update daw!

Standard

umaabot din pala talaga tayo sa pagkalimot minsan sa mga madalas nating gawain, tulad ng pagbablog, aminado akong dumaan ako sa puntong isang totoong adiktus, na hindi pwedeng lumipas ang araw na hindi nakakadalaw sa blogsite o kaya makapagbloghop.. pero pag inabot din pala ng panahong mas gusto mong manahimik kesa itipa ang nararamdaman pwedeng-pwedeng kalimutan na parte ka minsan ng bertwal na mundo.

maraming dahilan, minsan masyadong personal at meron ding iba ang hinahanap, taong pwede mong sumbongan na nakikita at nahahawakan.. hindi naman sa minamaliit ko ang mga pagkakaibigang nabubuo sa mundong to, pero alam nating lahat na mas nagiging malapit lang kayo pag nahaluan na ito ng personal na pagkikita at pagkakakilanlan.

sa parte ko na mas piniling magpakilala bilang walang mukha mas maliit ang tyansang mapalapit sa iba.. pero tama lang din, walang kasigorohan din kase ang pananatili dito, kako nga matira ang matibay.

haha, ang seryoso ko.. emo, madrama, itawag mo na lahat ng gusto mong itawag ok lang. Basta tumitipa lang ako.

ang totoo, inaantok ako, hindi inlababo ang dahilan bakit madalas akong wala, kasalanan ng allergy ko, at syempre ang kapartner nyang anti-histamine.. nabubwesit na akong uminom nito pero dahil gusto kong gumaling ok go!.. lulunukin.

lately, ang daming nawala sa mga gawain ko, tulad ng pagbabasa ng libro.. namimiss ko na ang lumipad sa ibang mundo sa pamamagitan ng pagbabasa, dalawang pahina palang, pumipikit na ang mga mata ko… walang coffee painting dahil mas gusto kong matulog kesa mabangag sa kape (kaya pasensya naman sa napangakoan ko ng gravatar, wala po talagang oras).

o sya babush.. pag magaling na ako malamang ma-aasikaso ko na ulit maging adik 😀

Advertisements

20 responses »

  1. Tutulungan kita kung papaano ka mas madaling makapagbloghop. Gumamit ka ng Google Reader. 🙂

    Antihistamine. Dati nag-a-adik ako dyan. Wala akong allergy pero umiinom ako nyan para makatulog. Nasabi ko na bang adik ako? Yown.

    Ngayon, nagsisipag na uli akong magbasa kasi sa totoo lang nakakasawa ang laging online. Booyeah!

  2. Naalala ko ren non, halos every other day nagpopost ako. At araw araw isa isa kong dinadaanan multiple times a day lahat ng nasa blogroll ko. Ngayon tamad na tamad na ko. Haha.

    Naalala ko nanaman yung allergy mo sa pulbos. Natawa talaga me much! Hahahahahaha!

    Diba i cocoffee painting mo ko Ani? Yey! Yey! Pang friendster! Hahahahaha

    • hahaha, sobra! ako din dati ang sipag magpost at ginagawa pang chat room ang comments section..hahaha, pero ngayon tamad na.

      may allergy talaga ako.. inuubo ako ng sobra pag nakakalanghap ako ng pulbos.. ang arte nga ng lungs ko..hahaha

      saka na ang coffee painting pag di na ako inaantok..haha

  3. uy, anini! hehehe… nakauwi na kami…
    hindi pa din ba magaling yang allergy na yan? tsk tsk… hindi ko pa din maisip ung pag-iwas mo sa pagkain ng manok sa kati ng lalamunan mo. hmmmm… nga pala, pinadaan ko pa yung service namin na van sa divisoria para makapamili ng marang, hindi mo nman sinabing hindi pala season. hahaha!
    at may sasabihin pa pala ko. ang saya talaga nung rafting! WAHAHAHA! mainggit ka.

    • mas mabuti nang umiwas kesa lumala..haha, actually ok na ako, tinatapos ko lang inumin ang gamot kelangang ubusin yong prescription kaso nagkasakit ang housemate ko, ang bilis ko pa namang mahawa..haays!

      wahahaha, bakit nagtanong ka ba kung season?

      oo, masaya ang rafting, pero di ako naiingit.. hindi naman yon mawawala..hahaha, pero samin parin ang maraming lobster at masasarap na seafoods, at magaganda ang beaches sa surigao..bleh! maiingit ka!..hahahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s