ko narin magresign kasi nahihirapan na ako pero mas mahirap ang walang trabaho haizzz!

  5. Natural lang siguro na tumibok ang puso mo ng mabilis kung may pinagnanasaan ka hija! Ganyan din kasi ako ahihihi. Walang masama na magpatingin sa doktor kung duda ka sa kakaibang tibok ng puso mo, lalo pa’t wala namang nakahubad na nilalang sa harapan mo bwahihi.

    • wahahaha, mukhang kelangan ko na ngang magpatingin sa doctor ninong, wala naman kase akong nakikitang nakahubad na lalaki sa harapan ko pero tumitibok ng abnormal ang puso ko…hehehe

  6. mag nag pm sa akin kanina. dangan nga lang na rush hour ko sa pagtulog kaya hindi ko siya nakausap ng maayos. pero may kwento sya something about sa isang pagkatamis tamis na bagay. teka,hindi pala yun ganun katamis.

    uma-alibi ka pa. alam ko kung ano ang dahilan ng ‘palpitation’ ng iyong puso. ahahaha!!!

    payo mula sa kapwa uring manggagawa: huwag mag resign sa trabaho kung hindi tumama sa lotto or wala pang kapalit na bago.

    • hahaha, ewan ko ate k, anong ginawa ni kwan?!?..hahaha

      allergy lang pala, kay may palpitation kasee inuubo ako, kaso bawal na akong mag-powder, bawal na ang perfume, bawal narin ang malamig na tubig..hahaays!

  7. hOnGa, Mag pAhiNgA kA.. sEe a MoviE… YunG hoRroR.. tAs imBiS nA pOpCorN.. chIchAroN aNg i tAke hoMe mO.. tiGnaN nAtEn.. kUnG hiNdi pA tuMiGiL uNG pAg p pALpiTatE mO… joKe… 🙂

  8. hmmm ate anini ko, lumuwas ka po dito sa maynila at tutulungan kitang humanap ng trabaho 🙂

    baket naman bawal ka pang mainlove?

    marami po dyan sa tabi-tabi mo… ayeeee

    • naku jason, mas lalala ang allergy ko dahil sa pollution ng maynila..hehehe
      mas lalo akong magkakasakit saka pano naman pagiging manggugubat ko..

      meron nga sa tabi-tabi jason, natisod na nga ako..hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s